Chapter 10
TYRALIQUE HUAVEN
"ANO ANG NAKASULAT?" tanong ko kay Arius nang mabuksan niya ang red envelope.
Tiningnan niya ako at saka ipinakita sa akin ang sulat.
"Last sem—ano'ng nangyari last semester?" tanong ko kay Arius. "Wala akong ideya sa nangyari, e."
Umiling si Arius at naunang lumabas ng faculty room. Aba, nagkagulo na nga, hindi pa sasabihin kung ano ang kanyang nalalaman. Buwesit, ang sarap batukan. Kung hindi lang ako natatakot, baka kanina pa ako nakatakas sa paaralang ito.
Liliko na sana kami papunta sa kabilang building na siyang konektado sa main building nang huminto sa pagtunog ang alarm. Tinakpan ko ang aking tainga nang may biglang humalakhak through the speakers na malapit lang sa aking kinatatayuan. At nang banggitin niya ang pangalan ni Loreley ay bigla na lang na-estatuwa sa kanyang kinatatayuan si Arius.
Nakatingin lang ako sa kanya. Nagmamasid sa kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ipinapakitang reaksyon.
Kilala niya kaya kung sino si Loreley?
At bakit namumutla na lang bigla si Arius nang banggitin ang pangalan ng babae?
Umiwas ako ng tingin at tumitig sa speakers nang marinig kong may sumigaw. Hindi ako nagkakamali, kay May ang sigaw na iyon. Tinapik ko ang balikat ni Arius na para bang hindi man lang natinag sa kanyang kinatatayuan.
"Are you ready to take the quiz, my dear players?"
"Anong quiz ang kanyang sinasabi?" parang tanga kong tanong sa aking sarili.
Hinawakan ni Arius ang aking kamay at sabay kaming napalingon sa gate na nasa aming harapan. Apat na building ang mayroon ang pinapasukan naming paaralan at ang bawat building ay konektado sa isa't isa. Sa bawat dulo ng hallway ay may gate upang hindi kami basta-bastang makakapasok sa kabilang building.
Sa pagpasok ng paaralan ay bubungad ang malawak na field. Ang nasa harapan ng open field ay ang main building kung saan matatagpuan ang mga opisina. Ang main building ay may back door kung saan ay matatagpuan mo ang malawak na quadrangle. Ang building B ay sa kaliwang bahagi, building D naman ang sa kanan, at ang katapat ng main building ay ang building C. Sa likod ng building C ay matatagpuan ang gymnasium at ang dormitory ng mga estudyante.
Sa pagkakataong ito ay dininig ng may kapal ang aking panalangin. Bukas ang gate papuntang building B. Tumakbo kami ni Arius papasok sa isang silid habang hinahabol ang aking hininga. Madilim ang paligid, pero alam kong nasa computer laboratory kami sa sobrang ginaw ng paligid.
"You only have 20 minutes to find and save your dying friend, my dear players."
Pinunanasan ko ang pawis sa aking noo at humarap sa big screen nang bigla itong umilaw. Buwesit, kung hindi ako namamalik mata ay si May ang nasa loob ng isang malaking acquarium. Walang tubig at wala rin itong butas.
Anong mangyayari sa kanya?
Lumingon ako kay Arius na nakatitig din sa screen. Kunot ang kanyang noo habang sinusuri ang paligid ni May.
"Your time, starts—now!"
Lumitaw ang isang timer sa screen. Napansin ko ring paunti-unting may nagpapasukang tubig sa acquarium. Shit. Kung maubusan kami ng oras ay maaaring mapuno ang acquarium at mamamatay si May.
Wala akong ibang nakikita kung hindi white tiles. Saan ba may white tiles sa paaralang ito? Tiles. Tiles. Tiles. Puwera na lang kung may pool ang paaralan. Pero saan? Hindi ko pa nalibot ang buong gymnasium, baka nasa likurang bahagi ng gymnasium ang pool.
"Tara na," sabi ko sabay hatak kay Arius na siyang nakatulala lang sa screen.
"At saan naman tayo pupunta?" ang sarap lang iwanan ng lalaking ito. May gana pa talagang magtanong kung saan kami pupunta.
"Ililigtas natin si May. Alangan naman at iwanan natin siya hanggang sa mapuno ng tubig ang acquarium, 'di ba?" sarkastiko kong tanong pabalik sa kanya.
"Sa pool?"
"Doon tayo papunta—sa pool."
Tatakbo na sana ako pabalik ng main building nang hatakin ako ni Arius papuntang building C. Malilintikan talaga ang lalaking 'to kapag sarado ang gate papuntang building C.
Walang pintuan palabas ang building B at building D, katulad sa main building at building C, kung saan pwede kang makalusot-lusot sa front at back door. Ewan kung sino ang nagplano ng paaralang ito.
Ang gulo.
"Taking a shortcut," sabi niya sabay bukas ng gate.
Tumango ako sa kanya at sabay kaming bumaba ng hagdanan. Katulad sa main building ay may backdoor din ang building C. Nang marating namin ang gymnasium ay naabutan namin ang iba na may hinahanap sa paligid. Naguguluhan man ay nagpahatak ako kay Arius patungo sa pool area.
Tama nga ang hinala ko, nasa likurang bahagi ang pool.
"Walang acquarium," sabi ko kay Arius.
"Nasa shower room, namumukhaan ko ang white tiles. Palagi kaming tumatambay sa shower room pagkatapos ng klase namin sa hapon."
Pumasok kaming dalawa sa shower room at nadatnan namin ang mga kaibigan ni Arius. Nakasandal si Daemon sa pader habang nakatitig kay May na walang sawang sumisigaw sa loob ng acquarium.
Nasa gitna na ang tubig.
Sa tabi ng acquaraium ay may maliit na timer. Iniwanan ako ni Arius at pumunta sa direksyon ni Daemon. Pinuntahan ko ang acquarium at nanginig nang makita ang isang red envelope.
"At paano ko naman malalaman kung kailan siya namatay?" bulong ko sa aking sarili a saka inilapag ang sulat.
Ang katabi ng timer ay isang tablet. May apat na kahon at numerical keys, from zero to nine. Tiningnan ko ang maliit na sulat sa ibaba. Kung walang nakakaalam, bakit ito ang katanungan? Walang silbi ang makikitang clue sa loob ng gym, kung wala talagang nakakaalam
Especially me, hindi ako nag-aaral last sem dito.
Wala akong ideya.
Tumakbo ako papunta sa basketball court at tinulungan ang iba sa paghahanap. Nakikita ko rin ang ibang mga kaibigan ni Arius na abala sa paghahanap ng mga clues. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, pero wala akong nakikitang clues na maaaring makatulong sa mga kaklase ko.
"Eleven minutes left. . ."
Mas lalo akong nagmamadali sa paghahanap ng mga clues sa paligid. Nahihibang na ba itong si Loreley? Ugh, kagaya ng mga kaklase ko ay nakailang ikot na rin ako sa buong gymnasium, pero wala akong makita kahit isa.
Ano ba kasi ang mukha ng clue?
Tumingala ako sa basketball ring at kumunot ang aking noo nang may makitang red envelope. Damn, lahat ng mga panalangin ko sa araw na ito ay dininig ng may kapal
"Daelan. . ."
Agad tumakbo si Daelan sa aking puwesto. Itinuro ko ang red envelope na nakalagay sa basketball ring. Aalis na sana si Daelan upang maghanap ng bagay upang masungkit ang envelope nang mapansin kong papunta sa aming direksyon si Cole. May dala siyang bola at sa isang iglap lang ay nahulog sa aking tapat ang envelope nang i-shoot ito ni Cole sa ring.
Binuksan ko ang envelope habang nagpatuloy sa paghahanap ang iba.
"Clue ba talaga ito?" tanong ni Daelan.
Habang nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng clue ay biglang tumakbo papunta sa aming direksyon si Warren. May dala rin siyang red envelope. Agad namin itong binuksan at sabay tumakbo pabalik ng shower room.
"Two minutes left. . ."
Nadatnan namin sina Arius na sinubukang pakawalan si May sa loob ng acquarium. Walang silbi sa sobrang tibay nito. Hindi rin namin alam kung saan nanggagaling ang tubig at kung saan ito lumulusot.
Kung may gamit lang sana kami upang basagin ang acquarium—tama!
"Favorite number mo, Daemon—bilis!" rinig kong sigaw ni Warren. Ito mismo ang nakasaad sa ikalawang clue na nakita namin.
Tiningnan ko ang acquarium at naghanap ng mga mabibigat na bagay nang pigilan ako ni Arius. Umiling siya at itinuro si May. Ngayon ko lang napansin na may lubid sa kanyang leeg. Sa oras na pakawalan namin siya sa loob ng acquarium ay hihilahin ang kanyang katawan papunta sa kisame at mamamatay pa rin siya.
Malapit nang mapuno ang acquarium. Sinubukan ni May na huminga sa maliit na espasyo habang sumisigaw pa rin ng tulong sa aming lahat.
"Bakit ngayon ko lang naisip ito—eleven-eleven ang sagot." Rinig kong sigaw ni Domique.
Nagkumpulan kaming lahat sa puwesto ni Domique. Hawak niya ang isang tablet habang hinihintay namin ang boses sa speaker.
Pero wala.
Nang tingnan namin si May ay nakalutang-lutang ang kanyang katawan sa loob ng acquarium. Patay na rin ang timer. Lumuwag ang lubid sa kisame hanggang sa matanggal ito nang tuluyan.
Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro