Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

I skipped school to go to my house. The de Vera mansion. I officially bought the house with my own money, and transfered the title to my own name.

Nobody was interested on our house because of the demon rumors. Natatawa naman ako, ako lang naman ang demonyo noon. Well, actually there were times that some were interested on buying it pero lagi ko silang pinapatay, and Thanatos would always scold me.

Binati ko ang housekeeper na isang alagad ko mula sa underworld, nilipat ko siya rito nang malaman kong may naiwan siyang pamilya dito sa mortal world.

"Hi, Ka Beth! Kumusta?" Bati ko at ngumiti. Nagulat naman si Ka Beth or Tita Beth, but I like teasing her so I call her Ka Beth always.

"Hija! Napadalaw ka? Tagal mo ring hindi nakadalaw halos limang taon din," sabi niya. I smiled, indeed matagal akong hindi nakadalaw.

Tumingin ako sa mga portrait sa bahay, lahat iyon ay ang ama ko, my sister, Elisse, and my mother. Wala sa portraits ang mukha ko. Ganoon talaga kapag anak sa labas, I'm still thankful. They're still my family.

My father, that I have always loathed, turns out to be the one who would save me. I misunderstood him, and when he was gone, it was only then that I've realized how he would intentionally not finish his food para pakainin ako. Ang dine-deliver lang kasi lagi ng mga traders noon kay ama ay pang-dalawang tao lamang.

Elisse, she always reached out to me, but I was the one who always closed the doors for her.

I always misunderstood people because I did not bother looking at the positive side.

"May mga nang-aaway pa po ba sa inyo rito, Ka Beth?" Tanong ko.

Lagi kasi siyang naaway, kesyo raw bakit daw siya narito ay may demonyo raw. Guys, kalma! Ako lang 'to.

"Wala na naman. Paminsan ay mayroong bumibisita, gusto raw makita ang loob ng bahay. Ang sinasabi ko naman, bawal at baka mapatay ng demonyo," natatawa niyang kuwento. Napatawa rin naman ako, hanggang ngayon demonyo pa rin ako sa mortal realm.

"Pero mayroong lalaking bumibisita taon-taon dito," sabi ni Ka Beth. Nagtaka naman ako.

"Bakit po? Sino po 'yon?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "'Nong una'y tinanong niya ako kung mayroong nakatirang babae rito noon. Naisip ko naman na hindi ka naman kilala rito noon, at ang kapatid mo ang kilala, kaya't sabi ko'y oo, si Elisse, pero namatay na."

"Tapos po?"

"Wala na, pinasalamatan niya ako. Minsan ay nariyan lang siya sa tapat ng bahay, nakatitig dito na para bang may inaalala," dagdag ni Ka Beth.

Huh? Sino 'yon? Dating nobyo ni Elisse na nagreincarnate? Pero nagka-nobyo ba si Elisse?

"Nakita niyo po ba ang mukha ng lalaki?"

Umiling si Ka Beth, "Oo, nakita ko pero hindi ganoong kalinaw. Alam mo namang malabo ang mata ko. Matangkad ang lalaki, maitim ang buhok, pero hindi ko syempre, maidedescribe sa iyo lahat."

Tumango naman ako, "Sige po, Ka Beth! Dito na muna ako, bisitahin niyo po muna ang pamilya niyo."

Masaya namang ngumiti si Ka Beth, at mabilis na nag-ayos ng gamit niya. I smiled too. I know family is something great.

I saw Dionysus call me, kaagad ko namang sinagot 'yon.

"What's up you stupid God spreading his sperm cells all over?" Bati ko. Tumawa naman siya, "I believe my sperm cell has not reached you yet."

"Wow, dadalhin kita sa afterlife. Tandaan mo, demigod ka lang."

"I'm an Olympian, baby. You aren't. At baka nakakalimutan mong ako ang papalit kay Zeus."

"Stop dreaming. What do you need?"

"Buti hindi mo pa pinapatay ang anak ko."

"Malapit na. Isasama na kita sa kaniya."

"I heard you're in your hometown? Binisita mo na naman ang bahay mo?"

"Yes, just tell me what you need."

"Your ex dumped my daughter."

Nagulat naman ako. What did he just say?

"I just thought you wanted to know."

"Wala paring magbabago, kahit na binalikan 'yan ni Storm o iniwan. My decision was made not because of her-"

"Yeah. Sinabi ko lang naman. You know, Storm, he's a little unpredictable."

"Share?"

"No. Hindi ko 'to shina-share ko lang. Dionne told me something that quite caught my attention."

"Oh, ano naman 'yon? I swear to the Titans, if this is not important, ipapatapon kita."

"Sa tingin ko lang naman ay may misunderstanding kayong dalawa."

"Seriously? Ano namang misunderstanding? Argh, but seriously, Dionysus, my decision is final."

"Okay."

"Okay? That's it?"

"Ayaw mo naman ako pakinggan eh."

"Hey! Nakikinig ako!"

"You seem uninterested sa sinabi sa'kin ni Dionne, so I'll end this call."

"Dionysus, what the-" underworld. Binaba naman niya kaagad ang tawag kaya napamura ako. I really hate him!

Umirap ako at umakyat sa kwarto ko, sa attic. Natuwa naman ako nang may makitang katulad parin ito ng noon. Ka Beth is good on taking care of the house.

Lumipas ang tatlong araw. Mapayapa akong nakatulog and everything. Nakauwi na ulit si Ka Beth, at mukhang masayang masaya siya. Sana all.

Nang lumubog ang araw, lumabas ako sa bahay suot-suot ang aking itim na outfit. Wala naman akong gagawin na masama. I just wanted to remember this part of my life.

Nag-ikot ako sa bayan, at kung may mahuhuli akong gumagawa ng masama ay kaagad ko silang pinapatumba. Kung may mga makikita naman akong malapit nang mamatay ay pinapasunod ko roon ang shadow of death ko.

Napatingin naman ako sa dalawang dalagitang tindera, "Narito ulit siya!" Mukha silang kinikilig. Sana all.

"Huy weh? Ang tagal na niyang hindi nabisita riro ulit, ah!"

"Kaya nga, eh. Pero ningitian niya ako, siguro naalala ako. After all, tinulungan ko naman siya papunta d'on sa bahay kahit natatakot ako!"

"Huh? Nakatambay na naman siya sa tapat ng bahay ng demonyo?" Dito ay mas napatingin ako. Lumapit ako sa kanila. Pinag-uusapan ba nila ang lalaking sinabi sa akin ni Ka Beth noong isang araw?

"Gosh, ang gwapo niya talaga. Nakakalaglag panty!"

"Tinanong mo ba pangalan?"

"Hindi eh. Nahihiya ako!" Matataas ang boses nila na parang kilig na kilig. Napapikit naman ako sa iritasyon. Whatever, pupunta nalang ako sa bahay at titingnan ko kung sino ang laging naroon sa tapat ng bahay ko.

Tumakbo ako para maabutan ang lalaki. From afar, nakita ko naman na may nakatingala sa bahay namin at nanigas naman ako sa katayuan ko nang makita kung sino 'yon.

Storm Letum. Naikuyom ko ang kamao ko. What the Tartarus is he doing here?

Kalmado akong naglakad palapit sa kaniya, at seryoso siyang tiningnan. This time, I did not waver. Kung ano man ang kailangan niya, haharapin ko siya at hindi na tatalikuran. Sana hindi ko malunok itong naiisip ko.

The storms rumbled, and a lightning flashed. It lit his godly face. Fuck, huwag kang marupok, Melizabeth!

Nakita ko ang sinseridad ng tingin niya. He was looking at the house like he had some memories there. Napa-taas ako ng kilay.

This time, sinadya kong laksan ang tunog ng heels ng bota ko para mapatingin siya sa'kin. He turned to my direction, and he was surprised.

Why the Olympus is he surprised?

"What are you doing here?" Sabay naming tanong. Shock was still evident in his face kaya naman napangisi ako. Seriously?

"This is my house, Storm. My mortal home. Ikaw? Ano na naman ang kailangan mo sa'kin? I'm sure you did not come here for nothing," malamig na sabi ko at napapikit na naman nang kumidlat.

He cocked his head, and mas lalong nagkunot-noo siya. "Really? Did you buy a demon's house?"

I chuckled, "Storm. There's no demon. Ako ang demonyong laging nanakot sa mga nagtatangkang bumili nito noon. This was my house bago pa ako mapunta sa Olympian World. 40 years ago." Wow tanda ko na pala, I've been here for 40 years. Pero bakit ko ba iyon sinabi sa kaniya.

This time, mas lalo siyang nagulat. "Y-you live here?"

Lumapit siya sa'kin kaya't nagtaka ako. This time, his emotions switched from happy, and surprised. Ako naman ang nagulat nang yakapin niya ako.

"Storm?" Nahihirapan kong sambit dahil sa higpit ng yakap niya. I could hear his fast heartbeat, and mine started to beat fast too. Nanigas ako sa katayuan ko, at nang akma ko siyang itutulak ay bigla naman siyang may sinabi.

"I'm sorry," nahihirapan niyang sambit. "It was you, all along, Melizabeth. I'm such a fool."

Naguluhan ako. Ano ba ang sinasabi niya? My heart slightly softened, but I tried to remember everything kaya't nagkaroon ako ng lakas na itulak siya.

"Stop the nonsense, Storm. Go," mariin kong wika at tiningnan siya diretso sa mata niya.

I turned my back on him, but then I heard his knees fall on the ground habang hawak-hawak ang isa kong kamay. Nanlaki ang mata ko, pero buti nalang ay hindi niya nakikita ang mukha ko.

His voice shivered, "I'm sorry, but I will not go. Not now that I know who you really are."

"Please let me explain, Melizabeth. Please. I didn't know that you were her. Please," nagmamakaawang sabi niya at hinigpitan pa lalo ng hawak sa kamay ko.

I could feel my tears form. Hindi ko siya maintindihan, pero sa boses pa lang niya parang gusto ko nang lunukin ang mga plano ko, but then, I'm not a fool for him anymore.

Nagpumiglas ako sa hawak niya, at bahagya siyang nilingon pero hindi siya tiningnan ng diretso.

"Go, Storm."

It's too late now. Maybe. I can't accept explanations now. I'm afraid that I may fall in the trap of his words, and hurt myself again.

The storm rumbled once again before making the rain fall. Bahagya akong nabasa, kaya't malakas kong binawi ang kamay ko mula sa hawak niya.

"Melizabeth, please!"

Tumakbo na ako papasok sa loob. I shut the door, and left him amidst the storm. Sinuntok ko ang dibdib ko. I whispered to the wind, "Don't be soft for him, Melizabeth."

Napalunok nalang ako nang maalala ang sinabi niya. "I didn't know that you were her." What does he mean by that?

Bakit ba kung kailan ko binabalak na pakawalan siya ay siya naman itong humahawak sa kamay ko, na tila ayaw akong pakawalan?

Death and Storm
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Please give me your thoughts if I should write the chapter 7 with Storm's POV or have Melizabeth own all chapters, and sa epilogue pa lang magkakaroon ng POV si Storm. ♥

I accidentally published chap 6 lol. Hindi ko pa siya tapos sulatinn

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro