4?
Dear Lord,
Bakit po kung kelan nawalan ng tubig, doon pa ako nagka-LBM?
Naramdaman po ba ng tyan ang saklap ng tagtuyot?
Sabagay, dapat na akong masanay. 'Di ba't pag nagbigay kayo ng pagsubok, hindi tingi-tingi? Parang bagyo sa dami at sabay-sabay ang bagsak. Buti sana kung pwedeng ipang-flush ang nakakalunod na problema.
Pero, sige lang po. Kahit papaano'y nakaraos naman ako kanina. Hinihintay ko lang magkaroon ng tubig para ma-flush, katulad ng mga pabigat sa buhay, hinihintay kong humupa ng may kasamang salok para mabawasan. Kahit papaano'y natuto akong magpigil na umiri at humaba ang pasensya.
Ge Lord, next time uli.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro