
The Unexpected Fertilizer
Paano ka Maniniwala sa isang bagay na hindi mo na nga nakikita, hindi mo pa nararamdaman?
Nang makarating sa bahay si Franciso ay agad siya sa lugar kung san madilim, maraming gamit ngunit lahat ay itim , maraming nakasabit na bungo isang kwarto na akala ay nasa loob ka sa isang kawalan, sementeryo ng kawalan.
"tay, naririnig po ba tayong lahat ng diyos?" tanong ng isang 5 taong bata sa kanyang ama.
"oo naman anak." sabi ng kanyang ama matapos ay itinirik niya na ang kandila at pumikit.
"eh pano yun tay? edi ang dami niyang tenga? :)" tanong ulit sa kanya ng kanyang anak.
"hindi anak, kahit sabay sabay pa tayong humiling sa kanya maririnig niya tayo ganun niya tayo kamahal :)" matapos ay ginulo nito ang buhok ng kanyang anak.
"mahal niya talaga tayo tay no?" tanong ulit sa kanya ng kanyang anak.
"oo naman anak, tamo binigay niya saten ang isang napakaalagang babae :) " sabay tingin sa babaeng nasa tabi nilang dalawa.
"naku kayong dalawa talaga mag-ama nga kayo." sabi neto.
at nagising bigla si Francisco mula sa kanyang panaginip, pumunta siyang kusina at saka kumuha ng makakain niya, halos lahat ng kasama niya sa bahay ay ang mga guard at ang mga katulong, bihira lang kasi umuwi ang kanyag ama-amahan.
"balita ko bagsak ka na naman sa karamihan ng subjects mo." sabi ng isang lalaki mula sa di kalayuan.
"ang galing naman di lang technology ang updated, ikaw din." sabi ni Francisco ng may ngiti sa labi na tipong nang-aasar
"wag mo kong bigyan ng kahihiyan." bulong sa tenga ni Francisco ng kanyang ama amahan.
"pwes wag mo kong bigyan ng dahilan." sabi ni Francisco matapos ay umakyat na siya uli sa kanyang kwarto. wala kang makikita na larawan sa kanyang kwarto, lahat ay nakatago sa isang kahon na kanya ring itinago yung tipong hindi niya maalalang meron pala siyang mga masasayang ala ala na nakaukit sa isang papel
*RINGING*
"Hello." sagot ni Francisco sa tawag na kanyang natanggap
"anak nandiyan ang daddy mo sabay na kayong kumain ha." pagsasabi ng kanyang ina.
"hindi ko siya tatay, and stop forcing me to be his son ,wala akong tatay, kung gusto niyo gumawa kayo ng anak niyo, wag ako." malamig na sabi ni Francisco sa kanyang ina.
"here we go again." napabuntong hininga nalang ang kanyang ina mula sa kabilang telepono.
"wag mo na kasing ipagpilitan ang bagay na alam naman nating simula palang alam mong mali. alam mo na may mali." sabi ni Francisco
"Francis ayan na naman ba? kailan mo ba matatanggap na iniwan tayo ng tatay mo?"
"matagal ko ng tanggap na iniwan niya tayo, ang hindi ko matanggap" natigilan siya sa pagsasalita kasi may nagsasalitang ibang tao sa linya.
"ano ba hon maya na." sabi ng ina nito sa malanding tono kaya naman binaba niya na ang telepono bago pa niya marinig ang mga susunod na kalandian ng kanyang ina.
"wala ka na ngang ama, wala ka pang matinong Ina." yan lang ang nasabi ni Francisco matapos ay tinitigan ang kisame habang siya'y malalim na nag-iisip
*1 message received*
unknown number
"God is good, all the time."
goodeve :)
Francisco's POV:
"pinapatawa naman ako ng isang to, God is Good? unang basa ko palang bullshit na, how come God is good? tatay ko iniwan ako, nanay ko malandi, yung ama-amahan ko kurakot/magnanakaw, I'm living a miserable life , how come God is Good? sinamahan pa ng all the time haha! siguro nga God is Good, for them, not for me. sa pagkakaalala ko wala naman akong ginawang masama noon meron ba? o baka naman palakasan lang talaga. haha! bakit kaya ang hilig ng tao maniwala sa bagay na walang kasiguraduhan, na naniniwala lang sila kasi pinapaniwalaan yun ng karamihan. naniniwala sila kasi yun ang uso. tao nga naman."
*knock knock*
"pasok" sabi ni Francisco matapos ay natigil sa pag-iisip
"hi sir ako nga pala ang bago niyong tagapag-alaga :) Seina Endreavora Tuazon Hantevillano, Seth for short :) " masiglang bati ng isang babae tapos ay nakapeace sign pa.
"tapos ka na?" tanong neto.
"uhm sir 17 years of age, working student actually sir same school tayo eh kaya lang iba ang section mo sa section ko but you're dad uh oh nilipat niya ko sa section niyo para mabantayan kita :) nabalitaan ko kasi sir suwail daw kayo? how true? nga pala sir bisaya ako ah kaya minsan kung mag eenglish man ako hayaan niyo na haha! pero dito na talaga ko lumaki kasama ko sa bahay yung tatay- tatayan ko kasi naman ampon niya lang din ako kasi namatay yung parents ko nun buti nalang"
"cut the crap, hindi ko tinatanong ang talambuhay mo isa pa wala akong pakialam dun, now if you're done , leave." malamig na sabi ni Francisco
"ay ang bitter sir ah? haha chenes sige na nga po basta sir kung may kailangan kayo just say it to me ^_^" sabi nito matapos ay lumabas na siya. napabuntong hininga nalang si Francisco sa kanya.
"nga pala sir ako yung nagtext sayo kanina :)" sabi neto matapos ay isinara ulit ang pinto.
sa kwarto ni Seth ay binuksan niya ang bintana at saka tumingala sa kalangitan, maraming bituin ngayong gabi kaya naman sobrang manghang mangha siya siguro kasi ang liwanag nila na bihira lang mangyari madalas kasi natatakpan sila ng ulap anong aasahan niyo eh October na susko tag-ulan haha!
Seth's POV:
"kilala niyo nako diba? hindi ko natuloy yung minemorize ko kanina si sir kasi hindi nako pinatapos pinaghandaan ko pa man din yun haha! ako daw ang pang 13 na tagapag-alaga ni sir, lahat daw ng nauna ay iniwan siya kung hindi dahil sa ugali niya dahil sa kasamaan daw na tinataglay ng kanyang budhi haha ang lalim ba? hukayin niyo nalang chozx magtatagal ako pustahan tayo gusto mo? haha kelangan kong magtagal dahil pampaaral ko ang nakasalalay dito I knew him matagal na sikat kasi siya sa school, satanista daw kasi , hindi siya naniniwala kay god, gulat nga ko ng malaman ko yun eh totoo palang may ganun :V siya ang nakapagpatunay na may mga taong hindi naniniwala sa diyos, bakit kaya? ang bait bait kaya ni God lagi nga siyang nandiyan pag may kailangan tayo eh minsan sobra sobra pa sa kailangan natin ang binibigay niya minsan nga binibigay niya din kahit hindi naman natin hinihiling eh. Hindi pa nauso ang twitter at facebook eh follower ako ni God ^^. God sana magtagal ako sa trabaho ko ah gabayan niyo lang po ako lagi :) thank you sa blessings at sa trabaho na ipinagkaloob niyo saken :) wag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para maniwala si sir na nandiyan lang kayo, na kahit hindi kayo nakikita ng mga tao eh nandiyan lang kayo."
matapos niyang mag muni muni ay isinara niya na ang bintana at saka nahiga sa kama tuwang tuwa siya kasi ang lambot ng kama na hinihigaan niya sa kanila kasi papag lang. matapos ay natulog na siya bukas pa naman kasi ang official na simula ng trabaho niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro