Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

PHOEB HADREY

"MAY NWEMBER IS finally out of the game."

Hindi ako tuluyang bumangon nang marinig na naman ang kanyang boses sa speaker. Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone bago nilibot ang paningin sa paligid. Wala akong makita sa sobrang dilim ng silid.

Ano'ng ibig niyang sabihin na wala na si May sa laro? At ano'ng laro ang kanyang tinutukoy? Kainis. Kung makilala ko lang talaga kung sino ang nagpatulog sa akin, sisiguraduhin kong hindi na siya masisikatan ng araw.

"M-may tao ba riyan?"

"Sino 'yan?" naalis ang tingin ko kay Arius dahil sa tanong ni Vanessa. May tao sa bukana ng main building na nakasuot ng itim.

"Shit, kailan ba titigil sa pagtunog itong alarm? Dumudugo na ang tainga ko, a." Reklamo ni May.

"Sundan kaya natin," saad ni Gaeyl nang pumasok ang taong nakasuot ng itim.

"Arius, tara na!" sigaw ni Chaevon habang kumakaway sa ere.

Baliw. Malamang at hindi siya makikita ni Arius dahil nakatalikod ito sa amin at mas lalong hindi niya kami maririnig. Ang tanga lang talaga nitong si Chaevon, ang sarap sapakin.

"Tara na nga, susunod din iyan pagkatapos diyan." Sabi ni Jade at naunang tumakbo papunta sa main building.

Isa-isa kaming tumakbo sa loob ng main building. Walang pakialam kung nagkahiwa-hiwalay kaming lahat. Isa lang ang kailangan namin sa mga oras na ito, ang taong naka-itim.

Tumakbo ako diretso sa building D. Naliligaw na yata ako. Pumasok ako sa isang silid nang makita ko si Cessqua. Madilim ang silid at ramdam kong walang tao sa loob. Humakbang ako paabante at natigilan nang sumara ang pinto. Tatakbo na sana ako upang tumakas nang may kamay na pumulupot sa aking leeg at tinakpan ng panyo ang aking bibig at ilong.

Ilang ulit akong nagpumiglas habang nilalabanan ang antok. Maya-maya lang ay nakita ko na lang ang sariling nakahiga sa sahig at walang lakas upang bumangon at tumakbo palayo ng silid. Ang huling nakita ko bago tuluyang nilamon ng antok ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Cessqua.

"Ang sabi ko, may tao ba riyan? Magsalita ka."

Tama lang ang sigaw ni Cessqua na ibalik ako sa aking katinuan. Buwesit, nahihilo pa rin ako sa nasinghot kong perfume kanina.

Hinayaan ko ang aking sarili na humiga at kumalma. Mukhang mahaba-habang tulog ang nagawa ko at natapos na ang kanilang laro. Curious tuloy ako kung anong klaseng laro ang kanilang pinagka-abalahan. Umayos ako nang upo at hinanap ang cellphone na nabitawan ko kanina. Laking pasasalamat kong nakapas ko ito sa sahig. Agad kong ginamit ang flashlight at iksaktong sa mukha ni Cessqua tumama ang ilaw.

Kalma ka lang puso, kalma. Tao lang iyang nakikita mo ngayon.

"Hindi mo ba ako narinig? Bakit hindi ka sumagot sa tanong ko?" pagtataray niya sa akin. Ilang ulit akong nanalangin na magsalita si Cessqua tuwing klase pero sa nangyari ngayon, 'wag na pala.

Hindi ako sumagot. Tumayo ako sa aking kinauupuan at muntik nang tumakbo papunta kay Cessqua nang may gumawa ng ingay sa likuran ko. Shit, nalaglag na ang puso ko sa pinaghalong takot at kaba.

Tinutukan ko ng flahslight kung sino man ang nasa aking likuran. At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kasama ko na nga si Cessqua, pati ba naman si Kyla. Magaling. Ang dami kung mga kaklase, pero sina Cessqua at Kyla ang naging kasama ko.

Binaliwala ko ang presensya ni Kyla at tinungo ang pinto. Sira. Kung minalas ka nga naman. Tiningnan ko ulit si Cessqua na kalmadong nakaupo sa kanyang puwesto at laking gulat na may ibang taong nakahandusay sa kanyang likuran. Sumenyas ako kay Cessqua na umalis siya sa kanyang kinauupuan na agad naman niyang sinunod.

"Sino 'yan?" wala sa sariling tanong ni Kyla.

"Tumahimik ka nga," sabi ko.

Tumango si Kyla at umakto na isinasara ang kanyang bibig. Umirap ako sa kawalan bago tinungo ang direksyon ng lalaki na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. E, pamiliar sa akin ang suot niya. Walang ibang estudyante ang nagsusuot ng turtle neck tuwing summer class, maliban sa baliw kong kaibigan.

"Chaevon," tawag ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Ilang ulit kong tinapik ang kanyang pisngi ngunit walang epekto.

Nang tingnan ko sina Kyla at Cessqua ay nakatingin lang ang dalawa sa akin. May pagtatanong sa kanilang mga mukha. Bahala sila. Pati ako ay may maraming katanungan sa kung ano ang nangyayari.

Laro? Ano bang laro ang kanilang tinutukoy at hindi na kasali si May?

Ay, ewan ko sa mga nangyayari. Ang gusto ko ay ang magising si Chaevon at makalabas ng silid. Gusto kong malaman kung sino sa mga kaklase namin ang gumawa nito sa akin at kung tutuusin, alam kong si Phoeb ang may gawa ng kalokohan na ito. Makakatikim talaga ang lalaking iyon 'pag nakita ko siya mamaya.

Ilang minuto lang ay nagising si Chaevon at gulat na gulat na makita ako sa kanyang harapan. Hindi mapalagay ang kanyang mga mata at sa kasamaang palad ay madilim ang paligid at ang pogi kong mukha ang tangi niyang nakikita. Ngayon ko lang naalala ang nangyari kay Miss Ouie at sa lalaking nakasuot ng itim na nakita namin sa main building. Shit. Shit. Shit. Ang lahat ng ito ay hindi kalokohan ni Phoeb kung hindi sa taong nasa likod ng pangalan ni Loreley.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at iniwan si Chaevon na kanina pa hinahagod ang ulo. Tinungo ko ang pinto at ilang ulit pinihit ang doorknob pero hindi gumagana.

"Tulungan niyo ako, 'wag kayong tumunganga kung gusto niyo pang masikatan ng araw bukas." Sabi ko at saka sinubukang sirain ang pinto.

"Sapol sa ulo ko ang hampas niya kanina." Saad ni Chaevon habang papalapit sa aking kinatatayuan.

Itinuon ko sa kanya ang flashlight. May bahid na dugo sa kanyang noo. Kung hindi ako nagkakamali ay hinampas siya hanggang sa mawalan ng malay. Walang epekto kay Chaevon ang pampatulog, may sira yata ang ilong ng kaibigan ko.

Sabay naming dinamba ang pinto habang nakatayo sa aming likuran sina Cessqua at Kyla. Nakatingin lamang sila sa amin hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto.

Nakakatakot ang katahimikan sa hallway. Mabuti naman at hindi na tumutunog ang kainis na alarm. Dumagdag lang sa sakit ng ulo ko ang alarm na iyon. Sumenyas ako sa dalawang babae na sundan kami ni Chaevon. Wala akong ideya kung anong klaseng laro ang kanilang nilalaro kanina, pero masama ang kutob ko sa sinabi ni Loreley.

Mukhang may ibang kahulugan ang kanyang sinabi tungkol kay May.

Huwag naman sana.

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro