Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DNO 065

Messenger
July 09

Everleigh
Hoy, Danica! Burahin mo ang comment mo sa profile pic ni Eoin! 😤😤😤

Danica
Nabura ko na HAHAHA
Galit na galit 'yan? 😝

Everleigh
Baliw ka ba? Siyempre magagalit ako. Yari ako kapag nakita ni Kenz ang comment mo!

Danica
Wala na nga, 'di ba? Kumalma ka na.

Danica is typing...

Pero in fairness, ha? Ang yummy pala ni Mr. Architect. Napakaganda mo talaga, friend! Mga artistahin ang nagpapalipad-hangin sa'yo. #gandaproblems

Everleigh
Wala akong pake kahit kamukha pa siya ni Ross Butler. May boyfriend na ako.

Danica
Yes, loyal talaga siya kay Dok! In love na in love talaga ang friend ko! 😍

Everleigh
Oo, kaya nga manahimik ka riyan.
Baka mag-away pa kami ni Fin nang dahil sa kadaldalan mo.

Everleigh is typing...

Alam mo, dapat talaga sa iba na lang ako nagkukwento. Pahamak ka lagi, e!
Sarap mong itakwil bilang kaibigan.

Danica
Ito naman, friendship over na agad?
Sorry na. Ititikom ko na ang bibig ko.

Everleigh
Tama 'yan. At pigilan mo ang kakatihan ng mga daliri mo. Think before you comment!

Danica
Oo na. Tama na ang exclamation points dahil naririndi na ako. 🥴

Danica is typing...

Bakit ba naman kasi ayaw mong malaman ni Kenz ang tungkol diyan sa bago mong ka-work na nagpapakita ng interes sa'yo, ha?

Everleigh
Duh. Siyempre, kapag nalaman ni Kenz, makakarating for sure kay Fin. Ayaw kong pagmulan pa ito ng issue.

Everleigh is typing...

There's no need for Fin to find out about Eoin. He's just my officemate, that's all. I don't want to make a big deal out of it.

Danica
If you say so. Pero kung ako sa'yo, ichi-chika ko na rin ito sa ibang friends natin. Parang ang shady pa na tayong dalawa lang ang nakakaalam, e.

Everleigh
What part of "I don't want to make a big deal out of it" did you not understand, Dani? Telling Kenz and the others will accomplish nothing.

Everleigh is typing...

You know what? Kalimutan mo na lang na naikwento ko si Eoin sa'yo.
Erase na 'to, okay?

Danica
Okay. Sabi mo, e. 🤷🏻‍♀️

Seen 01:05 PM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro