| 2: #SpaghettiProblems |
2.
#SpaghettiProblems
Sumipsip si Dilly mula sa kanyang smoothie at ibinaba ito sa mesa. "Kamusta ka na pala Shane?"
"I just got ba—" natigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong pasimpleng dinampot ni Cooper ang smoothie ni Dilly. Ngumisi si Cooper at sumenyas sa akin na wag mag-iingay. "Cooper put that back!" giit ko agad.
"Ha?" napalinga-linga ang walang kamalay-malay na si Dilly samantalang si Cooper naman ay agad na napangiwi. Walang nagawa si Cooper kundi ibalik na lamang ang smoothie sa harapan ni Dilly.
"Good dog," puri ko kay Cooper.
"Bastos na bagyo," patutsada naman ni Cooper sa akin kaya ako naman ang ngumiwi.
"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Dilly. Parang isang batang walang kamalay-malay sa mundo.
"Hulaan mo!" kantyaw ni Cooper kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin. Lokong Cooper 'to.
"Nga pala, ba't mag-isa ka lang? Asan si Yani? Si Luigi? P-pati si Chord?" tanong ko ngunit nang banggitin ko ang pangalan ni Chord, para bang nagulat si Dilly at ganun din si Cooper. Shit. Wala namang mali kung hahanapin ko si Chord diba? It's not like may mabigat na feelings pa ako para sa kanya. Mahal nila ni Puma ang isa't-isa, tanggap ko yun, okay na ako dun.
Ngumiti si Dilly. "Apektado parin si Chord dahil sa pag-alis ni Puma kaya yun, sinusubsob niya lagi ang oras sa pag-aaral at soccer," paliwanag niya kaya tumango-tango na lamang ako.
"So he ditched you?" tanong ko pero natawa lamang si Dilly.
"Pumupunta parin naman siya sa bahay. Hindi na nga lang kami masyadong nagkakasama dito sa school," paliwanag pa ni Dilly kaya muli akong tumango-tango. Bigla kong napansing nakatingin sa akin si Cooper kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.
Umiling-iling si Cooper. Yung tingin niya, para bang sinasabi niyang 'I'm disappointed in you'.
"Anong ginawa ko?" I moved my lips without making a sound.
Umiling-iling muli si Cooper sabay pikit. Ugh! Nakakainis na talaga siya!
Tumayo na lamang ako upang bumili ulit ng makakain. Halos ubusin na kasi ni Cooper ang spaghetti na nabili ko. Habang pumipili ng kakainin, bigla akong tinabihan ni Cooper. Nakasilid ang mga kamay sa kanyang bulsa at para bang kinikilatis din ang mga binebenta.
"Gusto mo pa ba ang Spaghetti?" Tanong ni Cooper.
Imbes na kumibo, nagbingi-bingihan na lamang ako at patuloy na pumili ng mga makakain.
"Akin na 'yon, bili ka na ng bago," giit ni Cooper habang diretso parin ang tingin sa mga pagkain.
"What does it look like I'm doing?" sarcastic kong sambit.
"You look like you still want the spaghetti," aniya.
"I'm looking for something new to buy, hindi ba obvious?" muli, sarcastic kong tugon.
"Hindi," tugon ni Cooper.
"Spaghetti pa ba ang pinag-uusapan natin?" Hindi na ako nakapagpigil pa at humarap na ako kay Cooper. Mukhang may laman kasi ang bawat salitang binibitawan niya.
Napabuntong-hininga si Cooper at tinuro ang salad na siyang pinakamalapit sa akin. "Maybe all this time you're just looking at the wrong direction. Maybe what's right for you has been beside you all along," aniya. Beside me all along? Shit, is he pertaining to himself?! What the hell, may gusto ba siya sa akin?!
"Y-you're the salad?" bigla akong kinabahan.
Dahan-dahang lumingon sa akin si Cooper. This time ay halos mamilog na ang butas sa kanyang ilong dahil sa inis. "Betlog mo Pink. Ayoko sa'yo," walang kaemo-emosyon niyang sambit.
Napasinghal ako sa inis at agad ko siyang tinaasan ng kilay. "Mas lalong ayoko sa'yo!"
Napabuntong-hininga si Cooper at muling tinuro ang hilera ng mga spaghetti. "Sige, uulitin ko nalang ang tanong ko. Gusto mo pa ba ng spaghetti?" pagdidiin niya.
Wala nang patutunguhan ang usapan namin ni Cooper kaya kahit wala pa akong nabibili, tumalikod ako sa kanya at naglakad na lamang pabalik sa table kung saan naroroon si Dilly. Pero habang naglalakad, napako ako sa kinatatayuan nang makita ko si Chord na nakaupo na sa table na kinaroroonan ni Dilly.
Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong lumapit sa akin si Cooper.
Mula sa malayo, pinagmasdan ko ang mukha ni Chord. "Spaghetti isn't for me, I know and I accept it wholeheartedly. But no matter what I do, no matter how much I deny it, no matter how much I try to convince myself—The truth is that part of me still likes Spaghetti."
"This is my entire fault. I'm really sorry," Cooper said softly, full of guilt and regret. He already explained everything that happened. He already apologized countless times already. I'm still kind of pissed about it but I've already forgiven them. I guess that's just it—Hate is easy to forget, love isn't.
"Stop apologizing. It's not your fault a heart is uncontrollable." Ngumiti na lamang ako at nilingon si Cooper. "It takes time to heal. Deep down I still like Spaghetti but soon I'll get over it. I think?"
Cooper was wrong to manipulate everything from the very beginning—especially the part where he spit a chewing gum on my hair, that was gross! But I know he was just doing it to help Puma and Chord. I was just the collateral damage.
END OF CHAPTER 2
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro