Part 2: The Magician
ABOT-TAINGA ang ngisi ng lalaking binansagang King of Cards ng si Gene matapos ibaba ang straight flush sa lamesa sabay inom ng alak na siyang ikinainis ni Medeia. Tatlong gabi na niya itong nakikita sa loob ng casino na nagpapaiyak ng mga parokyano. Ayon sa mga dealer ay parati raw itong nananalo sa mga card game, hence his nickname. Dahil sa curiousity ay sumali siya sa laro para masaksihan kung magaling nga ba ito. Nasa showdown stage na sila ng poker at nakakuha si Gene ng straight flush, isang napakaliit ng tiyansa na magkaroon ng straight flush ang isang player maliban na lang kung nandaraya ito. Sobrang confident ang lalaki base sa hilatsa ng pagmumukha nito dahil 'alam' nito na ito ang mananalo. Huminga siya ng malalim at tinitigan ang lalaki, naghahahanda na ito sa pagkuha ng mga 'napanalunang' chips.
Nang i-reveal niya ang barahang hawak ay tinakasan ng kulay ang mukha nito at nagsigawan ang lahat ng expectators. Parehong straight flush ang nakuha niya, set of Diamonds mula sa number nine hanggang sa King, kaparehong kapareho ng cards ni Gene.
"How weird, does it means that we have two sets of Diamonds here? Did you check the deck first?" Binalingan niya ang dealer.
"Yes, miss. I checked everything before starting the game," sagot nito sa kaniya. Mas may tiwala siya sa dealer dahil sampung taon na itong nagtatrabaho sa casino.
"Are you hiding something under your sleeve?" Napaubo siya sa tanong ni Gene, siya pa ngayon ang mandaraya?
"Stefan, please check his cards," utos niya sa assistant at natuliro naman si Gene.
"My cards are authentic," mariing sabini Gene. Tiyak na matutuliro ito dahil fifty million dollars lang naman ang pustahan nila. Walang matinong tao ang pupusta ng ganoong kalaki maliban na lang kung may gagawin itong kakaiba. She can sense Gene's greedy aura, mas malakas kaysa sa iba pang manlalaro sa casino.
"Let's see." Kumuha si Stefan ng limang basong may tubig at isa-isang nilagay ang card sa bawat baso. Apat na baraha ang nagpalit kulay, sa halip na pula ang print ay naging ginto iyon. Kinuha niya ang dalawang baraha na magkaiba ang kulay.
"This is how I secure the players here in the casino." Itinaas niyang ang pekeng baraha at itinapon sa harap ni Gene.
"W-who are you?" Namumutlang tanong nito.
"I am Medeia Contrarietas and I am the owner of Aces Casino." Halos lumuwa ang mga mata ni Gene. "I've been watching you since the day you stepped your filthy shoes in here. You are brilliant but stupid enough to get caught by the owner. And you accused me of hiding a card under my sleeve." Pinitik niya ang darili at kinapkapan ni Stefan si Gener. May nakita itong dalawa pang baraha na kamukha ng barahang ginagamit nila sa casino. "You owe me fifty million dollars and another five hundred thousand dollars for the people you cheated on." Hindi nakaimik si Gene at bumagsak sa sahig.
Pagkatapos ng isang oras ay nagising rin ang hudyo. Dinala niya ito sa opisina nang mawalan ito ng malay. Habang wala itong malay ay pinaimbestigahan niya ito kay Stefan. Ayon sa report ay mula pa ito sa Las Vegas, isa itong laos na magician. Wala nang may interes na manood sa mga magic shows nito na dati ay parating sold out. Dahil sa depresiyon ay nalulong ito sa bisyo at ginamit ang bilis ng kamay para makapandaya. Bukod roon ay may maitim pang lihim ang lalaki.
"I don't have that much money," he tousled his blonde hair. "I don't know how to pay you." Sa ilalim ng lamesa ay ikinumpas niya ang kamay at lumabas ang itim na scroll na may gold letterings. Ipinatong niya iyon sa lamesa at ipinakita kay Gene.
"This is a contract that can change your world. If you sign it, everything will be back to normal. Your fame in Vegas, you might even have a world tour and TV appearance. Everything will be yours when you sign - money, fame, and women. Your choice." Tudyo ni Medeia sa lalaki, isang daang porsyento na sigurado siyang bibigay ito.
"In exchange of?" Bakas ang disbelief nito sa mukha.
"Your soul."
"Hmmm... are you playing devil now?" Nakakalokong ngumiti ang lalaki. "I got nothing to lose, my soul is already rotten." Kinuha ni Gene ang quill na nakapatong sa lamesa at naghanap ng ink. Kinuha niya ang palad nito at sinugatan gamit ang matulis niyang kuko, iyon ang ginamit ni Gene bilang tinta. A hot wind blew inside the room, the deal is in effect.
"Yeah, your soul is already rotten, that's why you signed the contract. If I were you, I will start packing and fly back to Vegas for my sold-out show." Mula sa tablet ay ipinakita niya rito ang isang article tungkol sa residency show ni Gene sa Las Vegas, sold-out nga ito. Hindi bogus ang article dahil na-publish ito sa isa sa mga entertainment website sa US. Hindi magkandaugaga si Gene sa paglabas.
Two years later...
Isang overseas call ang natanggap ni Medeia, it was Gene. Sa loob ng dalawang taon ay namayagpag ito at patuloy na nagkaroon ng shows sa iba't-ibang bansa. Ilang beses na rin itong lumabas sa telebisyon para sa mga guestings at sa susunod na buwan ay may Asian tour naman ito.
"Gene, it's been a while," bungad niya sa lalaki.
"You killed my fiance!" sigaw nito sa kabilang linya. "You told me that you will reap my soul in exchange!"
"Yes, that is what stated on the contract." She opened a black door and went through it. She was standing behind Gene in a luxury suite in Las Vegas. Sa mga ganitong pagkakataon niya ginagamit ang black door, for travelling purposes dahil wala siyang oras para magpa-book ng flight at maghintay ng matagal. "Your soul is the payment but it's not payback time yet. You still have twenty more years, I supposed."
"But why did you took my fiance?!" Nilingon siya nito at tinutok ang baril sa kaniya.
"I didn't. I think it's karma who took your beloved." Lumapit siya sa decanter set at nagsalin ng rum sa rock glass. "Six years ago, you did something terrible. During the first few weeks of your show, four women were raped and killed and they were found in the same alley at the back of the hotel where you stayed. Nobody saw what you did, the police arrested the wrong person and your kept you mouth shut. What I think is, your innocent fiance paid the consequences or your crime and you're blaming me for it?"
"I was drunk that time! Call the police and arrest me or I will sign another deal, just bring Megan back to life!" Lasing na lasing si Gene at halos mabitawan ang baril na hawak.
"I don't do resurrections. It will threaten the balance of the world." Sumimsim siya ng alak.
"Then take my life now, I'm begging you." Now, this guy is bawling his eyes out.
"I can't, according to the contract, you still have twenty more years to live."
"Okay, then I will kill myself." Itinutok nito ang baril sa sentido nito at kinalabit ang gatilyo ngunit walang lumabas bala roon. Medeia opened her palm and there's the bullet.
"You can't kill yourself either." Inubos niya ang alak sa baso. "Gene, you still have your fans, your fame and your money, they will not leave you until the day I took your soul. It's your choice again, to continue living the life you wanted or wallow in your misery and everything will be back to zero. Don't worry, I assure you, Megan is not in hell. She too kind to be there." Iniwan niya ito nakasalampak sa sahig, maya-maya pa ay darating na ang manager nito. Pumasok muli sa black door at naroon si Stefan na naghihintay sa kaniya.
Sinubaybayin ni Medeia si Gene, na-move ang Asian tour nito para magkaroon ito ng oras para magluksa, pagkatapos noon ay bumalik na sa dati ang lalaki. May mga dine-date itong mga babae pero hanggang doon na lang iyon. He's too afraid to commit and repeat what happened to Megan. Nabaon na rin sa limot ang ginawa itong pagpaslang, but still, there's a special place in hell for him.
"Hi there my handsome Stefan! What do you want, my honey bunch?" Bungad niya kay Stefan nang pumasok ito sa kuwarto niya. Siya naman ang nakadapa sa massage bed habang may nagmamasahe sa kaniya. Kita naman niya kung paano nag-blush ang babaeng masahista, sino bang mag-aakala na eighty-three na si Stefan? Over-qualified ito para maging modelo ng underwear, matangkad, sexy, guwapo at dahil nga sexy ay malakas ang sex appeal, tiyak na maglalaway kung sinuman ang tumingin rito. Natural rin ang silver nitong buhok na hanggang leeg ang haba, man bun ang style ng buhok nito kaya lalo itong gumwapo.
"Miss, curious lang ako." Inayos ni Stefan ang salamin nito sa mata.
"Curious saan?"
"I remember that my grandmother left some recipe book somewhere here. Hindi ko makita." Si Stefan ay nagmula sa angkan ni Estefanya, ang babaeng iniligtas niya noon sa Germany. Mula nang panahong iyon ay nanilbihan ang babae sa kaniya hanggang sa magkaroon ito ng apo at naging responsibilidad na ng pamilya ang pagsisilbi sa kaniya. Nagkaroon sila ng kontrata ni Estefanya tungkol roon na bago ito tuluyang mawala sa mundo ay mananatili ang pagiging tapat nito sa kaniya. Estefanya died at the age of two hundred nine. Dahil na rin sa kontrata ay matagal ang buhay ng miyembro ng pamilya. Estenfanya had one daughter who served her well too, pero namatay ito sa edad na one hundred sixty dahil sa panganganak kay Stefan.
Siya ang nagpalaki kay Stefan, dahil nasa dugo nito ang paninilbihan sa kanya ay marunong na itong sumusunod sa mga utos niya at the age of four. Nang hindi pa tumutuntong ang lalaki sa edad na eighteen ay hindi pa niya ito binibigyan ng mabibigat na responsibilidad, all he can do before is to study and play. May mga hired helper siya na naglilinis ng mansion kada ikalawang linggo kaya wala itong inaalala pagdating sa bahay.
Bukod sa pagiging assistant niya ay si Stefan rin ang may-ari rin ito ng Remedium Pharmaceuticals. Since mahilig sa alchemy ang lola nitong si Estefanya ay nagtatag ito ng pagamutan, noong una ay maliit na tindahan lang hanggang sa lumago.
"May maliit na baul sa ilalim ng kama ko, try to look for it there." Natapos na ang pagmamasahe sa kaniya at nagpaalam na ang masahista. Too bad, ipapakilala pa naman niya rito si Stefan. Masyadong loyal sa kaniya ang lalaki, wala siyang nababalitaang nakikipag-date ito.
"I found it!" Bakas ang tuwa sa mukha nito at pinagpagan ang napakakapal na libro.
"Anong kailangan mo sa recipe book?" Inayos niya ang bathrobe na suot.
"Kanina habang nasa botika ako," dahil may pagka-wirdo ito, minsan ay tumatao ito sa sa isa sa mga botika nito at nagbebenta ng gamot. Minsan na ngang napagkaguluhan ng mga babae at bakla ang isang branch ng botika dahil naroon ito. "May nagtanong kung may tinda ba kaming love potion. I was wondering if grandma made a recipe for it."
"Stefan, even though I'm Satan's daughter, I will tell you this. You cannot force love, kahit ilang galon na love potion ang ipainom mo sa taong gusto mo, hindi eepekto." Hinawakan niya ang balikat nito at hinarap sa kaniya. "Why don't you try dating, huh? Para naman malaman mo ang sinasabi ko. Hindi ka ba natitigang?"
"Miss," namula ang mukha ng lalaki. "I have no time for dating at isa pa, masyadong mataas ang standards ko."
"Walang love potion diyan. Nabasa ko na 'yan lahat. Wala tayong appointment mamaya?" Umiling ito. "Good, sasama ka sa akin."
"I have no choice, kung nasaan ka ay naroon ako."
"So sweet." Tinapik niya ang pisngi nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro