Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

"Pierre..."

Pierre swallowed a lump in his throat three times when he heard that familiar voice. At that moment, he wanted to get back to his motorbike immediately.

"Do you want to come i—"

Umiling si Pierre. "No thanks, I’ll go ahea—"

Without a warning, the rain poured down from the sky. He was warned when he saw how dark the clouds are earlier pero binalewala lang niya iyon. Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagde-deliver.

Ngayon nga ay tuluyan nang lumuha ang mga ulap, at palakas nang palakas ang pagbagsak noon.

"P-Pasok ka."

Pierre was hesitant at first but he still entered Tricia’s house. Mahirap magkasakit ngayon kasi kadalasan, kung sino ang hindi healthy e sila iyong madaling kapitan ng COVID-19.

"Magpunas ka ng katawan." Tricia handed him a towel. "Medyo naulanan ka."

Umalis din agad ang babae. Lumabas ito dala-dala ang isang itim na tela.  Sinundan ni Pierre ng tanaw ang babae. Nakapayong na ito at papunta ito sa motorsiklo niya. Ang hawak na tela ay ipinantakip ni Tricia sa motor.

She headed back immediately after successfully covering the vehicle.

"Pasensiya ka na sa bahay ko. Kung alam ko lang na makakapasok ka, sana nag-general cleaning ako," Tricia shyly said. "Halika, kape tayo."

Hindi na nagdalawang-isip pa si Pierre. Sumunod din agad siya kay Tricia sa kusina.

Napatingin si Pierre sa labas. Patuloy sa pagbagsak ang malakas na ulan.

Tahimik na nagsalo ang dalawa sa mainit na kape.

Mayamaya ay binasag ni Pierre ang katahimikan.

"What do you do for a living?"

Napatingin si Tricia sa lalaki.  "Virtual assistant. I don't work in an office kaya hawak ko ang oras ko."

Pierre nodded. "Kaya pala lahat ng shows namin e napupuntahan mo."

"A-Alam mo?"

Tiningnan siya ng binata. "Of course. It is easy to notice you among other fans."

There was a pause after that. "A-Am I making you uncomfortable?"

Lumikot ang mga mata ni Pierre. Hindi niya alam kung paano sasalubungin ang pagtitig ni Tricia. Para ding naumid ang dila niya.

He heard the mug of coffee touched the marble surface of the table. "I-I'm sorry if you feel that way, Pierre. I-I didn't intend to."

Sa gilid ng mga mata ay nakita ni Pierre ang paghigpit ng hawak ng babae sa mug.

"S-Siguro natuwa lang ako sa iyo. Kasi noong gabing binigyan mo ako ng autograph, iyon 'yong kauna-unahang pagkakataong may nag-ukol sa akin ng atensiyon."

Napatingin na si Pierre nang tuluyan sa dalaga. Nakatungo na ito. "Ulila na ako kaya hindi ko nakagisnan ang mga magulang ko. Lumaki akong mag-isa. Tumakas kasi ako sa poder ng mga umampon sa akin. Ginawa lang kasi nila akong alila. Wala ring tumuring sa akin na tunay na kaibigan. Lahat sila tine-take for granted ako kasi may pakinabang sila sa akin."

"Nang sumikat ang banda ninyo, ikaw 'yong unang napansin ko. Hanggang sa hindi ko namamalayang humahanga na pala ako sa iyo. Ang galing mo kasing maggitara, eh. Kaya noong unang show ninyo, pinilit ko talagang makapunta. Makaisandaang beses ko ring inisip kung magpapa-autograph ako sa iyo, bakasakali lang na mapagbibigyan mo ako."

Ngumiti ang dalaga. "And look, you did."

"Simula noon, na-attach na ako sa iyo hanggang sa naging safe haven ko na ang pagpunta-punta sa shows ninyo." Mapupungay ang mga mata ni Tricia na tiningnan si Pierre. "Hindi ko lang akalaing nako-cross ko na pala 'yung boundaries ko as a fan."

Nilagok ni Pierre ang lahat ng kape. He courageously looked at Tricia. "I really don't mind how a fan treats me but..."

"Pero?" Medyo kinakabahan si Tricia nang tanungin niya si Pierre.

"But huwag na sanang dumating sa puntong magta-traje de boda ka sa fanmeet."

Tricia bit her lower lip. Sinabayan niya iyon ng pagsabunot sa shoulder-level niyang buhok. "Shems, naalala ko na naman." She face palmed. "Nakakahiya nga 'yun. Sorry na."

Pierre chuckled. Natawa siya sa reaksiyon ng dalaga. "Kalimutan mo na 'yon. Wag mo na lang uulitin."

"O-Oo. Never na talaga."

Natawa ang binata habang pinanonood ang fan na paulit-ulit na tinatampal nang mahina ang mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro