Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY-TWO ^.^

 

“Eden gising na baka malate tayo!”-Issa. Isang linggo na akong nakikitulog dito sa apartment niya. Sure naman kasing nandun si Hubert. Nandun nga kya siya?

“Ah Issa hindi ako papasok ng umaga mamaya nalang tanghali.” Nag-diretso ako papasok ng banyo kaso bago ko maisara ang pinto hinarangan naman ni Issa.

“Be huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo.” Tsaka siya nauna ng umalis, ako nalang mag lock ng apartment niya.

Hindi rin naman ako naka-ligo agad. Hindi ko talaga kayang matulog at gumising ng hindi iiyak. Ayoko pa man din ng pinagsisinungalingan ako ang masakit pa boy friend ko pa. two weeks siyang nawalan ng time sa akin kasi akala ko nag-aaral siya at tumutulong siya sa Papa niya pero yun pala si VIvi ang kasama niya. Ano yun pagkatapos ng isang linggo na magkasama kami iba na ulit.

Nag-diretso ako ng dorm at kukuha ako ng gamit. Nakita ko agad si Mama Say na nanunuod ng t.v.

“Mama Say good morning :)!” ngumiti naman siya sa akin at tumayo sabay yakap.

“Naku ikaw bata ka bakit nawawala ka! Siguro magkasama nanaman kayo ni Hubert nuh!” pang-aasar ni Mama Say kaso hindi ako natuwa naasar lang ako.

“Bakit Mama Say hindi pa ba sya umuuwi?” kumunot naman yung nuo niya.

“Hindi pa. huling kita ko sa kanya nung mag punta kayo sa Mama mo!” BOOM SAKIT HINDI MANLANG NIYA AKO SINUBUKAN PUNTAHAN?

“Eh hindi po kami magkasama. Sige Mama Say akyat lang ako sa taas.” Nagmadali akong umakyat sa taas at ni-lock ang kwarto ko. Ano yun ganun ba talaga siya? Parang wala lang na may kasama siyang iba at nahuli ko pa talaga siya.

TOK TOK!

Nag-ayos muna ako ng sarili bago magbukas ng pinto. Isang matandang lalake ang nakita kong nasa labas ng kwarto ko. Ang Papa ni Hubert.

“Bakit po?”

“Hija we need to talk. Its about Hubert.” Nakakatakot naman itong papa ni Hubert.

“Sige po pasok kayo.”

Naiwan sa labas yung mga alalay niya. May body guards siya. Iba na talaga mayaman. Tiningnan niya ang buong kwarto ko mabuti malinis.

“Dito nalang po kayo maupo.” Binigay ko sa kanya yung pinaka matinong upuan sa kwarto ko. NAKAKAHIYA NAMAN SA KANYA. Na-upo naman siya pero kasunod niya din pala yung secretary niya.

“Hija ito nga pala” may inabot sya sa akin na sobre. Siyempre binuklat ko at may laman na PERA!!!!.

“Para saan po ito?” alam ko naman kung ano ang patutunguhan ng usapan na ito lalo na at may pera pa siyang dala pero siyempre kailangan sa kanya manggaling.

“Makipag-hiwalay ka na sa anak ko. Kung kulang pa iyang pera na iyan dadagdagan ko tapos I assure you a better life if you leave my son.” Yun na ang trigger pagkatapos niyang mag salita at mag-sink in sa utak ko yung mga pinagsasabi niya. Hinagis ko sa mukha niya yung mga pera. Puro pa tig-1000.

“Sobra naman kayo! May LQ lang kami pero hindi kami mag-be break!” inis kong sabi. Siya naman shock pa din sa pag sampal ko ng pera sa mukha niya. SARAP PALA MANAMPAL NG PERA BWAHAHAHAHAHA!!!

“Mag-isip ka Ms.Ledesma its for your own good!!” inis niyang sigaw. Yung secretary niya busy sa pag pulot ng naka-kalat na pera.

“For Pete’s Sake Mr.Valencia bago pa ako maubusan ng galang sa inyo umalis na kayo!!” sabay turo ko sa pinto.

“No hindi ako aalis hanggat hindi ka pumapayag makipag hiwalay kay Hubert.” Tumayo ako at namewang sa harap niya.

“Malaki ba talaga akong tinik sa lalamunan niyo? Hindi na kami nagkikita pa ni Hubert mag-isang linggo na. hindi na rin kami nakapag-text pa. inuna niya si Vivi kesa sa akin. Well I have my own reasons kung bakit kahit niloloko at pinagmumukha na akong tanga ng anak niyo hindi ko pa magawang makipag-hiwalay. Kasi wala akong alam kung ano ba talaga ang nangyayari bakit nagkakaganito kami. Hindi ako makikipag hiwalay sa kanya hanggat hindi ko siya nakakausap.!!!!” Hindi ko na napigilang umiyak.

“Sinabe ko na sayo hija tanggapin mo nalang itong pera. Kung kakausapin mo pa si Hubert lalo ka lang masasaktan!!”

“Asan ba si Hubert Mr. Valencia!!” nilihis niya naman ang tingin sa akin. Halatang hindi naman siya masama parang labag pa nga sa kanya itong ginagaw niya pero BAKIT NGA!! ANONG NANGYAYARI!!!

“Umalis siya kasama ni Vivi”. Vivi nanaman? Nakakasuya ng marinig yang pangalan na yan!!

“San sila nagpunta?” napa-upo nalang ako at naiyak na lang naktakip ang dalwa kong palad sa mukha ko.

“Kailangan siya ni Vivi Ms. Ledesma hayaan mo na sila.”

“Kailangan ko din ang anak niyo. Bakit kayo ganyan puro kayo Vivi!!”

“Malayong-malayo ka kay Vivi. Huwag mo sanang gustuhing maging si Vivi kasi mag kaiba kayo. Si Vivi para kay Hubert at ganun din si Hubert sa kanya. Humanap ka ng iba at mamuhay ng mas tahimik kesa ngayon.”Tapos nag-lakad na siya paalis.

Magkasama sila? Bakit kailangan si Vivi pa? akala ko ba ayaw niya kay VIvi kasi niloko siya. Tapos ako ito iiwan niyang tanga? Bakit hindi manlang siya makipag-usap ng matino. Kahit binura ko na yung number nya hindi pa rin ako nag-papalit ng sim kasi UMAASA AKO NA MAGPAPALIWANAG SIYA!!

*****

Lumipas ang tatlong linggo,apat na araw, isang oras tatlong minuto at dalawangpung Segundo ito ako umiiyak pa din.!!!

Ang hirap ng naguguluhan ka!!!

Ang hirap ng pinagmumukha kang tanga.

Papasok sa school, uuwi ng dorm, tatambay kasama ni Gie at Issa pero pag ako nalang mag-isa hindi ko na alam parang mabibingi na ako sa katahimikan!!

Namimis ko na si Hubert mababaliw na ako sa mga iniisip ko!

Niloko lang ba niya ako?

Tulad din ba siya ni Carl?

Sila naba ni VIvi?

Minahal ba niya talaga ako?

Wala naba kami?

Totoo ba ito nauulit nanaman ang depresyon ko!! Nagiging ibang tao nanaman ako!! Tatakas nanaman ba ako?

Paulit ulit lang ako sa ginawa ko sa buhay ko. Iinom ng sleeping pills para lang makatulog. Mag lalakad mag-isa ng tulala. Iiyak ako kahit na nakakatuwa yung pinanunuod. Pati si Gie at Issa halata na parang mababaliw ako.

“Miss,,,,” napalingon ako sa lalakeng nasa gilid ko nasa convenient store kasi ako at hinihintay yung dalawa.

“Natatandaan mo ba ako?” umiling lang ako.

“Ako yung isa sa mga nakatapon ng ice cream sayo gusto ko lang mag sorry”

“Nakatapon? Kelan?” nanlalata kong sagot.

“Matagal na. hinanap nga talaga kita kaso new look ka na pala!”

“Ah……” yumuko ako at dinukdok ang ulo ko sa lamesa.

“Miss ako nga pala si Troy!”

“Eden” sagot ko kahit naka-yuko pa din.

“Ah sige. Pwede bang mahingi ang number mo?” inangat ko ang ulo ko, nakita ko siyang todo ngiti.

“Hindi”

“Bakit may magagalit ba? May boy friend ka ba?”

May boy friend ka ba?

May boy friend ka ba?

May boy friend ka ba?

Naiyak naman ako sa tinanong nya, may Boy friend paba ako?

“Miss naku bakit ka umiiyak?” pinunasan ko lang ulit yung luha ko. Nawe-weirduhan siguro sa akin ito.

“May boy friend ba ako? Hindi ko alam. Kaso sabi ng nanay ko wag daw ako makipag-usap sa strangers……”

Stranger??

Stranger??

Stranger??

Stranger??

“ahehe sorry ha!! May naalala lang ako.” Tumango naman siya pero seryoso naka tingin sa akin.

“Eden nung huli kitang Makita ok ka naman ah. Para ilang buwan lang ang nakaraan bakit naging weird ka na?”

“Ganun ba? Madami kasing nangyari lately.” Hindi ko syempre iku-kwento sa kanya.

“Tara……” hinatak naman niya ako bigla.

“uy san mo ako dadalhin?”

“Sa mall. Ayan pala yung mga friends mo eh.” Kinawayan niya sina Issa at Gie na parating ano siya F.C?

“Hello? Sino ka?”-Issa. Tumingin sa akin yung dalawa ng sino-yang-f.c. look

“Si Troy.” Sagot ko.

“Ah tara sama kayo sa mall. Kasi parang baliw si Eden eh.” Nagtaasan naman yung kilay ng dalawa.

“Sama kayo?” todo ngiti pa rin siya.

Pag dating sa mall.

“I think he’s gay!!” sabi ni Gie

“Yeah pero palangiti mukhang mabait.”-issa.Pumunta kasi muna si Troy sa c.r.

“Tama na yan baka dumating yun.”

Naglibot lang kami at nag-arcade siympre KKB nakaka hiya naman kung ililibre pa kami.

“Eden” paglingon ko nakita ko si Hubert. Watta!!!!!

“H-Hubert?” na-froze naman ako sa kinatatayuan ko.

“Mag-usap tayo oh.” Hindi pa ako nakakasagot pero hinila na niya ako

Author’s Note:

Oh no malpit ng matapos ang DSLE!!

Ahuhu. Tapos pa-english English pa kasi sa mga palitan ng lines. Nako- Conscious ako kung tama ba oh mali!!

Patawarin niyo po ako kung mali!

Vote.Comment and be my bebe too… :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro