Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PAGE 23

Dear Diary ni Anna!

            I don't know how to explain this but I admit that Anna is beautiful in her own way, hindi ko yun nakikita sa kanya dati dahil wala naman akong pakialam sa kanya, pero maganda pala talaga sya, alam mo kung bakit ko nasabi? Merong naganap na celebration sa café nya nakaraan, hiniram yun at inimbitahan nya ako, that celebrant is her best friend Hanna, birthday nya kase and her daughter, pinakilala nya ako sa mga ito pati kay Karyll and her husband, tatlo silang magkakaibigan pero sya pa itong walang asawa. Kakakasal lang daw last year nila Karyll, si Hanna naman ay isang taon na ang anak. Habang busy si Anna sa pag iintindi ng mga bisita ay nilapitan ako ng mga asawa ng kaibigan nya.

"Bro," tawag sakin ng asawa ni Hanna.

"Oii?"

"Kumusta, balita ko engineer ka daw?" Yung asawa ni Karyll.

"Yeah."

"By the way I'm Victor and he's Alex."pakilala nila.

"Zade."pakilala ko din.

"May I ask if you don't mind,"tumango naman ako. "Is Anna is your girlfriend?" Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil don.

"No, no she's not my girlfriend, ako lang ang nagtatayo ng bahay nya sa laguna."

"Oh sorry I thought she's your girlfriend." Natatawang sabi ni Victor.

"That girl, pinahihirapan kami nyan, kapag maynerereto kami di nya daw type, ang taas kase ng standard nya, kaya walang nakakabot, maraming nag tangkang manligaw sa kanya simula nung umunlad ang business nyang ito." Isa pa pala yun, akala ko talaga cashier lang sya dito. "Hindi namin alam kung paano yan makakahanap ng asawa."natatawang sabi ni Alex.

"Mabait naman yan sya eh," lahat kami napatingin kay Anna na ngayon ay busy sa pakikipag laru sa anak ni Hanna. "Aminin na nating hindi sya kagandahan physical, pero ang kalooban nyan maganda, isipin mong halos isugal nya ang buhay anya matulungan nya lang ang mga nangangailangan."dagdag pa ni Victor..

"One time na nagkasakit ang anak ko, at nung time na yun wala pa kaming ipon at kailangan nyang dalhin sa pinaka malaking hospital, buti na lang nandyan sya kaya bubay pa rin ang anak ko."

Hindi ako naka salita sa mga sinasabi nila, naka tingin lang ako kay Anna at bahagyang napa ngiti, for some reason I like her personality.

"Hindi naman yan mahirap mahalin eh, minsan moody at ang taray nyang babae pero ang saya nya kasama."dagdag pa ni Victor.

Napansin ko yun sa kanya, and alam ko naman sa sarili ko na gusto ko na talaga sya.

Ayaw kong umamin sa kanya dahil baka bastedin ako, delekado. Oobserbahan ko muna kung may pag asa ba o wala.

Humihiling:Eng.Zade<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro