DNO 003
iMessage
October 14
BFF Kenzie
Kenz!!!
Yep?
Jusko, besh! Pwede na ba akong magpakuha kay Lord? 😭
Gaga, 'wag muna! Hindi ka pa nakakapag-asawa! Napaano ka ba, ha? 😂
Nakalimutan kong tonight nga pala ang resched ng date namin ng pinsan mo! Hiyang-hiya ako, besh. Hindi ko na nga sinipot 'yong tao the first time around, tapos heto na naman!
Shuta ka, Everleigh. Pinaghintay mo na naman si Fin? 😱
Oo huhu 🥺
Kung hindi niya pa ako tinext, hindi ko pa maaalala ang dinner date namin.
Hay naku. Baka palusot mo lang 'yan, ha? Kawawa naman si Fin, excited pa naman 'yon na ma-meet ka.
I swear, nawala lang talaga sa isip ko na magkikita kami. Tambak kasi ang trabaho ko. Sorry na, besh. 😭
Okay, fine. I believe you. Alam mo Leigh, may history lang talaga ng pagkapalikero si Fin, pero mabait ang pinsan kong 'yon. Hindi naman kita ipu-push sa lalaking basta-basta lang, kasi best friend kita. Kaya bigyan mo rin siya ng chance, ha?
Okay. Sorry talaga. 😞
Kahit friendship lang muna ang i-offer mo, besh. Hindi ko naman ini-expect na ma-fall ka kaagad sa kanya. Kahit nga hindi ka talaga ma-in love, e. Alangan namang pilitin kita? Pero at least give him the courtesy of showing up.
Yes huhu nagi-guilty lalo tuloy ako!
Siya, tama na ang drama. So ano na ang plano niyo ni Fin, resched ulit?
Hindi na, Kenz. Papunta siya ngayon dito sa Ayala. May mga restaurant din naman dito na pwede naming puntahan for our dinner.
OMG haha sasadyain ka na ng mokong? Kinikilig ako!
Effort nga, e. I'd give it to your cousin, besh. He seems nice nga.
I told you! Yiiie, mukhang naging interesado ka na bigla kay Fin, ah. 🤭
Luh, interesado na kaagad? Sabi ko lang, mukhang nice nga siya. Ikaw rin, I find you nice. Does that mean na interesado rin ako sa'yo?
Malay mo naman, lesbiyana ka pala. That will explain why you're not interested in dating men anymore. 😂
Baliw ka talaga! Anong lesbiyana ang pinagsasabi mo riyan? Alam mo namang kaya lang ako nawalan ng amor sa mga lalaki ay dahil sawang-sawa na ako na lagi na lang akong pinapaasa. Sabi nga ng ate ko, pinapakilig lang ako pero hindi binibigyan ng label. I've had enough!!! 😤
Wow, may pa-I've had enough? Pang-FAMAS na ang mga linyahan mo, besh!
Talaga? Pwede na bang best actress? 🙈
Oo, haha! Pero kesa magdrama ka riyan, mag-ayos ka na lang ng sarili mo, pwede ba? Mamaya-maya lang, nandiyan na 'yang si Fin.
'Wag na, tama na 'to! Baka sabihin naman ng pinsan mo, masyado akong nagpaganda para sa kanya.
Jusko naman, Everleigh. Kaunting effort lang, kapalit ng pagsadya sa'yo ng tao! Mag-blot ka ng mukha, okay? Napaka-oily mo pa naman.
Basher! Bakit ba kita naging best friend, ha? Pati pagiging oily ko, napapagdiskitahan mo.
Nire-remind ka lang, para hindi ka mukhang kawali na nilagyan ng mantika kapag nakita ka ng pinsan ko.
Hoy! Below the belt na 'yan, McKenzie!
Hahaha love you, besh! 😘
Che! Matapos mo akong alipustahin?
Wow, sensitive?
Char lang. 😂
'Wag mo naman masyadong ipahalata kay Fin kung gaano ka ka-stressed bilang accountant, ha? Kaunting pahid ng lipstick at lagay ng concealer sa under-eye area, para hindi ka magmukhang extra sa Zombieland.
Hindi ka titigil, McKenzie???
Haha! Last ko na 'yon. 😝
Pero seryoso, mag-ayos ka! At mag-spray na rin ng perfume, while you're at it!
Ang daming instructions! 🙄
Alam mo Kenz, kung hindi tanggap ng isang lalaki ang haggard kong mukha, e 'di salamat na lang sa lahat.
Ewan ko sa'yo! Ang hilig mo talagang mag-drama. Mag-retouch ka na riyan! 😂
Read 08:32 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro