Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dear Freedom

Kate's Point of View

Tahimik akong naglalakad sa isang maingay na pasilyo at mga nakatambay na istudyante. Biglang may umakbay sa'kin at hindi ko na kailangang lingunin ko sino 'yon. Agad kong winaksi ang kamay niya.

"Lumayo ka sa'kin," malamig kong tugon sa kanya at patuloy na naglakad. Naramdaman kung sumunod pa rin siya sa akin.

"Uy, si Kristine 'to. Nakalimutan mo na ba kung sino ako? Best friend tayo diba?" Malungkot na sabi niya sa akin. Hindi ko lang siya pinansin at patuloy pa rin akong naglakad. 

Pumunta siya sa harap ko kaya tinignan ko siya sa mata nang walang emosyon. Kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang dati. "Ano ba Kate! Araw araw nalang ganito! Kailan pa ba maghihilom 'yan? Ha? Kapag pati ako mawala na?" Sigaw niya sa akin. Ramdam ko ang galit na pinipigilan niya sa sinabi niyang 'yon. Pero ayoko ng maramdaman ang ulit ang sakit na 'yon.

"Wala kang paki-alam. Umalis ka sa harapan ko," malamig na sagot ko. Nagtiim ang bagang niya at galit na tinignan niya ako sa mata. "Alam mo, payong kaibigan lang ha? Kung may galit ka sa ibang tao, 'wag mong damayin ang mga taong nandyan lang para sa'yo. Kung may galit ka sa kanya 'wag mo 'ko damayin dahil magkaiba ang pagkatao namin!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinahid niya ang mga luhang nag-uunahan sa paglabas. Tinalikuran niya ako't naunang pumasok sa room.

Ano bang alam niya sa nararamdaman ko? Wala siyang ideya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Imbis na pumasok ako sa room ay tumalikod ako. Kailangan kong mapag-isa sa ngayon. Ah, mag-isa nga pala ako palagi. Tss.

Nandito ako sa dulo ng bahagi ng rooftop at nakaupo sa sahig. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. Naaalala ko na naman ang pangyayaring 'yon.

"Bes, ready na ba ang venue? Nandito ako sa pastry shop, hinihintay ko ang cake na in-order ko," Tanong ko sa isang matalik kong kaibigan sa cellphone. Sixth Anniversary namin ngayon ni Cloud. Ang saya ko lang ngayon! Walang ideya si Cloud na su-surpresahin ko siya. Palagi kasi siyang busy sa school. Doctor kasi ang course niya.

"Yep! Sobrang ready na kaya bilisan mo na dyan. Paparating na rin daw sila Kristine at Cloud," Masayang sagot niya sa'kin. Siya kasi ang bahala sa venue tapos si Kristine naman ang bahala sa strategy na gagawin namin para hindi mahalata ni Cloud na su-surpresahin namin siya.

"Ma'am ito na po ang cake na in-order niyo. Thank you, come again." Sabi ni ate casher. Sakto! Nagpasalat na rin ako sa casher na umalis na sa shop.

"Paparating na ako dyan. Mygosh! Kinakabahan ako bes. Salamat talaga sa tulong mo. I love na talaga. Sige, tawag ako later," Sabi ko sa kanya. "No problem bes, I love you more." Sagot niya sa akin at tumawa nang bahagya at binaba ang tawag.

Pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address ng venue. Pagkarating ko ay binati naman kaagad ako ng guwardya. Tiningnan ko ang venue. Napanganga ako sa sobrang ganda ng mga design. Ang ganda pa ng ambiance. Ang galing talaga ni Monique pag dating sa ganito.

Isa itong VIP room ng isang hotel. Ang dingding ay mga pictures namin ni Cloud, mga stolen ni Cloud. 'Yong picture na nakahalik ako sa pisngi ni Cloud at siya naman ay tiningnan lang ako. Nandoon rin 'yong ginugulo niya ang hanggang leeg kong buhok. Haaay ang sweet talaga namin hehehe. Mahal na mahal ko talaga ang mga bessy ko dahil tinulungan talaga nila ako dito. Syempre! Mas mahal ko ang ulap ko. Hehehe ang corny ko!

Matawagan nga itong si Monique kung asan sila. Ring lang nang ring ang cellphone niya. Naglakad ako at lumingon-lingon para makita sila. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko at patuloy na nagriring.

Natigil ako sa kakalingon ng makita ko na sila. Makita ko na silang madiin na naghahalikan ni Cloud. Nakaupo si Cloud sa upoan habang nakakandong si Monique sa kanya. Nabitawan ko ang cellphone pati ang cake na dala ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang. Natigil silang pareho at sabay na tumingin sa akin.

Tumalikod ako sa kanila at hindi nakaligtas sa akin ang nakakalokong ngiti ng matalik kong kaibigan. Tinikom ko ang bibig ko at nagkiskisan ang mga ngipin ko.

"Ang LANDI... ANG LANDI MO! TRAYDOR KA!" And I slap her as hard as I could. Tumalikod na ako at pagkaharap ko ay nakita ko ang nag-aalala kong isa pang matalik na kaibigan na si Kristine.

Linampasan ko siya at tumakbo na ako palabas ng venue.

Nagu-unahan na naman ang mga luha ko sa pag agos. Mag i-isang taon na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayaring 'yon. Nandito pa rin ang sakit sa puso ko. Nandito pa rin ang iniwan nilang sugat.

Marahas na bumukas ang pinto ng rooftop kaya napatingin ako doon. Si Kristine na naman, ang kaibigan kong paulit-ulit ko nang tinataboy pero nanatili pa rin ss tabi ko.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo Kate! Ayosin mo nga ang buhay mo! Ayosin mo ang pag-aaral mo! Wala kang mapapala kung magmomuk-mok ka dyan!" Sigaw niya sa akin at lumapit sa'kin at marahas na hinablot ang braso ko.

"Bitiwan mo ako. Hindi kita kailangan. Wala kang paki-alam kung habang buhay akong magmumuk-mok." Malamig kong sagot sa kaniya at pilit na kinukuha ang braso ko. Marahas niyang ulit binitawan ang braso ko.

"Huwag mong hintayin na mapagod ako sa'yo Kate ha! Tandaan mo, tao lang ako at napapagod rin. Bakit ba hindi ka pa rin nakakamove on? Matagal na 'yon! Kalimutan mo na. Hindi pa ba sapat ang isang taon para makalimutan mo ang sakit? Hindi pa ba sapat ang isang taon para maghilom ang mga sugat dyan sa puso mo? Palayain mo ang sarili mo Kate! Bitawan mo na ang alaalang 'yon. Hindi masamang maging malaya, tandaan mo 'yan!" Mahabang litanya niya. Lahat ng sinabi niya tumagos sa puso ko. Bakit nga ba kinukulong ko ang sarili ko sa masamang alaala na 'yon? Bakit nga ba hindi ko naisip ang Freedom na 'yan.

"Siguro tama ka nga, kailangan ko ng kalayaan. Siguro tama ka nga na dapat ko nang bitawan ang alaalang 'yon. Para nang sa gano'n, magiging masaya ako diba? Kapag malaya ka, masaya ang buhay." Sabi ko at pumunta sa dulong bahagi ng rooftop sa unahan. Tumayo ako doon. Siguro naman magiging malaya na ako nito kagaya ng mga ibon. Malaya na ako at hindi na mararamdaman ang sakit. Humakbang ako ng isang beses at pinikit ang mata ko bago ko hinayaang mahulog sa kawalan ang katawan ko. 

-
-

Nagising ako sa isang kulay asul na kwarto. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko ng maramdaman kong may humalik no'n.

"S-sino k-ka..." Nauutal na tanong ko sa babaeng may mahabang buhok na kulot ang dulo.

~END~

GLIMPSE_Society dedicated to you hehehe(⌒▽⌒)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro