9?
Dear Lord,
May girlfriend na si bias. Paano na ang forever namin?
Binuhos kong lahat ng allowance, nangupit pa ako kay nanay para lang makaipon at mabili ang album ng grupo niyang Kimchi Boys, tapos may jowa na pala siya.
Nasaid na ang wallet at feelings ko, 'di pa rin niya alam na nag-i-exist ako. Alam kong masakit ang magmahal ng 'di sinusuklian, pero Lord, ganun nga siguro ang pag-ibig.
Gusto kong mag-move on, pero hanggang ngayon, hinhalikan ko pa rin ang poster niya bago matulog. Lord, Happy Valentine's Day na lang sa lahat ng mga ilusyonadang fangirls na katulad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro