***
I was in a bad mood, naiinis ako dahil kagigising ko pa lang ay masamang balita na agad ang narinig ko.
"Ano bang nangyari? Akala ko ba inaalagaan nyo ng maayos si Papa?"Irita kong tanong sa kapatid ko sa kabilang linya.
["Inaalagaan naman namin kuya eh, inatake nga kase sya"] sagot nya.
"Diba nag papadala ako ng pera para sa maintenance ni Papa? Saan napunta?"
["Binibili naman namin ng gamot ah!"]
"Ikaw pa ngayon ang galit?"
["Kung ayaw mong tumulong kuya, sabihin mo lang, hindi yung parang kami pa ang sinisisi mo sa nangyari kay Papa."]
"Bakit hindi ba? Halos lahat na nga ng sahod ko pinapadala ko na sa inyo, bakit naman hindi nyo pa naalagaan ng maayos si papa, asan si Gab?"
["Umalis si kuya, bumili ng pagkain sa labas."]
"Wala pa akong sahod, hindi na rin ako pwedeng bumali dahil andami ko ng utang sa boss ko."
["Hindi ba pwedeng gumawa ka ng paraan?"]
"Eh kung ikaw kaya ang gumawa ng paraan? Nakapagtapos ka na ah bakit hanggang ngayon wala ka paring trabaho, tatlo na kayo diyan nila Bon at Gab wala pa rin kayong trabaho? Sayang lang yung pagpapaaral ko sainyo kung wala rin naman palang pakinabang."inis kong saad.
["Ano, hahayaan mong mamatay si Papa?"]
"Gawan mo ng paraan, hindi yung ako na lang lagi Sam, andami ko din namang problema ah, bakit laging ako?"
["Siguro kuya, may girlfriend kana diyan, kaya balewala na kami sa'yo."] Mas lalo akong nainis sa kanya, mga walang utang na loob, ayaw kong pabayaan si Papa, pero yung tatlo kong mga kapatid nakakabadtrip.
"Wag mokong simulan."
["Totoo nga, kaya pala."]
Mabilis kong pinatay ang tawag, bahala na sila sa buhay nila, malalaki na sila, mga pabigat at sakin lagi umaasa, hindi ba nila alam na mas malaki ang problema na kinakaharap ko dito sa Manila? Nahihirapan din ako, yung boss ko laging galit sakin dahil bali ako ng bali, ang laki na ng utang ko, ginagawa ko ang best ko para sa trabaho ko at sa promotion na matatanggap ko, pero kulang pa rin eh, kung hindi kami mag tutulungang apat, walang nararating.
"Boss baka naman po pweding mag take pa ako ng exam para sa promotion ko?"
"You can take, but I can't promise to you na ikaw ang matatanggap, bukod sa may utang na loob ako sa Ama ng isang mag tatake kaya kailangan ko syang-"
"Eh promote, boss akala ko po ba deserving ako para sa promotion?"
"I'm sorry, do your best, malay mo ikaw ang maka kuha ng promotion."
Nabuhayan ako ng loob don, I want to be a manager on this company, alam kong mas malaki ang sahod non, medyo dagdag trabaho nga lang, pero gusto ko, para naman lumuwag luwag ako.
Habang nag lalakad sa parking lot ay may nakita akong isang notebook, hindi ko sana papansinin ngunit naka agaw ng pansin ko ang cover non.
'Diary' yun ang nakasulat sa cover ng notebook, ang ganda ng pagkaka design ng notebook at halatang pang babae, diko na sana kukunin pero may sarili atang utak ang kamay ko at kusa na lang yung dinampot, nilagay ko sya sa bag ko at nag maneho na pabalik ng condo ko.
Lahat ng tawag ng mga kapatid ko diko sinasagot, ang sabi naman sakin ng kaibigan ko sa bahay ay maayos na daw si Papa, kaya alam kong wala na namang pera yung mga hinayupak kong mga kapatid.
Mag dusa sila, kapag naka luwag ako, kukunin ko si Papa at ako na lang ang mag aalaga sa kanya, mga walang utang na loob, natapos mong ibigay lahat ng gusto nila, ganito pa ang gagawin nila sakin.
Tinapos ko lang ang ginagawa ko para sa project na gagawin ko sa Laguna. I'm Engineer Zade Radal, 25 year's old, matutulog na sana ako pero pumasok sa isip ko yung napulot kong notebook kanina bago ako umuwe.
Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin yun, pero diko makita.
"San kaba napunta? Andito ka lang naman kanina ah?"tanong ko sa sarili ko, hinalughog kona ang buong kwarto ko dito sa condo ko.
Pumunta ako sa veranda, dito kase ako gumawa ng project kanina para pang parelax ang view. Kita kase ang buong city dito kaya dito ako lagi pumupunta kapag stress ako sa work at sa pamilya ko sa probinsya.
"Nakita din kita."usal ko ng makita ko ang notebook na nakapatong sa lamesa doon. Unupo ako sa upang naroon at pinag masdan ang notebook.
Halatang babae ang may-ari nito dahil babae lang naman ang mahilig sa diary. Pero kung babae bakit itim ang kulay ng notebook? Pati ang mga design kulang itim, favourite nya ba yun? O ano? Tsk never mind.
Binuklat ko ang notebook at bumungad sakin ang...
"Subukan mong basahin ang mga nakasulat dito kung hindi kita babatukan"
Nakakatakot naman yung may-ari nito, nambabatok. Di naman nya alam na babasahin ko eh, kaya di nya ako mababatukan.
First Page pa lang ng Diary nya na yun, may iba na akong naramdaman.
Sa kagitnaan ng pagbabasa ko meron akong naramdamang kirot o ano, selos at naiinis ako don sa Evan na yun, sino ba yun? Bakit di nya gusto si Anna? Base sa mga nakasulat mukhang patay na patay talaga si Anna kay Evan.
Nakakainggit si Evan dahil merong babaeng minamahal sya ng patago, mukhang dipa naman matino si Evan, bakit ayaw nya kay Anna? Ganon ba talaga sya kapanget? O di lang talaga type ni Evan si Anna?
Bat koba pinoproblema 'to? Nag babasa lang naman ako ah? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakakainis naman eh.
Pinag patuloy ko ang pag babasa, sa isang page, naka hinga ako ng maluwag dahil hindi na daw nya crush si Evan, napangiti ako don, pero napasimangot din, dahil may bago pala, yun ay si Carl.
Mas lalo akong naiinggit o nag seselos sa madaling salita dahil ginawan nya pa ng tula si Carl, sana ako na lang yun
binasa ko lahat, hanggang 20 page, pero feeling ko putol, 17 years old pa lang sya sa huling Page, kulang ba o sadyang 17 pa lang talaga sya.
Anna lang ang pangalan na sinusulat nya sa diary, hindi ko mahahanap, kinalikot kong maiigi ang notebook pero wala na akong makita, ano ba ang pangalan nya?
Na try kona rin sya hanapin sa facebook but I can't find her, andami kaseng lumalabas.
Kinabukasan maaga akong gumising para pumasok, alam kong papupuntahin ako sa Laguna para e check kung ayos na ba yung lupa na pag tatayuan ng bahay.
Actually hindi ko pa rin kilala kung sino yung may ari ng ipapagawang bahay, maybe mamaya makikilala ko din sya.
"Good morning sir, alis naba tayo?"tanong ko.
"Wait bago ka umalis, ikaw lang wag moko isama marami pa akong gagawin,"taas kilay na sagot sakin ng head ko. "This is Miss Lelianna Marquez, sya ang may-ari ng bahay na itatayo mo."
I look at the girl in front of me, hindi sya kagandahan, ahm maganda naman sya pero hindi sya yung tipo kong babae, para sakin, di sya maganda, pero ano daw? Sya yung may ari ng bahay na itatayo namin?
"Miss Lelianna, this is Engineer Zade Radal, sya ang magiging Engineer ng bahay moll, katuwang si Architect Vanildo kagaya ng request mo."
"Architect Vanildo is my partner?"takang tanong ko.
"Yes sya ang architect ng project na ito gaya ng hiling ni Miss Lelianna."sagot nya.
"Thank you, may I go now?"Kinuha ng babae ang sling bag nya at sinuot yun, tumayo sya, hindi sya ganon katangkad, dahil mas matangkad pa ako sa kanyan. "I have important meeting with my client, nice to meet you Engineer Zade."naka ngiti nitong saad.
Sinundan ko sya ng tingin bago sya lumabas ng opisina, hindi naman sya ganon kaganda pero kung maka asta akala mo kung sino nang maganda. Iba talaga ang dating sakin ng babae na yun? Basta ayaw ko sa kanya, diko gusto yung pag mumukha nya.
"Bat ang sama bg mukha mo?"tanong ng kaibigan ko.
"Eh pano, yung architect don sa project na binigay sakin ay si Vanildo."inis kong saad.
"Ano? Si Lheo?"gulat nyang tanong.
"Sino pa nga ba?"
"Lagot na." Pati sya nataranta din, hindi alam ang gagawin, akala mo naman sya yung may problema eh ako naman, diko na nga alam ang gagawin ko basta ang sabi sakin, kapag natapos ko ang project na yun ay pwede na akong ma promote.
Ang hirap e cancel ng project lalo pa't kailangan ko ng pera, bahala na.
Pagka galing ko ng Laguna, dumeretso ako sa isang café kung saan yun ang paborito kong laging puntahan, bukod sa masarap ang pagkain na inihahanda nila, maganda din ang service nila L's café ang pangalan, meron din itong restaurant na medyo malayo sa café, ganyan din ang pangalan, balita ko nga may grocery pa at maraming ng lugar ang narating ng business na yan.
Ang suwerte ng may ari.
"Good afternoon sir, may I have your order- ows Engineer Zade, welcome, ano order mo?"tanong ng cashier.
"Akala ko ba may meeting ka with your client, bakit nandito ka?"takang tanong ko.
"Ah yun ba? Kanina pa yun, tapos na."
"Bago ka lang dito?"
"Oo kanina lang, ano order mo?"
"Wag na, nawalan na ako ng gana kumain." Pag tataray ko.
"Excuse me?"taas kilay nyang sabi.
Bago pa sya mag salita ulit ay lumabas na ako ng café, ang laki laki ng bahay na pinapatayo nya tapos cashier lang pala sya sa isang café? Pano nya mababayaran lahat ng kailangang bayaran?
Kung hindi lang dahil sa promotion na yun, tatanggihan ko talaga yang project na yan.
"Good morning Engineer Radal, long time no see."sarkastikang bati sakin ni Lheo.
"Morning."tipid kong sagot at derederetso sa nga trabahador.
Pinaliwanag ko kung paano gagawin ang bahay, pinakita naman ni Lheo ang blue print na dala nya.
Sinimulan namin ang pagtatrabaho, hindi ko enexpect na kompleto ang gamit na gagamitin, halatang planado na talaga ang pagpapatayo nito.
Architect Vanildo is my best friend in College school, but now hindi na, kase may nangyaring hindi ko aakalaing mangyayari.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung gabing trinaydor nya ako, yung gabing pinaka masakit sakin, yung gabing hindi ko na sya tinuring na kaibigan, yung gabing iyak ako ng iyak dahil ang sakit sakit.
Papunta ako non ng condo ni Lheo, hindi kase kami mag kasama, ako boarding house lang, sya naman condo na, binilhan sya ng mommy at daddy nya para hindi na sya malayo papunta ng school, nung kakatok na sana ako ay may narinig ako sa loob.
"Hindi mo pa rin ba nasasabi sa kanya?"tanong ni Lheo, may kausap sya sa loob.
"I can't,"sagot ng kausap nya, familiar yung boses, babae ang kausap nya. "But I promise sasabihin ko kapag naka tiyempo ako."
"Good girl."
I kick the door very hard at dahil hindi yun naka lock kaya nabuksan ko yun. I saw my girlfriend kissing my best friend, nasaktan ako ng subra dahil don hindi ko alam ang gagawin ko, kaibigan at gf ko pinag taksilan ako, gusto ko silang suntukin ng paulit ulit hanggang sa madurog yung pag mumukha nila at hindi na sila makilala.
"Matuto naman kayong mag lock ng pinto, pano kung hindi ako ang naka pasok?" Natatawang sabi ko.
"Babe, let me expla-" lumapit sakin si Grace pero tinaboy ko din sya.
"No need, now I know the truth, and besides best friend ko yan."naka ngiti kong tugon.
"Bro-"
"From now on your not my best friend anymore, hindi na kita kilala at mas lalo kana."tumutulo ang luha kong dinuro silang dalawa, sinuntok ko muna ng dalawang beses si Lheo, hindi naman sya gumanti, bago ako umalis ay binasag ko muna yung vase na nasa lamesa at sinuntok ang pinto bago galit na umalis.
Hanggang ngayon ata sila pa rin, ang tatag naman nila, naka move on na din ako, basta ba humingi sila ng sorry sakin tatanggapin ko sila, naiirita pa din ako hanggang ngayon, pero hindi ako galit kase matagal ko ng tanggap, kung hindi talaga kami, hindi kami.
"Good noon to all,"napa lingon ako sa likuran ko ng may mag salita na babae. It's Lelianna, tsk mas lalo akong nairita, "may dala akong pagkain galing sa café, baka kase dipa kayo naka kaini eh."naka ngiti nyang alok, naiinis ako sa ngiti nya, buwesit, bago pa ako maka sabi ng hindi maganda ay umalis na ako don.
"Engineer, ayaw mo ba?"
"No thanks, di ako gutom."tipid kong tugon.
"Akala koba gutom ka? Sayang naman yung dala ni Anna kung dimo matitikman, sya pa naman ang nag luto nyan."sabi ni Lheo.
"Wala akong pake."inis kong sabi at derederetso ng nag lakad paalis.
Pero may naka pukaw sa pandinig ko ay ang tawag nya kay Lelianna,
"Sayang naman yung dala ni Anna kung dimo matitikman, sya pa naman ang nag luto nyan."
Anna ang pangalan nya? Nickname, hindi kaya? Pero hindi eh, iba yun alam ko, hindi sya yung Anna na sa diary. Hindi sya yun.
Pumunta ako sa likod ng site at umupo sa ugat ng puno, naiinis talaga ako kapag nandiyan yang babae na yan diko alam kung bakit at isa pa lagi talaga kaming mag kikita dahil nga sya ang may ari ng bahay na tinatayo namin.
"Hi,"halos mapatalon ako sa gulat ng may nag salita sa likuran ko. "Sorry nagulat ata kita."paumanhin nya.
"Anong ginagawa mo dito?"mataray kong tanong.
"Ah kase sabi ni Lheo hindi kapa daw kumakain kaya dinalhan kita dito."
"Kumain na ako-" panget ka bonding ng tiyan ko, kumalam sya di pa nga ako tapos mag salita. Trinaydor nya ako.
"I guess your tummy, said the opposite."natatawa nyang sabi.
"Ano ba yang dala mo?"irita kong tanong.
"Here, imbes na mag taray ka kumain ka na lang, ako nag luto nyan," iniabot nya sakin ang isang paper bag. "Paka busog ka ha, atsaka ito nga pala yung calling card ko, kung may Kailangan pang materials, tawagan mo lang ako."usal nya.
"Talaga namang ikaw ang tatawagan kapag may kulang diyan."pananaray ko.
"Sige, I'll go ahead, may meeting pa ako."nakangiti nyang tugon, meeting na naman tapos cashier lang pala sa café, kumaway pa sya sakin bago umalis.
"Nakakairita ka talaga."usal ko ng maka alis sya.
Binuksan ko yung paper bag at may lamang tupperware ar bottle of water.
Binuksan ko yun at infairness ang bango at ang sarap kahit tingin pa lang.
"Pag panget ang lasa nito, humanda ka." Isang tikim pa lang parang gusto ko ng ubusin lahat sa subrang sarap.
"Miss Lelianna-"
["Call me Anna."] Yan na naman, iba na naman ang pakiramdam ko.
"A-ah m-miss Anna, k-kulang po tayo ng materials." Utal utal kong tugon.
["Ow, sige ako bahala."]
Pinatay ko agad ang tawag dahil don, kapag Anna ang tawag ko sa kanya, feeling ko sya yung Anna na nasa Diary na napulot ko.
Pwede ko kaya syang tanungin tungkol don? Pero baka sampalin nya lang ako dahil hindi naman sya yung babaeng mahilig sa Diary.
_______________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro