Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

| 7 : Just Friends |


7

Just Friends


        "So, you're going on a date with Dilly again?" usisa ni Puma kaya ngumiwi na lamang ako habang nakaharap sa screen ng laptop.

        "Sasamahan ko lang po siya ulit sa check-up niya," sarcastic kong giit dahilan para ngumisi si Puma. Kung pwede ko lang talaga siyang mahampas via skype, gagawin ko talaga.

        "You keep talking on the phone, You're both number one on each other's speed dial, You keep hanging out with each other and now you're going out with just the two of you—that's my ship sailing right there," sabi pa ni Puma na mukhang kilig na kilig. Justin Bieber's song keeps playing on her background and she's dancing like a fool inside her room. I guess kahit nasa malayo siya, nahahawa parin siya sa kabaliwan ni Cooper.

        "He's not number one on my speed dial! I don't even know how to set up a speed dial on my phone!" giit ko dahilan para mapahalakhak si Puma.

        "But you're number one on his! Noon, si Chord ang number 1 sa speed dial niya, tapos ako ang 2, Daddy niya ang 3, Mommy niya ang 4, Emergency ang 5—pero ngayon, ikaw na ang number 1!" pang-aasar pa niya.

        "Hoy! Baka mamaya bigla mo nalang ma-realize na may gusto ka pala kay Dilly," biro ko dahilan para agad niya akong samaan ng tingin. Yes! Ako naman ngayon at nang-aasar!

       "I hate you," sarcastic na sambit ni Puma.

        "And I have to go," sarcastic ko namang sambit sabay flying kiss sa kanya bilang paalam.

        "Bridesmaid ako, my loves!" biro muli ni Puma at nag flying kiss pabalik sa akin. "

        "Ewan ko sayo!" sigaw ko.

        "Anong ewan ka diyan?! He's been in love with you all this time and now that you've grown really close—" hindi ko na pinatapos pa si Puma sa sinasabi niya. Sinara ko na agad ang laptop.

        My heart was pounding because of what Puma said but I tried to brush it away. Maybe Puma's just being delusional. Maybe just like Cooper, she's just putting malice in Dilly's kindness.

        Dilly and I are great friends.

        I like being around him.

        His presence makes me happy.

        I love how he makes me feel special.... But I don't want to be misled again.

        Dilly and I are just friends. Nothing more and nothing less, so I should stop this weird feeling in my chest.

***

        Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Puma tungkol sa speed dial ng cellphone ni Dilly. Kahit habang nasa waiting area ako ng ospital at naghihintay kay Dilly na nasa loob ng office ng doctor niya, ginagambala parin ako ng mga salita ni Puma. Hindi nagtagal, pinangunahan ako ng sarili kong pag-iisip.

        Tutal hawak ko ang backpack ni Dilly, kinuha ko na mula rito ang cellphone niya. Kakaiba ang cellphone ni Dilly, his dad which happens to be a tech engineer personalized his phone just to suit his needs. Kaso yun nga lang, for calls lang talaga ang cellphone niya.

        Sinubukan kong i-dial ang number 1 tumunog bigla ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at numero ni Dilly ang rumehistro. Tama nga si Puma. Ako ang una sa speed dial ni Dilly..... P-pero ano naman kung ano ang una sa speed dial niya? Wala naman sigurong ibig sabihin 'to. I mean, Dilly and I are close friends and that's it.

        "Bagyoooooo!"

        Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot si Cooper sa harapan ko. Isang buwan narin nang huli kaming magkita, highschool graduation pa namin nun. Kahit wala pa akong sinasabi, agad siyang naupo sa tabi ko. Kung makaupo siya, parang nasa bahay lang, pinatong niy pa kasi ang paa niya sa upuan.

        "Magpapa-check up ka rin?" tanong ko.

        "'Di!" Bumungisngis si Cooper. "Inaayos ko lang ang kwarto ko tutal tapos na ang school year," sabi pa nito.

        "Ha?" naguluhan ako bigla sa sinabi niya.

        "Teka, papatulong pala ako sa'yo," aniya at bigla na lamang akong hinila patayo. Nagdadalawang-isip man, sa di malamang-dahilan hindi ko magawang humindi kay Cooper.

***

        Kahit habang nasa elevator kami, hindi sinasagot ni Cooper ang tanong ko. Panay 'basta' lang ang sagot niya sa mga tanong ko kaya hindi ko nalang siya kinulit pa.

        Hindi nagtagal, nakarating kami ni Cooper sa 7th floor at pumasok sa isang silid. The walls are covered in sky blue paint giving this calm and cool ambience. It's actually really cute plus the fact that tadtad ng litrato ang mga dingding.

        "Ano sa tingin mo ang magandang design sa ceiling? Glow in the dark stars or yung mga LED fairy lights?" tanong ni Cooper habang nakapamewang at nakatingala sa kisame.

        Imbes na sagutin ang tanong niya, mas pinili kong lapitan ang dingding na tadtad ng litrato. Andito kami nina Puma, Chord, Yani, Luigi, at Dilly sa ibang mga litrato; andito rin yung tatlong kaibigan ni Cooper na pumunta sa graduation namin; pero mas madami rito ang litrato kung saan may kasama si Cooper na isang magandang babaeng parang kaedad lang namin. Wait... What if this girl is the Agatha that he mentioned in his graduation speech?

        "Whoa, you're all patients here?" bulalas ko nang makita ko ang isang litrato kung saan pare-parehong silang nakasuot ng damit pampasyente—sila nung tatlong umattend ng graduation namin, kasama rin nila ang magandang babae.

        "Yan si Reema." Tinuro ni Cooper yung babaeng kumuha ng litrato namin, yung mukhang mataray.

        "Asan na siya ngayon?" tanong ko.

        "She's trying to have a normal life outside," nakangiting sambit ni Cooper.

        "How about this guy?" tanong ko sabay turo doon sa lalakeng hindi masyadong matangkad. Ngayon ko lang napansin, hindi pala siya nakasuot ng damit na pampasyente.

        "That's Trent. Nagkasakit ang kapatid niya kaya lagi siyang tumatambay dito sa ospital," aniya pa.

        "Where is he now?" tanong ko ulit.

         "Sinasamahan ang kapatid niya sa treatment niya," sagot niya.

         "This boy?" tanong ko sabay turo sa lalakeng nakawheel chair.

        "Si Javi na medyo gago," natatawang bulalas ni Cooper.

        "Where is he now?" tanong ko naman.

        "Umalis narin siya dito sa ospital para makasama lagi ang pamilya niya," sagot ni Cooper.

        "H-how about Agatha?" tinuro ko ang litrato nila habang nasa dalampasigan. "She's your Agatha right? The one that you mentioned on your graduation speech?" tanong ko.

        Napabuntong-hininga si Cooper at tumango-tango. Nagbago ang ngiti sa kanyang mukha, naging tipid ito at parang kalmado—isang ngiting kakaiba. Isang klase ng ngiting ngayon ko lang nakita kay Cooper.

        "Where is she now?" tanong ko ulit.

        "She's always right here," sabi ni Cooper sabay hawak sa puso niya.

        The smile on cooper's face made me feel weird. Like my heart was melting, like tears are about to fall from my eyes. I hate this feeling. I don't like this. This is painful.

        "Seriously, where is she?" pagdidiin ko at sa puntong iyon ay naglakad ulit si Cooper pero sa pagkakataong ito ay palabas na siya ng silid. Wait, hindi naman siguro kami pupunta sa sementeryo diba?

***

        Pumasok kami ni Cooper sa katabing silid at nagulat ako nang makita ang isang babaeng nakaratay sa kama. Mukha siyang natutulog lang pero may mga kableng nakakabit sa kanya. Gaya ng silid ni Cooper, tadtad ng litrato ang dingding at may mga cartolina rin kung saan nakasulat ang mga mensaheng may nakasulat na words of encouragements para kay Agatha.

        Mabilis na naupo si Cooper sa tabi ng walang malay na si Agatha. May upuan sa tabi ng kama niya at mukhang sanay na sanay si Cooper na manatili sa upuang ito. "Agatangina, si Hurricane pala. Siya yung sinasabi ko sa'yong may saltik na kaibigan ko mula sa Jefferson High. Siya yung mahal ni bulag."

        Nainis man ako dahil sa huling sinabi ni Cooper. Hindi ko siya magawang tarayan kasi mas nangunguna sa akin ang awa para sa kanya.

        Cooper's talking to her like she's still alive. He's talking to her like she could hear him. And it hurts me to see him like this. It's bad enough that he's sick and now he's suffering even more because of her condition. 

        "N-nice to meet you Agatha," sabi ko na lamang habang pilit na pinipigilan ang luha ko.

         Ngumiti si Cooper at muling ibinalik ang atensyon niya kay Agatha. He looked at her lovingly. Just by looking at him, I could tell he really really loves her. 

        Pinagmasdan ko ang mga litrato sa dingding at nakita ko ang mas marami pang litrato nina Agatha at Cooper. Sa mga litratong ito ay si Agatha na ang may hawak sa camera. She took so many photos of them while they were together. She took so many candid shots of him. Agatha's smile feels like she was really happy with Cooper. She loved him the way he loved her. 

       "What happened to her, Cooper?" I couldn't help but ask.

        "She stayed awake for me," aniya.

        Naguguluhan man, patuloy kong pinagmasdan ang iba pang mga litrato sa dingding. "Since when was she asleep?" tanong ko.

        "Two years ago," tipid na sagot ni Cooper at sa pagkakataong ito ay wala na ang sigla sa boses niya. "Everyone says that she'll never wake up again, but I know her, I know that she just wants to rest for awhile. She'll wake up one day and I want to be here when that day comes."

       "W-what if she doesn't?" My tears were already brimming and my limps were now trembling.

       "Magigising siya," paniniguro ni Cooper. "Pero natatakot ako kasi baka ma huli siya ng gising; na baka sa pagising niya ay patay na ako. Ayokong isipin niyang iniwan ko na naman ulit siya. Nasaktan ko siya noon, ayokong maulit ito. Gusto kong sa paggising niya, ako agad ang makikita niya."


**** 


        Nakabalik na ako sa labas ng opisina ng doktor ni Dilly. Nanatili si Cooper sa tabi ni Agatha kaya mag-isa akong naghintay kay Dilly. Habang naghihintay ay hindi maalis sa isip ko ang sitwasyon nina Cooper at Agatha. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maging matatag ngunit kahit anong gawin ko ay ayaw paring magpaawat ng mga luha ko. Awang-awa ako sa kanilang dalawa lalo na kay Cooper.

        "Shane?" nakita kong lumabas si Dilly mula sa opisina kaya tumayo na lamang ako at lumapit sa kanya. Hindi ako kumibo, ayokong malaman niyang umiiyak ako.

        "Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Dilly habang may ngiti sa kanyang mukha.

        Umiling-iling ako kahit alam kong di niya ako makikita.

        "Umiiyak ka ba?" biglang bulalas ni Dilly at sa puntong iyon ay nawalan ako ng kontrol sa sarili ko at kusa akong napaiyak nang malakas.  

        "Anong problema?" alalang sambit ni Dilly at agad niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam anong sasabihin kaya umiyak na lamang ako nang umiyak dahil sa labis na bigat ng nararamdaman.


END OF CHAPTER 7!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro