Chapter 15
DOMIQUE CRUZ
"TULUNGAN MO AKO rito, Warren. Ikaw ang may pasimuno nito kaya huwag kang tumunganga riyan!" sigaw ko kay Warren na siyang nakatayo lamang sa likuran ko.
Sinubukan kong maghanap ng butas sa acquarium, pero wala. Nagsimulang bumaha ang shower room at wala akong ideya kung paano papatayin ang tubig na nasa acquarium mismo nanggaling.
Ilang ulit kong sinuri ang buong paligid upang hanapan ito ng paaran. Ilang minuto ang dumaan ay walang Warren na tumabi sa akin at tanging mga yabag ng paa at ungol ang naririnig ko sa buong lugar.
At ayan na naman siya, naglalaro habang seryoso ako sa ginagawa ko.
"Warren, ano ba! Sobrang tagal mo namang kumilos diyan." Sabi ko at saka lumingon sa aking likuran. Agad kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Warren.
Isang sapatos ang naiwan sa sahig at alam kong kay Warren iyon.
Saan naman nagpunta si Warren? Tinakasan ba naman ako. Buwesit. Sinabihan niya sana ako kung may iba siyang plano kaya pinili niyang hindi sumama kina Tyra.
Pabalik-balik ang tingin ko sa acquarium at sa sapatos na naiwan ni Warren. Ipinikit ko ang aking mga mata bago tumakbo palabas ng gymnasium. Mas pinili kong dumaan sa backdoor, baka kung sino pa ang madatnan ko at ako pa ang isusunod ni Loreley, o kung sinuman ang taong pumapatay sa amin ngayon.
Tinungo ko ang aming dormitory at nagtago sa isang silid. Damn. Sira ang pinto, kung minalas nga naman. Umalis ako sa pinasukan kong silid at agad naghanap ng iba. Sa ikalawang silid ay laking pasasalamat kong bukas ang pinto at hindi rin ito sira. Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang kabang naramdaman hanggang ngayon.
Nagkulong lamang ako sa loob ng kabinet. Bahala na kung kanino ang silid na ito.
Wala na akong pakialam.
"Warren naman, nagawa pa akong iwanan sa shower room, e." Bulong ko sa sarili at saka kinapa ang buo kong katawan sa sobrang ginaw na para bang nasa Antartica ako.
"Handa na ba kayo para sa ikalawang pagsusulit?"
Tumigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko na naman ang boses niya. Tumindig ang balahibo ko sa katawan habang hinihintay kung ano ang kasunod niyang sasabihin, pero wala. Kinilabutan ako sa katahimikang namayapa sa silid.
Ilang minuto ang lumipas ay wala pa ring nangyari. Sobrang tahimik ng paligid hanggang sa magsalita ulit siya—kinakabahan ako ng husto.
"Maaari ba nating simulan ang ikalawang pagsusulit? Alam kong handa na kayong lahat. Tandaan niyong nakikita ko ang bawat galaw niyo. Sayang. Hindi niyo ako malalamangan. Nagpa-plano palang kayo, patay na kayo sa paningin ko. Huwag kayong tanga!"
Ano? Nahihibang na yata siya. Wala namang CCTV sa loob ng kabinet, 'di ba? Baliw lang yata ang maglalagay ng CCTV sa sariling kabinet.
At kaninong kabinet ba itong pinasukan ko? Sobrang sikip at ang baho.
"Tyralique Huaven, kung ako sa 'yo ay hindi ko gagawin 'yan. Marami pa akong mga mata na nagbabantay sa bawat galaw niyo. Baliwala ang gagawin mo ngayon at magsasayang ka lang ng lakas."
Tyra, ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng iyon?
Lalabas na sana ako nang may marinig akong mga yabag ng paa sa labas ng kabinet. Hindi. Hindi ako puwedeng lumabas. Sobrang delikado, lalo na ngayon kung kailan magsisimula ang ikalawang laro para sa araw na ito.
Ilang minuto ang dumaan ay walang nangyari. Ilang ulit akong bumuntong hininga upang kalmahin ang sarili ko nang may maamoy na naman akong kakaiba. Hindi ang sarili kong hininga ang aking naaamoy, may kakaiba sa kabinet na pinasukan ko. Kinapa ko ang phone sa aking bulsa at ginamit ito bilang liwanag. Kainis. Wala pa ring signal hanggang ngayon.
Itinuon ko ang liwanag ng phone sa aking tabi. Walang pasabi akong nahulog sa sahig nang masilaya ko kung sino ang aking katabi. Buwesit. Paano nangyari ang kahimbal-himbal na patayan na ito? Ilang beses akong sumuka at walang pakialam kung sino ang may-ari ng silid. Ilang minuto lang ay kinalma ko ang aking sarili at saka tumayo. Dahan-dahan kong hinawi ang mga damit sa loob ng kabinet at hindi nga ako nagkamali sa nakita ko
"Sino ang gumawa nito sa 'yo, Sir?" parang tanga kong tanong sa sarili.
Patay na si Sir Sato.
Sino ang walang awang pumatay sa kanya? Dalawang guro na namin ang pinatay sa araw na ito. At sa kamalas-malasan ay ako palagi ang unang nakakita.
Lumayo ako sa kabinet at tinungo ang pinto. Ilang beses ko itong sinubukang buksan, pero tuluyan itong nasira. Tiningnan ko ulit ang kabinet hanggang sa nakita kong nahulog ang katawan ni Sir Sato sa sahig. Bumaha ng dugo ang lugar at pagulong-gulong ang ulo ni Sir Sato sa sahig. Shit. Fuck. Eww. Gross. Dalawang pugot na ulo na ang nakita ko sa araw na ito. Sukang-suka na ako sa mga nangyayari.
Lumayo ako sa ulo ni Sir Sato na hanggang ngayon ay gumulong-gulong pa rin. Ang upper body niya ay nasa sahig habang ang lower body ay nanatili sa loob ng kabinet. Para akong nasa isang horror movie.
Mama, save me.
Nang huminto sa paggulong ang ulo ni Sir Sato ay tumakbo ako papunta sa pinto. Ilang beses akong sumigaw, lalo na at nasa aking direksyon nakatingin ang dilat na mga mata ni Sir Sato. Parang inaalam niya kung ano ang kasunod kong gagawin, katulad lang kay Miss Ouie sa faculty room.
"Please lang, mabuksan ka na. Ayaw ko na rito, nagmamakaawa ako." Bulong ko sa aking sarili habang sinusubukang buksan ang pinto.
Agad akong naghanap ng mga mabibigat na bagay upang sirain ang pinto hanggang sa marinig ko ang sigaw niya—ang sigaw ni Warren. May kakaiba sa sigaw ni Warren ngayon, may halong sakit at para bang humihingi ng tulong.
Hindi ito puwede.
Ang tanga-tanga ko upang isipan na iniwan ako ni Warren kanina. Pero bakit siya lang ang kinuha? Naiinis na ako sa sarili ko. Kung lumingon lang sana ako kaagad sa likuran, hindi sana siya makukuha at magiging pain para sa kasunod na laro.
Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa kanya.
Ilang minuto akong nakatitig sa sirang doorknob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Tumakbo. Saan? Maghanap. Saan? Magtago. Saan? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Buwesit. Dumagdag pa itong pugot na ulo ni Sir Sato sa mga problema ko ngayon.
"Solving the mystery. . . starts. . . now!"
Dang! Nagsimula na talaga ang laro. May nakita akong martilyo sa ilalim ng higaan at ang katabi nito ay isang chopping knife. Kinuha ko kaagad ang martilyo at tumakbo pabalik sa pinto. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang katawan ni Sir Sato bago sinira nang tuluyan ang pinto.
Ilang hampas lang ay lumuwag ang doorknob hanggang sa natanggal ito sa kanyang pinagdikitan. Damn it, sa silid na ito pinatay si Sir Sato at ang chopping knife na may bahid na dugo ang ginamit na armas upang patayin ang guro namin.
Hindi na puwede itong nangyari sa araw na ito, kailangan kong makalayo sa dormitory.
Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro