Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

TYRALIQUE HUAVEN

"WALANG IBA KUNG hindi si Warren," sambit ni Daelan sa mahinang boses. "Siya ang isinunod ni Loreley."

"Paano siya nakuha ni Loreley? At sana nama'y nasa mabuting kalagayan si Domique." Sabi ko habang paikot-ikot na naglalakad sa gitna ng silid.

Ano ba ang dapat naming gawin upang matigil ang larong ito?

At ano ang naging kasalanan ko upang masali sa gulong kinasasangkutan ng mga kaklase ko?

Buwesit.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Dumagdag pa ang pangalan ni Loreley. Sino ba siya? Anong kinalaman ko sa kanya? Tumigil ako sa paglalakad nang may humawak sa kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Daemon," tawag ko sa pangalan niya.

"Puwede bang tumigil ka? Ako ang nahihilo sa ginagawa mo," kalmado niyang sabi sabay hatak sa akin papunta sa puwesto ni Daelan. "Wala akong ideya kung nasaan si Warren at kailan natin siya makikita. Kailangan nating maghanap ng monitor, kagaya kanina kung saan ipinakita ang lokasyon ni May."

"Saan ba may monitor sa building na 'to?" tanong ko.

"Sa bawat building ay may monitor na naka-install sa bawat palapag. Sa pagkakatanda ko malapit sa hagdanan nakalagay ang bawat monitor. Ginagamit lamang ito para sa mga announcement and reminders." Sagot ni Daelan.

"Puntahan natin," sabi ko.

Maingat kaming lumabas ng viewing room at sa sobrang gulat ay hinawakan ko ang kamay ng taong nasa aking likuran. Pikit ang aking mga mata at ramdam ko ang pagtibok ng aking puso. Potek! Magtagpo na nga lang ang landas namin sa isa't isa'y nakakagulat pa.

Sinubukan kong kumalma at tiningnan sina Chaevon na siyang nagulat din sa biglang paglabas namin ng viewing room. Kasama ni Chaevon si Phoeb at nang tingnan ko kung sino ang nasa kanilang likuran ay hindi ako makapaniwala. Ang kasama ng dalawang 'gangster' ay walang iba kung hindi sina Cessqua at Kyla.

Like, how come?

"Kayong tatlo lang ang magkasama?" tanong ni Phoeb. Mabibigat na hininga ang pinakawalan ni Phoeb at sinubukang sumandal sa pader.

Tiningnan ako ni Daemon hanggang sa bumaba ang tingin niya sa kamay naming dalawa. Agad kong binitawan ang kanyang kamay at lumayo. Awkward. Hindi ko alam kung saan ako titingin, lalo na't nakatingin silang lahat sa aking direksyon.

"May nagsabi kasi na dapat naming iligtas sina Warren at Domique. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Arius upang sundin ang sinabi ng babaeng 'to, isinama niya sina Yukiro at Cole."

Gano'n? Ako pala ang sinisisi ng lalaking 'to kahit sinabihan niya akong manatili sa silid. Ang lakas talaga ng loob. Ang sarap ipakain sa mga alaga kong pating sa bahay.

Nagpasya akong hindi magsalita. Wala rin namang patutunguhan kong aawayin ko si Daemon.

He's not worth my time. Manigas siya.

"Saan ba kayo galing? Nasaan si Brint?" sunod-sunod na tanong ni Daemon.

"May buwesit na nagkulong sa amin at wala akong kamuwang-muwang sa larong ito. At kay Warren ba ang sigaw kanina? E, sabi mo'y iniligtas nina Arius ang dalawang nerd na iyon."

Tumango si Chaevon at saka tiningnan ang kanyang kaibigan. "Wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari. Nahanap niyo ba ang taong hinahabol natin?"

"Hindi namin nahanap, pero nakuha niya si May. Mukhang isang patibong lamang iyon para magkawatak-watak tayong lahat." Sagot ni Daelan sa tanong ni Chaevon.

"Kung tayo lang ang nandito, baka kasama ni Brint ang iba nating mga kaklase." Sabi ni Phoeb at papasok na sana ng viewing room nang pigilan siya ni Daemon.

"Naghahanap kami ng monitor."

"May monitor sa loob ng viewing room. Ginamit natin iyon last semester para manuod ng fifty shades of grey, remember?"

Nakita kong inirapan ni Chaevon si Phoeb at saka binatukan ang kaibigan. "Hindi mo ba naalala ang ginawa ni Yukiro last semester sa monitor? Binato lang naman niya ng sapatos sa sobrang inis niya sa 'yo. Loko kayo, ang mahal ng monitor at pinabili tayo ng bago, tapos next semester pa nila ilalagay."

"Oh. Now, I remember what happened," parang timang na sabi ni Phoeb at saka umakbay kay Daemon. "Nagalit siya sa akin at babatuhin niya sana ako nang sinabihan ko siyang sa harapin—"

"Sandali lang, puwede bang maghanap muna tayo ng monitor? Nagsasayang tayo ng oras dito kaysa iligtas si Warren." Putol ko sa kanilang chikahan. Kung makapag-usap ay parang walang nanganganib na buhay.

"Fierce," rinig kong bulong ni Phoeb. "I like that."

Tiningnan ko siya ng masama at saka inirapan. "Hali ka na nga't hanapin natin ang sinasabi mong monitor, Daelan."

Hinawakan ko ang kamay ni Daelan at hinila papunta sa may hagdanan. Tama nga ang sinabi niya kanina, may nakita kaming monitor, pero hindi ko gusto ang aking nakikita.

Si Warren.

Nasa rooftop siya, pero hindi ko alam kung saang building. Maliban sa apat na building sa aming paaralan ay may rooftop din ang gymnasium, pati na ang dormitory namin na may tatlong palapag.

"Solving the mystery, starts, now!"

Shit. Wala na talaga akong ibang mura na masambit ngayon. Kagaya kanina ay may twenty minutes lang kami upang hanapin kung saang rooftop iniligay si Warren. Nakahiga sa malamig na semento si Warren at tinali ang buong katawan gamit ang lubid, pati leeg ay mayroon din. Masasabi kong nasa rooftop si Warren dahil sa ikalawang monitor kung saan ang kalangitan ang ipinapakita.

"Alam niyo ba kung saan iyan?" tanong ni Kyla.

"Walang akong ideya," Tanging nasambit ni Chaevon.

"Ito na lang, pito tayong nandito. Hindi tayo puwedeng gumala na mag-isa, kaya ang gagawin natin ay gagawa tayo ng tatlong grupo." Paliwanag ni Daelan na agad tumabi sa akin.

"Si Chaevon ang sasamahan ko," suhestyon ni Phoeb.

"Si Kyla ang samahan mo, Phoeb, sa main building kayo. Si Cessqua naman ay sasamhan ni Chaevon at sa building D kayo maghanap. Dito naman kaming tatlo at kapag narating natin ang rooftop at nasa building B pala si Warren, madali lang natin siyang mapupuntahan." Sabi ni Daemon at saka ako tiningnan sa mata.

Agad akong nag-iwas ng tingin at umubo ng peke. Kahiya. At bakit ko ba katabi ang lalaking ito? Kainis.

Agad kaming tumakbo sa kanya-kanya naming direksyon. Laking pasasalamat ko at nasa second floor kami tumambay at madali lang para sa amin na marating ang rooftop. Ang bawat building sa paaralan ay hanggang third floor lang at rooftop na pagkagapos.

"Mabuti naman at tumatakbo ka," pambabara ko kay Daemon. Inis na inis pa rin ako sa kanya.

Tiningnan niya ako saglit at saka umiling. "Gusto mong tumigil ako? Puwede naman. Tatambay lang ako sa isang silid at maghintay na matapos ang larong ito."

"Bahala ka sa buhay mo, Daemon."

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Nasa likuran namin si Daelan na halatang natatakot sa naging sagutan ko kay Daemon. Duh. Walang akong kinakatatakutan, maliban na lang sa sarili ko.

Nang marating namin ang rooftop ay wala akong Warren na nakita. Sobrang lawak ng rooftop at nang inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ay wala akong makita kahit isa sa mga kaklase namin.

Ano kaya ang nangyari sa kanila?

"Nasa dormitory si Warren, tingnan niyo." Sigaw ni Daelan na siyang nakatayo ilang agwat sa amin ni Daemon. Tumakbo kami sa papunta sa kanyang puwesto at tiningnan ang rooftop ng dorm. And yes, nakita kong nakahiga si Warren. May lubid sa buo niyang katawan, pati na sa kanyang leeg na siyang konektado sa railings.

"Tara na," sabi ko at naunang tumakbo, pero sa kasamaang palad ay hindi mabuksan ang pinto.

Kung minalas nga naman.

Tiningnan ko ulit ang puwesto namin kanina at bumuntong hininga. Malayo ang agwat ng building na kinatatayuan namin sa dorm. Kung tatalon kami, wala kaming ibang mapupuntahan kung hindi ang ibaba.

Walang silbi kung tatalon kami at mamamatay rin sa huli.

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro