3
I groaned.
Ang sakit ng ulo ko! May hang-over pa nga naman, aish. Tiningnan ko ang paligid, at napahinga ako nang maluwag nang mapansing nasa bahay ako ni Dionysus.
What the underworlds? Ano nga ba ang nangyari kagabi.
I remembered some man holding me in his arms, and then may sinabi siya about the engagement? Argh, it's probably just Dionysus. Imposible namang si Storm 'yon. He does not give a care, right?
Tiningnan ko ang table, at nagulat nang may makitang soup. Mainit-init pa nga 'yon. May note rin na nakasulat.
Eat this, and drink
the medicine for your
hangover.
Panget ng sulat! Halatang lalaki ang nagsulat. Inubos ko ang soup, at ininom ang gamot. Naligo na rin ako para fresh. Tiningnan ko ang orasan, at hindi pa naman ako huling-huli para sa klase. Wala naman akong gagawin eh.
I heard my phone ring.
Aphrodite is calling...
Kaagad ko namang sinagot 'yon, pero nailayo ko rin ang phone sa tainga ko nang batiin niya ako sa mataas na tono.
"Meliiiiiii!"
"Aphie, chill your tone," sagot ko naman.
"I'm sorry kahapon! Dinala na ako ni Dionysus kay Hephaestus. Then-"
"It's okay. Nalasing din ako, dinala rin ako ni Dion pabalik," putol ko sa sasabihin niya kasi paniguradong mahabang chika na naman 'yon.
"Really? I thought it was-," tumigil naman siya sa pagsasalita. "Nevermind. Mag-iingat ka nalang bebi, mwa!"
Binaba na niya ang tawag, kaya naman lumabas na ako at nagtungo sa paaralan. Nagtaka naman ako kung bakit may mga nagkukumpol na estudyante sa may gate. Late na silang lahat ah.
Tch, dinaanan ko nalang sila at hindi na tiningnan kung ano man 'yon. Nakarating ako sa unang classroom ko for today, at nagtaka naman ako nang walang estudyante. What? Wala bang klase. Aish.
Pumunta naman ako sa school canteen nila, I need water dahil medyo masakit parin ang ulo ko. Nilabas ko ang binigay din ni Aphrodite na earphones, at nagpatugtog para ma-relax ang utak ko.
(play multimedia © to the owner of the video)
Pumikit ako, at umubob. Teka, bakit parang familiar 'yong intro ng kanta.
Diba nga ito ang iyong gusto?
O,Ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon.
Bakit ito ang kantang nandito sa binigay ni Aphrodite?! Nanadya ba siya? Tinry kong i-next ang kanta pero wala nang iba!
Kaagad ko siyang tinext.
me:
Wow, ganda ng tugtog dito ah. Hayop ka.
Nag-reply naman siya, at may mga laughing emoji pa.
Aphrodite:
Aw, really? Is it beautiful? For you talaga 'yan eh hihi.
Umirap ako, at nakinig nalang. Kahit alam kong masakit pakinggan ang lyrics at akma talaga para sa'kin.
Mga gabing 'di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung
San man tayo mapadpad
Bawat Kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay
Nagulat naman ako nang may humablot ng isa kong earphones. Narinig ko parin naman ang tugtog sa kabila kong tainga.
Napalingon ako, pero kaagad ding napaatras nang makita ko si Storm. His eyes looked darkly at me, at hawak niya ang sandalan ko sa likod. Napa-pikit ako pero kaagad ko rin namang binawi ang gulat ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, "You have trainings in the Olympian World? Why are you here?" Malamig kong tanong.
Is he here for me? Narinig ba ng mga Moirais at Olympians ang dasal ko?
He licked his lips, and chuckled sarcastically, "How can I train when my mentor is here?"
"May mga magsu-sub sa'kin," seryoso kong wika.
"Why are you here, anyways? Nagpahinga ka nalang sana sa bahay ng jowa mo," marahas niyang sabi. Napakunot-noo naman ako. Anong sinasabi niya?
Hindi ako sumagot, at iniwas ang tingin sa kaniya. Bakit ko ba siya kinakausap, anyways? Tumayo na ako, pero napa-irit ako nang hilahin niya ako ulit pa-upo at mas lalo pang lumapit sa'kin.
"Storm! Let me go. Go back to Olympus," naiinis kong sabi. I gritted my teeth para pigilan ang luha ko dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanta. Hindi nakakatulong na nandito siya sa harap ko. Naaalala ko lang ang mga sakit na nagawa niya.
"You're here. Bakit ako babalik? Ininom mo ba ang hinanda kong soup pati gamot?" Giit niya.
Napapikit naman ako nang mariin. Gods, siya ba 'yong lalaki kahapon na niyakap ko? Shit naman, ang tanga ko talaga. "What do you need, Storm?"
Nang i-mulat ko ang mata ko, nakita ko ang seryosong titig niya sa'kin. Kagaya ng unang pagkikita namin ulit. Nag-iwas ako ng tingin, I can't fall for those stormy eyes again.
Kung gaano kabilis nagsimula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa
"Give me a reason why you broke off the engagement, Melizabeth," utos niya sa'kin.
I scoffed, "Ayaw ko na."
"That's a crazy reason, Meli-"
"Ayaw mo rin naman, hindi ba?" Tanong ko kaagad at hindi na siya pinatapos sa pagsasalita. Seryoso ko siya ngayong tiningnan habang sinusubukang lunukin ang lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya.
Hindi siya nakasagot. Silence always means yes, I guess?
"Diba? Kaya nga ang dami mong babae. You do not want the engagement. So what's the problem if ayaw ko na rin? Is your problem the wealth that you'll get or the title-"
"That's not my fucking problem, Melizabeth," his voice stormed at bahagya akong nagulat.
I raised an eyebrow at him. Then, ano ang problema niya? At bakit pa siya narito?
"Hindi ba may mga lalaki ka rin? Dionysus? Is he the reason?" Tanong niya at kung makatingin siya sa'kin ay akala mo naman talaga seryoso siya sa mga sinasabi niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nakita ang grupo nina Dionne hindi kalayuan. Oh, how could I forget about her. I chuckled. Malamang ay narito siya para balikan ang Dionne niya. I feel so stupid for thinking that he was here for me.
"Why are you laughing? I'm serious, Melizabeth," sabi niya habang nakakunot ang noo.
Ngumisi ako, "What if he is, Storm? Ano naman ngayon? At least, malaya na tayong parehas."
"If this is about my girls, then I'm sorry. I just," hindi niya na natuloy ang sasabihin niya. He's just a jerk, ganoon?
"Storm!" Tawag ni Dionne sa kaniya na mayroong malaking ngiti. Lumingon naman siya kaya't tumayo na ako. Hinila naman niya muli ang kamay ko pero kaagad akong nagpumiglas.
"I have a reason. Let's talk, Melizabeth-"
Umiling ako, "We have nothing to talk about, Th- Storm." Naglakad na ako palayo bago pa ako maabutan ni Dionne na kasama si Storm.
Mabilis kong sinuot ang isa pang earphones, at nilagay sa max ang volume. Bahagya kong narinig ang tawag niya sa pangalan ko pero binalewala ko iyon.
Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta
Who the underworlds have a reason to flirt? Ano naman klaseng rason 'yon? Whatever, I'm done with him.
Kaya pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Bago pa ako tuluyang makalayo ay lumingon muna ulit ako. Malungkot akong ngumiti nang makita ko si Dionne na nakayakap kay Storm.
Tinulak naman siya ni Storm palayo. Bakit? Is it because I'm watching?
Diba nga ito ang iyong gusto?
O,Ito'y lilisan na ako
Maybe some other time, when I am ready. Mag-uusap ulit kami. For closure.
Death and Storm
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Opo yes po, may rason si Storm. Kung ano man ang rason na 'yon, abangan niyo nalang. Hindi naman po kasi super bad si Storm, bobo lang siguro :<
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro