Dear Stranger Love, Eden
PROLOGUE
Hinihingal akong naupo sa silya habang sinisiguradong nakaayos na ang lahat ng gamit na kailangan para sa pagbubukas ng bagong taon ng eskuwela. Ang mga libro na gagamitin ng mga bata ay dumating na at nakasalansan sa gilid malapit sa pintuan. Mayroon na din akong chalk na donation mula sa mga magulang. Mukhang maayos naman ang magiging taon ko rito sa bagong paaralan na tuturuan ko. Malayo man sa nakasanayan kong pribadong paaralan ang kalagayan ng eskuwelahan ay mas tahimik at simple ang buhay sa probinsya na ito.
Hinalungkat ko ang dala kong bag para makapag palit na ng damit dahil pawis na ako kakalinis mula kanina pang umaga. Malapit na rin ang oras ng merienda kaya naman kailangan ko na rin ang mag ayos ng sarili. Ang sabi ay may salu-salong hinanda ang mga kasamahan kong guro para sa amin na bagong dating dito sa nayon.
"Halika na, Teacher Eden. Nakahain na ang mga pagkain. Nasa covered court ang mga lamesa kaya doon nalang din dinala ang mga pagkain." anyaya ni Teacher Marian sa akin. Sakto at paglabas ko ng banyo ay siyang pagsilip na sa pinto.
"Sige po. Susunod ako aayusin ko lang po 'yung dala kong merienda." tumango ito at dumiretso na ng lakad. Siya ata ang naatasan magtawag sa iba pang mga guro.
Mayroon lamang anim na silid aralan dito sa nalipatan kong elementary school. Isang kuwarto kada-grado ang mayroon dito. Mayroon lamang na halos dalawampung mag-aaral kada section dito. Sa liit ng nayon ay kakaunti rin ang mag-aaral.
Nilapag ko ang dala kong puto at nakihalo sa ibang guro na ngayon ay nagpapahinga na rin. Nagkakatuwaan ang lahat at kahit iilan lang kami ay nagkakagulo pa sa pagkuha ng mga pagkain. Sandali lamang ay naubos agad nila ang dala kong puto lalo pa at may nagdala ng dinuguan.
"Ibenta mo ito at sobrang sarap. Mabebenta mo ito lalo na at home made," puri sa akin ng Principal. Isang ngiti lamang ang aking naging sagot at tinuloy na lamang ang pagkain. Nanatili akong nakikinig lamang sa kanilang usapan at sumasagot tuwing ako ay tatanungin nila.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ni Teacher Marian sa akin.
"28 po." nanlaki ang mata niya at napangisi na tila may magandang ideya siyang naisip.
"Dalaga ka pa ba? May pamangkin akong ka-edad mo lamang." sabay tumawa ito ng pakalakas-lakas. Hindi tuloy maiwasan makisali ng iba sa usapan.
"Ang guwapo ng pamangkin ni Teacher Marian ang trabaho noon ay guro rin,"
Tulad noong una ay ngumiti ulit ako. Hindi ako sigurado kung dalaga pa ako. Hindi ako sigurado kung sinu-sino ang naging nobyo ko o kung nagkaroon ba ako noon. Paulit-ulit ko itong tinanong kay Tiya pero ayon sa kaniya ay dalaga ako.
Inubos lang ang mga pagkain pagkatapos magligpit ay umuwi na kami. Ang hirap lamang sa nayon ay madalang ang biyahe ng tricycle kung kaya naman nitong mga nakaraang araw ay natutunan ko na maglakad pauwi. Ilang minutong lakad mula sa eskuwela ay tanaw na ang namanang munting bahay ni tiya.
Kakatok na sana ako sa pinto pero natigilan nang may isang lalakeng hindi ko kilala ang kausap ni Tiya. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Natigilan si Tiya nang matanaw ako sa pintuan ngunit ang lalake na kausap niya ay nagmadalang lumabas at halos matabig ako.
Nang magkalapit kami ay naipagkumpara ko ang aking height sa kaniya ay napakalayo. Halos tingalain ko na siya para mapagmasdan ang kaniyang mukha. Ngunit pilit siyang umiiwas sa akin kaya naman hirap akong makita siya ng buo.
"Paumanhin," iyon lang ang narinig ko sa kaniya bago siya tuluyang makalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro