Dear Diary,
Dear Diary,
- first entry
Deaf
Leslie's POV
---- Ako nga pala si Leslie, isa akong 3rd year student sa isang paaralan. Hindi sa maganda ako pero may itsura rin kahit paano. At nung simula palang ng bagong araw sa bagong paaralan sa isang school, nakilala ko siya.
---- Siya si Kevin, isa rin siyang 3rd year student at kaklase ko siya. Bingi (DEAF) siya. Ibig-sabihin, hand language ang ginagawa niya para maka-usap sa mga tao o kaklase...
---- Dumating ang isang araw, lumapit saakin si Kevin at nag-hand language siya saakin. Actually, hindi ako maka-intindi ng hand language kaya sumulat nalang ako sa papel na hindi ko siya naiintindihan, pinakita ko sakanya saka siya umoo at lumayo.
---- Araw araw, normal palagi ang pagpasok ko sa paaralan. Pero, day after day, nararandaman ko na may gusto ako kay Kevin. Hindi ko alam pero, dahil siguro sa awa o dahil siguro sa may iba't iba siyang way para mapatawa kami, ang mga ngiti niya at lahat ng nasakanya...
---- Isang araw, humiga ako sa kama ko at matutulog na sana ako ng palagi ko nalang naiisip si Kevin bago ako matulog. I mean, hindi siya talaga maalis. Parang nandyan na siya, nakatatak sa memorya ko at hindi mabura bura. At doon ko talaga nalaman may gusto o mahal ko na talaga siya...
---- Niligawan ako ni Kevin ng isang araw, sinulatan niya ang papel para daw maintindihan ko daw siya. Hindi ko siya sinagot pero sinulat ko sa papel na, "Gusto naman kita... as a friend...". Alam kong masakit ang nararandaman niya pero ganto nalang, dahil, kung nasaktan siya, mas nasaktan ako dahil... sa tingin ko lang, awa lang talaga ang nararandaman ko sakanya.
---- Sinabi saamin ng guro namin, malapit na ang Prom namin at kilangan mag-handa kami para sa dadating na ito. Kaya, hindi wuna kami pinag-aral at pina-focus talaga kami sa Prom. Inayos namin ang paaralan para sa dadating na evento at nag-handa narin kami ng mga pagkain para dito.
---- Hindi ko parin talaga siya maalis, gustong gusto ko na siya. Wala na akong magawa. Kumuha na ako ng mga libro saka nagbasa bago dumating ang Prom sa school namin.
---- Prom na, at sa pagkakarinig ko sa mga kaklase ko, liligawan daw ako ni Kevin sa araw na eto. Gumabi na at nagsayawan na ang lahat. Wala akong kasayaw at umupo nalang ako sa isang tabi at uminom lang ng tubig. Bigla bigla nalang nagpatay ang mga ilaw at meron lang isang ilaw na nakabukas na naka-tutok sa isang lalaki.
---- Nakita ko si Kevin ang tinatapatan ng isang ilaw. Palapit siya ng palapit saakin at may hawak na bulaklak at papel. Lumuhod siya sa harap ko at binuksan ang papel na naka-crumple. "Pwde ba kitang maging girlfriend?"
---- Tumahimik ang kapaligiran at tumitingin lang saakin si Kevin at halatang kinakaba na hinihintay niya ang isasagot ko sakanya. Kaya ang ginawa ko ay hinarap ko sakanya ang mga kamay ko at tinandaan ko ang mga binasa ko sa libro.
---- Gamit ang mga binasa ko sa libro, nag-hand language ako na nagsasabing, "Oo. Pwde mo ako maging girlfriend." Saka ako ngumiti. Napa-ngiti narin siya saka nagbukas ang lahat ng ilaw. Nakatingin saamin ang lahat. Pumalakpak sila habang nakangiti.
---- Habang ako, lumapit ako kay Kevin saka ko siya niyakap. Kinuha ko ang papel na nasakanyang kamay at sinulat na, "Mahal na mahal kita" . Kinuha niya saakin ang papel at sinulat na, "Mahal na mahal rin kita" saka niya ako niyakap at binulong ko sakanya na kahit hindi niya ako marinig na, "Mahal kita... Kevin"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro