Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PAGE 14

Dear Diary!

          Alam mo yung feeling na, hindi mo naman napanaginipan or what? Tapos pag may pangyayari bigla kang may maalala, yung parang napanaginipan mo pero hindi naman, magugulat ka na lang at mapapangiti pero medyo nakakakilabot, kase sino ba naman ang gusto non, malay mo may ibig sabihin pala yun? Katakot lang, may mga napapanuod pa naman ako na may mga kabaliktaran, minsan maganda din sya kapag maganda yung pangyayari, eh kase minsan panget eh, nakakatakot.

Pero hanggang ngayon talaga di pa rin ako nakaka move on don sa panaginip ko, ewan ko ba kung bakit napanaginipan ko yun, nakakahiya lang, tapos meron pa akong nalaman, na kapag napanaginipan mo daw yung isang tao, ibig sabihin iniisip ka daw nya, so dahil napanaginipan ko ang BTS ibig sabihin iniisip nila ako? HAHAHAH jk obsess lang talaga siguro ako noh?

Ang kapal naman ng mukha ko HAHAHA pero yun kase talaga yun, tapos kanina habang nag lalakad kami, nakasalubong ko si Carl, syempre umiwas ako ng tingin, nakakahiya kaya, baka sabihin nyang disperada ako, kinancel ko na nga yung friend request ko sa kanya eh, at kahit kelan hindi ko na sya ia-add, never, as in never, okay naman na ako kahit hindi nya ako kilala at hinahangaan ko sya ng patago, hindi naman big deal sakin kung hindi nya ako e crush back, kase alam kong malabo yun.

Mahirap umasa, kase masasaktan ka lang sa huli.

Nalulungkot:Anna<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro