Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DNO 030

Messenger
January 29

Leigh
Kainis 'yang pinsan mo. 😤

Kenzie
Bakit? Nangangamoy LQ, ah.

Leigh
Adik. Hindi naman kami para magka-LQ.

Leigh is typing...

Ang lakas lang kasing mang-asar ng mokong.

Kenzie
Haha! Ganoon talaga 'yon.
Makulit pero malambing naman.

Leigh
Parang tuta lang, ah. 😝

Kenzie
Kaya nga nag-vet 'yon.
Enjoy na enjoy makasalamuha ang mga kalahi niya. 😂

Kenzie is typing...

Ano ba kasi ang nangyari, ha?
Bakit parang napikon ka kay Fin?

Leigh
Hindi naman. Kasalanan ko rin, actually.
I teased him about something and I couldn't handle it when he teased me back.

Kenzie
E bruha ka naman pala, Everleigh.
'Wag kasing mangunguna kung alam mo namang asar-talo ka. 😂

Leigh
Oo na. Hindi naman talaga ako galit kay Fin.
Nag-iinarte lang ako. 🙈

Leigh is typing...

Uy, besh. Maiba tayo.
May kilala ka bang Margot Elise?

Kenzie
Meron. Bakit? Na-curious ka noong nakita mo ang comment sa IG post ni Fin? 😝

Leigh
Alam mo naman pala.
Nagtanong ka pa kung bakit???

Kenzie
Ang taray naman po ng best friend ko.
Pang-ilang araw mo ngayon?

Leigh
Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko, McKenzie. 🙄

Kenzie
Oo na, eto na.

Kenzie is typing...

Kaklase ni Fin 'yon since high school. Margot Elise Raneri ang buong pangalan kung gusto mong i-stalk. 😝

Leigh
Ayoko ngang i-stalk! Suki pa naman ako ng aksidenteng pag-like sa pictures ng sino-stalk ko. Kaya nga tinatanong na lang kita.

Leigh is typing...

You said Fin and she were classmates since high school... Does that mean up until vet school, magkaklase sila?

Kenzie
Uh-huh.

Leigh
Wow. Ang tagal na pala nilang magkakilala.
Close ba silang dalawa?

Kenzie
Hahaha! Alam mo besh, ang cute mong magselos. Kikiligin nang bongga ang pinsan ko kapag nalaman niya ito.

Leigh
Don't you dare tell Fin about this, McKenzie Chua! Kakatayin kita, sinasabi ko sa'yo. 😠

Kenzie
Katakot! Sa tinagal-tagal na nating mag-best friend, ngayon lang kita nakitang ganyan ka-vicious dahil sa isang lalaki. 🤣

Kenzie is typing...

Anyway, yes, close si Margot kay Fin. Kind of like a girl best friend? I'm sure nabanggit na sa'yo ng pinsan ko ang tungkol sa tropa niya. You know, sina Ross, Janus, at Wyatt?

Leigh
Yep. Sabi niya nga, ipapakilala niya ako sa mga 'yon anytime soon.

Kenzie
Well, there you go. Si Margot, one of the boys 'yon. Medyo napalayo lang kasi naging sila ni Wyatt, and things got awkward after they broke up. But she remained close to Fin.

Leigh
I see. That's interesting.

Kenzie
Look, wala ka namang dapat ipag-alala. Fin never viewed Margot as more than a friend. So chill ka lang, okay?

Leigh
Chill lang naman talaga ako???

Kenzie
Girl, if "chill" is in the Philippines, nasa Zimbabwe ka. Napakalayo mo!

Leigh
Sorry na, besh. Worried lang kasi ako.
I just decided to forgo all inhibitions I had before, when it comes to matters of the heart.
Baka naman ngayon pa may umextra sa pagitan namin ni Fin.

Kenzie
What?! Oh my gosh, tama ba ang nabasa ko?Bukas na para kay Fin 'yang puso mong naka-triple lock dati? 😭

Leigh
Yes. Pero 'wag mo naman akong ibuking sa pinsan mo, okay? Hayaan mo namang pag-effort-an niya pa rin ako!

Kenzie
Oo naman, bruha!
Ako pa ba ang maglalaglag sa'yo?

Kenzie is typing...

Pero wala nang bawian 'yan, ha?
I can't wait for us to be cousins-in-law!

Leigh
Kumalma ka nga, Kenz! Continue acting like that and you'll scare me away.

Leigh is typing...

One step at a time, please?
Hindi pa nga kami ng pinsan mo.

Kenzie
Sorry na, besh! Excited lang talaga ako na maging kayo ni Finley James. Alam mo namang numero unong shipper niyo ako. 🙈

Leigh
Well, tone it down. I'm not in a rush for anything. Sana, ganoon din si Fin.

Kenzie
I'm sure he's prepared to wait for you, Leigh, kahit gaano pa 'yan katagal.

Kenzie is typing...

But just give him something to hold on to, para naman hindi rin mawalan ng pag-asa 'yong tao.

Leigh
Okay. I think I know just how to do that. 😊

Delivered 11:07 AM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro