Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

| 8 : The mission |




8

The Mission


Dear Andy Lim,

My mind is a mess and all I could think about is you. The way you make me feel happy. The way you make me feel special. I like being around you. I really like being around you. I find comfort in your words. I find comfort in your arms. I find comfort in your presence knowing with you, I have someone who I can trust and lean on. But above all, I love the way you make me feel. I can't find words to describe it but I know my heart. It's beating for you now.

You and I are just friends. I'm okay with that. I'm okay just by being with you. But I'm not okay with the weird signals. They keep saying you're in love with me. I want to believe them but I'm scared to be misled again. I'm scared to get hurt again. I don't want to get hurt again. If you really are in love with me, I want you to say it to me. I want to hear it straight from you.


        Agad kong sinara ang notebook at muling humandusay sa kama ko habang nakatitig sa dingding. Namamaga parin ang mga mata ko kaiiyak dahil kay Cooper at Agatha pero kahit papaano'y nahimasmasan ko dahil kay Dilly. Kahit hindi ko masabi sa kanya ang tungkol kay Agatha at sa tunay na kalagayan ng kalusugan ni Cooper, nakakagaan parin sa pakiramdam kahit kausap ko lang siya.

        Nasa gitna na ako ng tulog at kamalayan nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong may dumating na isang mensahe mula kay Cooper. Pinapapunta niya ako sa park dahil sa isang emergency. Susunduin daw ako nina Yani at Luigi.

        Alas-onse na ng gabi, inaantok na ako, pero sa kabila nito ay nagbihis na lamang ako at dahan-dahang lumabas para hintayin ang pagdating nina Yani at Luigi. Hindi nagtagal dumating sila lulan ng isang kotse at sabay-sabay kaming nagtungo sa park.

***

        "What the heck is wrong with him? It's almost midnight. Ano bang emergency?" tanong ko habang naglalakad kaming tatlo patungo sa swing set. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Cooper na nag-iisa habang nakaupo rito. Nakadungo siya, parang napakalalim ng iniisip.

        Napakalamig dito sa park lalo na't nagtataasan ang mga puno. Mabuti nalang at nagsuot ako ng jacket, at ganun din sila.

        "Bro, anong problema?" tanong agad ni Luigi nang makalapit kami nang tuluyan sa kanya.

        "Hey, what's the matter?" alalang sambit ni Yani nang makita naming namamaga ang mga mata ni Cooper na para bang galing siya sa pag-iyak. Kahit ako, hindi ko rin naiwasang mag-alala. Mukhang balisa si Cooper at may dinadalang mabigat na problema. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

        Imbes na sagutin ang tanong ni Yani, nanatiling nakadungo si Cooper, nakatulala habang nakatitig sa mga damo. Hindi nagtagal dumating si Chord at pati narin yung mga kaibigan ni Cooper na sina Reema, Javi, at Trent.

        "Ano na namang trip 'to?" bulalas agad nung Reema. Sa puntong iyon ay agad na tumayo si Cooper at humarap sa aming pito. 


        "They're turning it off," walang kabuhay-buhay na sambit ni Cooper.

        "Turning what off?" tanong naman ni Javi.

        Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Cooper. Napatingala siya at napabuntong-hininga sabay silid ng mga kamay sa kanyang bulsa. "They're turning off Agatha's life support."

        "What?!" bulalas naming lahat, hindi makapaniwala sa narinig. Dahil sa sinabi ni Cooper, napaupo si Reema sa isa sa mga swing at nagsimula siyang umiyak. Kahit yung lalakeng naka-wheel chair, kalmado man pero nagsimulang pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

        "We all know this day would come. But why does it still hurt like hell?" umiiyak na sambit ni Reema kaya agad siyang inalo ni Trent.

        "Cooper, akala ko ba sasagutin ng foundation ang lahat ng medical expenses niya?" bulalas ni Chord dahilan para mapailing si Cooper. Sa puntong iyon ay tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Cooper.

        "I-it's her family's decision. They're letting her go. They're giving up on her," nanlulumong sambit ni Cooper.

        "And we're all here because?" I asked Cooper straight to the point. I mean he won't just call us in the middle of the night just to tell us they're switching off the only thing that's keeping her alive.

        "We can't let her die. Agatha will still wake up. I called you here because I need your help. We need to take her away from that hospital. We need to rescue her." Taas-noo at walang paligoy-ligoy na sambit ni Cooper dahilan para matahimik kaming lahat at mapatingin sa kanya.

        "C-cooper let's face it... Cooper at some point we need to face the truth!" umiiyak na giit ni Reema dahilan para sa kanya naman kami mapatingin. "Agatha's dead! She's been dead all this time and we're just holding her back."

        "Buhay pa si Agatha!" giit ni Cooper na ngayo'y mukhang punong-puno na ng galit. "Pati ba naman kayo susukuan narin siya?! Magigising si Agatha! Nagpapahinga lang siya! Hindi niya tayo iiwan nang ganito! Magigising siya at babalikan niya tayo! Sinukuan na nga siya ng mga magulang niya, pati ba naman kayo susukuan niyo rin siya?!" Umiiyak na bulalas ni Cooper sabay sapo ng kanyang noo.

        "Sinubukan mo na ba silang kumbinsihin?" tanong ni Yani.

       "Ayaw nilang makinig sa akin, buo na raw ang pasya nila," nanlulumong sambit ni Cooper.

        "Cooper! They're her family! Kung nasasaktan tayo, mas nasasaktan sila!" giit naman ni Javi.

        Lumapit si Trent kay Cooper at hinawakan ang balikat nito na para bang pilit niya itong pinapakalma. "Cooper, Cooper alam kong masakit sa'yo 'to pero hindi natin pwedeng gawin ang gusto mo. Mga magulang—" agad na winakli ni Cooper ang kamay ni Trent at tinulak ito palayo. Isa-isa kaming tiningnan ni Cooper, animo'y hinihintay na may isa sa aming sumang-ayon sa binabalak niya. Nang wala sa amin ang nagsalita, agad na umalis si Cooper na nagpupuyos parin sag alit at desperasyon.

        "Cooper, sandali!" Agad nilang hinabol si Cooper para pakalmahin.

        Sa huli, kaming dalawa na lamang ni Chord ang naiwang nakatayo sa tapat ng swing set. Pilit kong pinunasan ang luhang tuluyang pumatak mula sa mga mata ko. Huminga ako nang malalim at nilingon si Chord.

        "We have to do something," giit ko kay Chord na naiwan ding balisa dahil sa mga nangyari.

        "Shane, hindi natin pwedeng nakawin ang katawan ni Agatha mula sa ospital. Pamilya na mismo ni Agatha ang desisyon, wala na tayong magagawa," giit naman ni Chord. Sa puntong iyon ay bigla akong napaisip.

        "Cooper helped us back then, it's time we return the favor," bulalas ko.

        "Gusto ko ring tumulong pero wala nang paraan," giit muli ni Chord.

        "We still have one," sabi ko. "Alam mo ba kung saan nakatira ang mga magulang ni Agatha?" tanong ko pa.

        Tumango naman agad si Chord. "Oo, minsan ko nang hinatid si Cooper doon sa kanila."

        "Let's go!" sabi ko at agad na nagtatakbo patungo sa kotse ni Chord.


***

         Madaling-araw na nang marating namin ang bahay ng mga magulang ni Agatha pero sa kabila nito ay hindi ako nagpaligoy-ligoy at agad akong nag doorbell. Hindi ako tumigil sa pagpindot ng doorbell hanggang sa tuluyang lumabas ang isang lalake. Mukhang ito ang ama ni Agatha.

        Bago pa niya ako matanong kung sino ako at anong ginagawa ko sa tahanan nila, agad akong nakiusap. "Sir, I'm really sorry for coming here this late but we need to talk about Agatha. You don't know me but I have something important to tell you about Agatha."

         Naguguluhan man at inaantok pa, sa huli ay pinapasok ako ng ama niya samantalang si Chord naman ay nagpaiwan sa loob ng sasakyan niya.

***

        "Mag-tsaa ka muna," sambit ng ina ni Agatha habang inihahanda sa harapan ko ang isang tasa ng tsaa. Dumako ang tingin ko sa napakalaking family picture nila sa sala—andito silang mag-asawa, kasama si Agatha, isang batang lalake, at kasama rin nila si Cooper. Napakasaya nilang tingnan sa litrato.

        "Paano mo nga pala nakilala ang anak namin?" tanong ng ama ni Agatha na nakaupo sa tapat ko. Naupo naman agad ang ina ni Agatha sa kanyang tabi. Naghawakan sila ng kamay na para bang kumukuha ng lakas mula sa isa't-isa.

        "Ma'am, Sir, I'm really sorry for coming this late but I really need to say this to you." Napabuntong-hininga ako. "Please don't turn off her life support," pakiusap ko at sa puntong iyon ay nakita ko ang agad na paglaho ng ngiti sa mukha ng ina ni Agatha. Agad na nangilid ang luha sa mga mata niya dahilan para agad siyang akbayan ng kanyang asawa.

        "You can't give up on her. Please don't turn off her life support," pakiusap kong muli. Alam kong suntok sa buwan 'tong ginagawa ko pero ito lang ang tanging alam kong paraan para makatulong. Alam kong imposible kasi si Cooper nga na kilala nila napagbigyan, ako pa kaya na isang estranghero?

        "W-we're not giving up on her. We're letting her go. We're letting her rest. She's been on life support for two years. We have to accept the fact that she's never coming back," sambit ng Ama ni Agatha na ngayo'y umiiyak narin.

        Shit. Ang sakit makita ng mga magulang niyang umiiyak. Hindi ko sila kilala pero napakasakit parin.

        "I have to be honest with you po. I only met Agatha this Morning. But even if I didn't meet her back to when she was still awake, I know Cooper. Cooper is in so much pain right now and losing Agatha will only double the pain he's suffering," pakiusap kong muli.

        "Hija, masakit ito para kay Cooper. Alam namin. Alam namin kasi napakasakit din nito sa amin. Mga magulang niya kami, napakasakit para sa amin ang katotohanang kailanman ay hinding-hindi na magigising ulit si Agatha," umiiyak namang sambit ng Ina ni Agatha.

       "Ma'am, Sir, I'm begging you," pakiusap ko at sa puntong ito ay pumapatak nadin ang luha mula ssa mga mata ko. "Cooper is dying and Agatha is the only person in this world that gives him hope to live. Cooper believes that Agatha will wake up, he doesn't even care about his own life. All cooper has is hope—hope that Agatha will wake up. We can't destroy the hope that keeps him happy."

       "Cooper knows that Agatha will never wake up. We made her suffer for 2 years. We can't let her suffer anymore. We have to let her go and rest," umiiyak na giit ng Ama ni Agatha.

        "Wala po ako sa lugar na makiusap at makisali pero sana po pakinggan niyo ako. Nakikiusap po ako sa inyo, pakinggan niyo ako," pakiusap kong muli habang lumuluha. "Even if Cooper was dying, he was able to be happy. His hope for Agatha to wake up was what kept him going. Seeing Agatha sleeping gave cooper happiness because the possibility of her, waking up is still there. Please, nakikiusap po ako sa inyo,"

        "Buo na ang pasya namin," maooridad na sambit ng ama ni Agatha. "Hindi na magbabago ang isip namin, makakaalis ka na," sabi pa nito.

        Napakabigat ng kalooban ko. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Tumayo ako mula sa kinatatayuan pero bago tuluyang umalis, sinubukan ko muling makiusap. "Please, keep her on life support just until Cooper dies. Cooper is already suffering, losing her would bring him great pain. Cooper has been suffering ever since he was a kid. Please, he doesn't deserve more pain. Please, please just wait until Cooper dies.


END OF CHAPTER 8!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro