DNO 041
Messenger
March 22
Danica
Hoy, babae! Bakit gising ka pa?
Everleigh
Hoy ka rin!
Ka-chat ko si Fin. Istorbo ka. 😒
Danica
Jusko naman. Magka-chat pa kayo nang ganitong oras? Bago maging kayo ni Dok, anemic ka na.
Everleigh
Haha! Baliw ka talaga. Hindi naman kami laging nagpupuyat. Kaso may pinanood kaming movie kanina, and now we're discussing it.
Danica
Aww. How romantic, critiquing movies together. 🥴
Everleigh
Scoot off, Dani! 😝
Danica
Not so fast, mumshie.
May chika ako sa'yo!
Everleigh
Bukas na 'yan. Chat mo roon sa GC natin para lahat, updated.
Danica
Bruha ka. For your eyes and ears only 'to!
Danica is typing...
Kilala mo ba 'yong Margot Elise na laging nagko-comment sa IG posts ni Fin?
Everleigh
Not personally.
But Kenz told me she's a good friend of Fin.
Everleigh is typing...
Why? What about her?
Danica
Pumunta kami ng asawa ko sa clinic ng ka-MU mong vet. Nananamlay kasi si Mickey nitong mga nakaraang araw, kaya pina-check up namin.
Everleigh
Sino si Mickey?
Danica
Uhm, baka long-lost sister ko???
Danica is typing...
Malamang, 'yong aso namin! Sino pa ba ang dadalhin namin para ipa-check up kay Fin?
Everleigh
Sorry naman! Galit ka na niyan? 😂
Everleigh is typing...
What about the Margot girl, then?
Danica
Besh, nandoon lang naman ang ate ghorl mo, nakatambay sa clinic ni Dok! Anong ginagawa niya roon?
Everleigh
Uhm, vet stuff?
Parehas sila ng trabaho ni Fin, sabi ni Kenz.
Danica
Ah, baka nga. Pero may tanong ako.
Considered as "vet stuff" din ba ang paghimas sa braso ni Fin?
Everleigh
What??? 😳
Everleigh is typing...
Baka naman nadampi lang ang kamay sa braso ni Fin, besh. Malisyosa ka rin, e!
Danica
Leigh, I'm telling you, masyadong touchy-feely 'yong Margot! Kahit nga noong chini-check up na ni Dok si Mickey, nakaaligid pa rin si ate ghorl.
Everleigh
And Fin didn't mind?
Danica
Well, no. Pero sabi mo nga, close sila.
Maybe that's why.
Danica is typing...
Look, I'm not telling you this para pagdudahan mo si Fin. Mukha namang seryoso talaga siya sa'yo. And we, as your best friends, love him for making you happy.
Danica is typing...
But please be on the lookout, okay? Hindi maganda ang nasasagap kong vibes sa Margot Elise na 'yon.
Everleigh
Are you really sure it's Margot, though?
Danica
Hay, bakit ba ang hirap papaniwalain ng bruhang ito?
Danica is typing...
Ito siya, 'di ba?
Everleigh
Yep, that's her all right.
Everleigh is typing...
Thanks for letting me know about what you saw, Dani. I appreciate it.
Danica
Of course, besh. Careful lang, ha?
Masyadong lapitin ang Dokie mo.
Everleigh
I know. I guess this is what I get for choosing a handsome guy as my potential boyfriend. 🤦🏻♀️
Danica
True. Good luck keeping the moths away from the flame, Everleigh. 😝
Seen 11:06 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro