10?
Dear Lord,
May dumalaw sa bahay namin kahapon, nag-aabot ng tulong. Kaunting pang-videoke lang naman po Lord, mga isang daan, may kasamang payong, isang kilong bigas at ilang sardinas. Ang bait na sana Lord, mapagbigay. Pero may kapalit. In short, binibili niya ang boto ko Lord. Binibili ang karapatan kong maghalal ng magiging pinuno.
Hindi ako cheap. Hindi ko pinagbibili ang boto. Mayroon akong paninindigan, matuwid at 'di nasusushulan! Katulad ni Juanito De La Cruzo, mapagkakatiwalaan at magsisilbi sa bayan! Kaya sa eleksyon iboto natin siya Lord, kung nakarehistro ka man sa Comelec. Mabuhay! Juanito For Mayor!
Sumasaiyo,
Isang Makabayang Pilipino,
P.S
Sana sa susunod na eleksiyon, corned beef naman ang ipamigay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro