
THIRTY THREE
*Year 202x*
DENNIS' POV
"Papa!"
Inoff ko agad ang phone ko nang marinig ko sila mula rito sa kusina. Pinasyal kasi sila ni Mama sa mall, bumili ng damit bago sila umuwi.
"Ang aga niyo naman," sabi ko sa kanila nang matapos silang yumakap sa'kin.
Nakita ko agad si Mama sa pinto. "Aalis kasi ako, pupunta ako sa lamay ng kaibigan namin, kasama ang Papa mo, ha?"
Tumango na lang ako habang chine-check ko ang likod ni Reinard, mabuti na lang may towel ang likod niya.
"Hindi nga pala uuwi si Ella, 'no?" tumango si Mama sa tanong ko habang umiinom siya ng tubig.
"Bale, doon muna kayo sa bahay ng Mama niyo, ayos ba?" tanong ko sa mga bata.
"Opo!"
"Bakit? Saan ka na naman ba pupunta?"
Tumingala ako kay Mama. "Sa lab, siyempre."
"Malapit na umuwi ang mga anak mo, ayaw mo muna na magsama kayo?"
Tinignan ko naman ang mga batang 'to. Mukhang hindi naman sila malungkot dahil sa tanong ni Mama. Alam ko naman na naiintindihan nila kung bakit hindi na kami madalas nagkikita ng mga 'to. Nakakamiss kaya. Hangga't maaari, nagpapaalam ako kay sir Logan na umabsent para lang makasama ko sila.
Lalo na kapag kumpleto kami.
"Saglit lang ako roon tapos susunduin ko sila. Or, baka sa bahay nila ako matulog."
Pagkatapos kong sabihin 'yon, dahan-dahan na ngumiti si Mama. Hindi 'yan ang simpleng ngiti. Ngiting pang-aasar na ang nakikita ko ngayon.
"Nakuuu! Mukhang ngayon kayo magkakatuluyan ni Eri, ah."
Ha?
"Ma!"
"Opo! Kasi po kasal po sila!" sigaw agad ni Reinard kaya lumingon ako sa kanya.
"Manahimik ka riyan, Reinard. Sumisingit ka na naman sa usapan ng mga mas matanda sa'yo."
Pinalo na lang ni Dallia ang kamay ni Reinard. "Sorry po, Papa."
"Mabuti pa, ihanda niyo na lang ang gamit niyo para pagkatapos namin mag-usap, alis na agad kayo," sabi na lang ni Mama.
"Opo!" Tumakbo naman ang mga bata papunta sa kwarto, sinigawan ko pa na dahan-dahan dahil sa bilis nila.
Tumayo na ako at humarap kay Mama. "Hindi talaga ako natutuwa sa sinabi mo."
"Aba, bakit? Hindi mo naman sila makikita kung hindi kayo nagkatuluyan ni Eri, ah."
"Pa'no kung may ibang gusto ang tao?" Ayst, bakit ba ganyan ang tanong ko?
"E, 'di ipaglaban mo si Eri mula sa taong 'yon kung gusto mo makita sina Reinard at Dallia sa hinaharap," sabi niya.
Kailangan ba talaga idamay ang mga bata sa magiging desisyon ko pagkatapos nilang umuwi?
Hay nako.
~~~
"Dito naman po ako uuwi pagkatapos ko lang tumulong sa lab."
Hayan. Nasabi ko na tuloy sa nanay niya.
"Ay, gano'n ba? Sasabihin ko na lang kay Eri—"
"Huwag niyo na lang po sabihin sa kanya."
Ano ba 'yan, Dennis.
"B-bakit naman?"
"Ano, gusto ko lang magulat siya. At saka po, hindi pa naman ako sure kung uuwi ako ngayon o hindi. Basta, dito lang muna ang mga bata kasi wala pong tao sa bahay."
"Ah," tumango lang ito, "sige ayos lang. Baka mag-bonding din sila ng mga kapatid ni Eri. Alam din nila na malapit na umuwi ang mga pamangkin nila."
"Salamat po."
"Uh-huh. Dito ka muna kumain bago ka umalis. Sabayan mo na 'yon mga anak mo," sabi niya.
"Kumain na raw po sila sa labas, sabi ni Mama."
"Ah. Sige, hintayin na lang nila si Lira. Nangako kasi siya na aalis sila ngayon, e."
"Talaga po lola Nanay?" tanong agad ni Reinard na nasa hagdanan ngayon.
"Opo! Kaya naman magsitulog kayo. Mamayang hapon, nandito na si tita Lira niyo!"
"Yehey!" Agad siya umakyat at nagsisigaw-sigaw ang anak ko na aalis sila kasama ng tita niya.
Tumingin ako sa dinning table nila, pinaghahain na pala ako ni tita ng pagkain. Kaya, pumunta na lang ako.
"Mahihintay mo ba ako?" tumingin ako sa nanay ni Eri, "dadaan lang ako saglit sa palengke. Wala pa kasi si Julian at wala rito ang mga tita nila."
"Sige po. Hihintayin ko po kayo."
Hinintay ko muna na makalabas ang nanay ni Eri saka ko inumpisahan na kumain. Tinolang manok ang ulam kaya mapaparami ako ng kain nito. Mukhang maayos naman ang dalawa sa itaas dahil naririnig ko na nagtatawanan sila.
Noong una, nakakairita ang ingay nila sa kwarto ko lalung-lalo na si Reinard. Pero, unting-unti na rin ako nasanay sa ingay nila. Mas lalo ko na-miss no'ng nagsimula na ang 'project', ilang araw din ako hindi umuuwi sa amin.
Minsan, iniisip ko, ayos lang ba ang future version ko? Pa'no niya kaya pinalaki ang mga 'to? Or hands-on si future Erillia ang nag-alaga sa mga 'to?
"Sa ibang balita naman, inanunsyo ng sikat na CEO ng Scentegy na si Jesse Pasucua at ng nag-iisang anak ni senator Lava Cosvale na si Availla Cosvale na, walang kasal na magaganap."
Inubos ko muna ang isang basong tubig saka ako tumingin sa T.V. Familiar kasi sa'kin 'yon Jesse at Availla. Hindi ko alam kung saan ko narinig.
"Papa?"
Tumingin naman ako sa hagdanan, nakatingin na pala rito si Dallia. "Pwede ko po ba kainin 'yon chocolate na binigay ni ninong Jeydan?"
Nadala ko pala ang pasalubong ni Jeydan at Davill. Pagkain lang naman ang mga 'yon.
"Ah, oo naman. Kunin mo sa bag ko. Ilabas mo na rin 'yon chocolate ni Reinard saka mo ilagay sa ref para hindi matunaw."
"Opo."
Pinanood ko muna ang kilos ni Dallia. Pinakita naman niya sa'kin ang chocolate bar niya na sa tingin ko, binili ni Jeydan sa Sweet Lovelyz Corner.
Nahinto na lang siya sa paglalakad nang matuon ang atensyon niya sa balita.
"Papa," tawag niya pero hindi siya nakatingin sa'kin.
"Bakit?"
Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin at tinuro ang T.V. "Siya po 'yon president po namin."
Nang masundan ko kung ano ang tinuro niya, saktong mukha ni Availla ang natapat. Mukhang nagpapa-interview habang nasa likod lang niya si Jesse.
Tumingin ako kay Dallia, nandoon na pala siya sa ref para ilagay ang chocolate ni Reinard. Pagkatapos niyang isarado, tumingin siya agad sa'kin.
"Nandito ba ang mga letter na binigay sa inyo?"
"Opo."
"Pwede ko bang basahin?"
"Opo. Tinago lang po ni Mama sa damitan niya! Wait lang po, Papa. Kukunin ko po."
Mabilis naman siyang tumakbo pa-akyat ng kwarto nila. Tumingin ako sa TV, ine-interview pa rin ang dalawang 'to.
Sa totoo lang, hindi ko talaga sila kilala. Ngayon ko lang nalaman na sikat na sikat pala ang mga 'to.
"Heto po, Papa!" Rinig ko ang yabag niya, mukhang nagmamadali.
"Dallia, dahan-dahan sa pagbaba!"
"Opo!" Sakto naman, dahan-dahan lang siya bumaba ng hagdanan habang bitbit niya ang isang supot. Tumakbo sa'kin at inabot.
"Thank you," sabi ko saka ko ginulo ang buhok niya, "matulog na kayo ni Reinard, ha?"
"Opo. Ibalik niyo na lang po 'yan sa kwarto, Papa. Sasabihin ko po kay Mama na binasa niyo po."
"Okay po." Hayan ang nasabi ko, pagkatapos, hinalikan ako ni Dallia sa kaliwang pisngi at nagmadaling tumakbo sa itaas.
Heh. Ang cute.
Inubos ko muna ang pagkain ko, naghugas ng pinggan saka ko na binalikan ang mga sulat na nasa table. Yellow pad lang ito na nakatupi, nang binuklat ko, crosswise ang pagkakahati. May mga numbering pala na nakalagay at mabuti na lang, may mga date na nakasulat.
Mahusay, Erillia.
Isa-isa ko tinignan ang mga sulat, kailangan mahanap ko ang pangalang Availla.
Hayun, kita ko na.
(6)
(Jan. 29, 203x)
Eri,
May masamang nangyayari sa bansa natin. Si Availla ang naging presidente ngayon. Siya ang dahilan kaya maraming bata ang nawawala ngayon at the same time, siya rin ang nagpapatay...
Hayun. Teka, ano nga ba ulit ang gagawin ni Erillia?
Ah, hahanapin ni Erillia ang mapapangasawa ni Availla tapos hindi niya pwede pagtagpuin, gano'n ata.
Hmmm, mukhang succesful naman ang ginawa niya.
Aakyat na sana ako sa kwarto nila para i-check ang mga bata. Kaso, bigla tumunog ang phone ko.
Pangalan ni Erillia ang caller.
"Bakit?"
[Nasaan ka?]
"Nandito sa bahay mo. Hinatid ko lang ang mga bata, hinihintay ko lang maka-uwi ang nanay mo bago ako umalis."
Hindi ko na siya narinig kaya inend ko na lang ang tawag. Paakyat na ako nang narinig ko ang pagbukas ng gate nila. Mas mabuti muna na magpaalam ako na aakyat ako ng kwarto nila.
Bumukas agad ang pinto. Mukha ni Erillia ang bumungad, naghahabol pa ng paghinga habang nagtatanggal ng rubber shoes niya.
"Ayos ka lang?"
Pagkatapos niya magtanggal ng sapatos, agad naman siya pumasok at huminto sa harap ko.
"Hoy, ano nangyaya—"
Bigla na lang niya ako niyakap nang mahigpit. Naamoy ko tuloy ang buhok niya, hindi naman amoy-araw. Parang, parehas sila ng shampoo ni Ella.
"Sa wakas! Tapos na ang assignment ko!" sigaw niya pero nasiksik ang mukha niya sa kanan bahagi ng leeg ko.
Gusto ko rin siya yakapin pero naiipit naman ang mga braso ko dahil sa pagkakayakap niya sa'kin ngayon.
"Hayan. Very good. Makaka-uwi na talaga ang mga anak natin," sabi ko.
Anak natin.
Totoo naman, anak naman namin sila.
Kumawala na siya sa pagkaka-yakap sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ang bango-bango mo."
"Dadalhin ko 'yon pabango para maamoy mo talaga. Haayy, sana sinabi mo kanina. Matagal ka na curious, 'no?"
Naalala ko kasi 'yon ginawa niya noon. Inamin ko, nag-init ako nang maramdaman ko na ang ilong ni Erillia sa leeg ko. Kaya, nasabi ko 'yon sa kanya.
Umiling siya. "Hindi na. Mas gusto kong amuyin galing sa leeg mo," sabi niya.
Teka nga. Ano bang nangyayari sa'yo?
Narinig ko ulit ang pagbukas ng gate. Medyo lumayo muna ako kay Erillia nang bumukas agad ang main door nila, may dala ang nanay ni Erillia na mga gulay. Pagkatapos, lumingon siya sa anak niya.
"O, ang aga mo naman," sabi ng nanay niya.
"Nag-half day muna ako. Wala naman gaanong gagawin, e."
Tumango na lang ang nanay niya saka dumiretso sa kusina nila. Napatingin ako kay Erillia.
"Pupuntahan ko lang 'yon mga bata, i-che-check ko lang sila pagkatapos, aalis na ko," sabi ko.
"Saan ka pupunta?"
"Sa bahay ni sir, as usual. Kailangan daw niya ng katulong para i-check ang gagamitin ng mga bata next month."
Kumunot agad ang noo niya. "Next month?"
Tumango naman ako. "Dapat next week. Kaso, wala pang sign galing sa statellite na, naka-ready na ang device nila."
Alam kong wala siyang naiintindihan sa sinasabi ko. Pina-simple ko na lang ang paliwanag ko para may idea siya.
"Explain mo na lang sa'kin kapag aalis na sila," sabi niya. Di ko na mapigilan na tumawa dahil sa mukha niya.
"Ano na naman ang nakakatawa?" tanong niya.
"Yan hitsura mo kasi."
"Tse!" Nauna na siyang umakyat, pero nahinto siya at tumingin sa'kin.
"Aakyat ka ba o hindi?"
Sumunod na lang ako sa kanya. Ang sungit naman nito, may dalaw ata, ah.
~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro