Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2?

Dear Lord,

Bakit walang update ang peyborit kong otor?

Tatlong taon na ang lumipas, hindi parin natutuldukan ang masalimuot na kwentong pag-ibig ni Pierromancio at Corazon. Sabi n'ya isang chapter nalang ending na, hanggang ngayon wala pa rin. Silent reader lang ako at minsan 'di binabasa ang otor's note, pero nakakainis dahil namuti ang mata ko kakahintay.

Minsan po ganyan kayo 'di ba? Masayang-masaya na ang tao, biglang tinitigil at binabawi ang mga biyayang ibinigay na. Para ba malaman namin ang totoong halaga nila at hindi sila mabalewala?

Kapag milagrong nag-update, sisiguraduhin kong ipaparamdam ang presensya kay otor sa pamamagitan ng pagta-type ng tuldok sa comment section. Babasahin ko na rin ang kanyang walang kwenta at mahabang otor's note.

'Yun lang po.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro