DNO 010
Messenger
October 27
Finley & Friends
Ross
Wyatt, pinalitan mo na naman ang pangalan ng group chat natin?
Wyatt
Bakit ba hahaha
Finley
Muntik na akong maging si Barney.
Siraulo ka talaga, dude. 😂
Ross
Pre
Wyatt
Yep?
Ross
Gago, hindi 'yan para sa'yo.
Para kay Fin 'yan.
Wyatt
Awtz gege 🥺
Ross
Sensitive mo naman? Hindi bagay.
Ross is typing...
Fin, may naikwento sa akin si Janus the Anus. Tungkol sa'yo. 🤪
Janus
Hoy, Valentin. Online ako.
Nakikita ko ang pambababoy mo sa pangalan ko. 🖕🏻
Ross
Hahaha joke lang dude. Galit ka na agad?
Wyatt
Yown, online naman pala si Barrameda! Welcome back to earth, bro. Namiss ka namin. 😘
Janus
Ulol. Isa ka pa, Serrano.
Wyatt
Init ng ulo HAHAHA
Finley
Ang gugulo niyo!
Ross, anong naikwento sa'yo ni Jan?
Ross
Pinopormahan mo raw si Everleigh van Acker?
Wyatt
Ano ba 'yan, late na kayo sa balita.
Dati ko pang alam 'yan.
Janus
May nagtatanong ba kung kailan mo nalaman, Serrano?
Wyatt
Sabi ko nga, wala.
Ross
So totoo nga ang kwento, Fin?
Janus
Totoo nga, Valentin. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?
Ross
Siyempre, kailangang may ebidensya.
Janus
Hindi pa ba ebidensya na nakita ng kapatid ko itong si Javier sa Ayala noong nakaraan?
Sinundo pala ng repapips natin si Everleigh. Mukhang ihahatid daw ni Fin pauwi, sabi ni Jen.
Finley
Mga chismoso talaga kayo.
How come you even know who Leigh is?
Wyatt
Baka po dahil taga-Eisner din kami, Dok?
Ikaw lang itong taga-Liberty sa atin, kaya wala kang kamalay-malay.
Ross
Crush ng sangkalalakihan sa EU 'yang si Everleigh. Kaso bro, may reputasyon ang bago mong kursunada.
Finley
What do you mean, Ross?
Ross
Kilala siyang easy-to-get.
Janus
Totoo. Kaya walang sumeseryosong lalaki.
Lagi lang napapaasa.
Wyatt
Baka kaya pinopormahan nitong si Dok.
Naamoy niyang easy target si Everleigh.
Playtime na ba ulit, bro? 😆
Janus
Ayon naman pala.
Dok Matinik strikes again!
Finley
Mga gago. Best friend si Leigh ng pinsan kong si Kenzie, para sa kaalaman niyo.
Ross
Anong point mo, dude?
Finley
Gusto niyong ma-murder ako nang 'di oras ni Kenz kapag pinaiyak ko ang kaibigan niya?
Tsaka wala naman talaga akong balak na paglaruan si Leigh, even without my cousin in the picture.
Janus
Pota is this real? Ikaw ba talaga 'yan, Javier?
Pakibalik nga ang kaibigan namin, you saintly impostor!
Wyatt
HAHAHA
Dok, anong nakain natin today?
Ross
Nasaan na si Finley James Javier, kilabot ng mga kababaihan sa Maynila?
Finley
Nasa animal mortuary. Naghahanda nang i-cremate ang mga hayop niyang kaibigan.
Wyatt
Hahaha teka, natakot ako bigla.
Sorry Dok, behave na po kami. 😂
Ross
Pero grabe bro, nakakapanibago na ganyan na ang mindset mo. Anyare?
Nauntog ka ba nang malakas sa kung saan?
Finley
I'm already thirty-one, dude. Don't you think it's time for me to get serious in life? Ako na nga lang ang wala pang asawa sa ating magtotropa.
Janus
Bro, ang sarap kaya ng buhay mo! Inggit nga kami sa'yo, sa totoo lang. Malaya ka pang gawin ang mga gusto mo.
Wyatt
Tumpak haha walang commander na kailangan laging pagreportan. 🤪
Finley
Parang sinabi niyo naman na malaking hadlang sa kaligayahan niyo ang mga asawa niyo. Makakarating 'to sa kanila, mga bro. 😏
Ross
Aba, 'wag mo akong idamay riyan, Fin.
My wife is my happiness. 🙌🏻
Wyatt
Yes naman haha Boss Ross FTW!
Pero sa totoo lang, kahit mabunganga ang commander ko, mahal na mahal ko pa rin naman 'yon.
Janus
Biglang bawi si Serrano. Takot kang maisumbong sa misis mo?
Wyatt
Siyempre. Baka isang linggo akong matulog sa sala. 😂
Ross
Tingin ko, pagod na 'tong si Fin na puro hayop lang ang kasama niya sa maghapon. Haha!
Finley
Oo, tapos dagdag pa kayong mga tropa ko na asal-hayop din.
Wyatt
Hahaha sige lang Dok, suportahan ka namin diyan sa pagporma mo kay Everleigh. Malay mo naman, kayo pala ang nakatadhana para sa isa't isa. #kilig
Janus
Korni mo talaga, Serrano. Sarap mong bigwasan sa panga.
Wyatt
Bakit ba ang sama ng timpla mo, Jan?
Nag-away ba kayo ni misis?
Sa sala ka natulog kagabi, 'no? 😝
Janus
Oo.
Wyatt
LOOOL raise your hand if you saw that coming. 🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻
Finley
🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻
Ross
🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻
Janus
Seen by everyone
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro