Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dragging

"Trust God's Plan"


agad kong tinapon ang isang maliit na papel gawa sa nakasulat dito, umagang umaga yun ang nababasa ko kung di ka ba naman mababadtrip.


"goodmorning sir! " masiglang bati saken nung bagong katulong.


"ikaw ba ang nagdikit nun sa desk ko?" tanong ko sa kanya.


"ay nabasa niyo na sir? haha opo sir ^^." masiglang sabi nito kailan kaya to mauubusan ng enerhiya sa katawan?


"sa susunod wag ka ng maglalagay nun." inis na sabi ko sa kanya


"naku sir ah ang aga aga bitter much kayo ." sabi nito sabay hampas saken aba at talaga naman hindi ko na siya kinausap kasi kahit anong inis pa siguro ang ipakita ko sa kanya eh may masasagot at masasagot siya, dumiretso nako sa sasakyan at sinimulang paandarin ang makina neto.


"sir wait~" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses, kanino pa ba edi yung boses niyang nakakarindi.


"ano na namang kelangan mo?" tanong ko sa kanya


"wait steadybells ka lang diyan." aba at talaga naman ang lakas ng loob niyang utusan ako tumakbo siya sa loob at saka lmabas ulit ng bahay ng may dala dalang gamit, binuksan niya ang sasakyan at saka naupo


"tara na." sabi nito saken


"sinong may sabing dapat kasabay kita?" tanong ko sa kanya, unti unti nakong naiirita sa nangyayari


"bilang nagapag-alaga niyo sir dapat lagi niyo kong kasama ginagampanan ko lang po ang trabaho ko kaya naman gampanan niyo na lang din ang trabaho niyo bilang amo ^^." ang daldal talaga netong babaeng to.


"ok then." may naisip akong magandang paraan


"yun mabilis naman pala kayong kausap sir tara na po at baka mahuli pa tayo sa klase :)" sabi nito. masunurin naman ako kaya sinimulan ko ng magmaneho habang patagal ng patagal ay may naririnig nakong tunog ng mobil, hinahabol na kami ng mga pulis dahil sa overspeeding haha! tingnan ko lang kung gustuhin niya pa ulit na makasabay ako papuntang school nilingon ko siya para makita ang natatakot niyang mukha.


"woah astig nun ah :D" akala ko matatakot siya dahil sa mukha niya pero kabaliktaran ang nangyari nag-enjoy pa siya na trip to heaven na yung takbo namin. naabutan na kami ng mobil at sinimulan ng katukin ang bintana ko wala nakong takas -_-


*tok tok*


"sir overspeeding ho kayo." sabi saken ng pulis.


"eto boss pasensya na kalimutan na natin to." sabi ko matapos ko siyang abutan ng limang daan.


"ah sir hindi ho ako tumatanggap ng pera." sabi neto saken


"ah pasensya na boss eto na ho." dinagdagan ko pa ng limang daan ang binigay ko sa kanya alam ko namang gusto niyang dagdagan ko eh ganun naman dito sa pilipinas lahat ng bagay may kapalit na pera, alama niyo na kung bakit hindi tayo umuunlad.


"akin na lisensya niyo sir." sabi nito saken at talaga naman


"ibigay mo nalang yung lisensya mo :) " nakangiting sabi saken nung katulong matapos ay biglang kinuha ang wallet ko at kinuha ang lisensya ko


"lisensya mo?!" galit na sabi ko sa katulong


"student's license palang po pala ang meron kayo sir pero kung makapagpaharurot kayo, kaya ang daming naaksidente sa pilipinas eh." sabi ng pulis saken at nabaliktad pa ko.


"ah pagsasabihan ko nalang po pasensya na sa abala :) " nakangiting sabi nung katulong.


"kunin niyo nalang to sa station mamayang gabi sir." sabi bito matapos ay umalis na dala dala ang lisensya ko, sinara ko ang bintana at tumungo na sa unibersidad.


"sa susunod wag kang mangingialam." sabi ko sa kanya.


"bakit sa tingin mo sir hindi umuunlad ang pilipinas?" tanong niya saken at hindi ko alam kung bakit niya biglang natanong.


"dahil sa mga nangingialam." sagot ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko pinatulan ang tanong niya.


"hindi sir, iba ang kunwaring nangingialam sa totoong may pakialam :) kung may pakialam ang tao sir matagal na tayong maunlad ^^. kaya minsan sir mas ok di yung alam mong may nangingialam sayo kasi alam mong may pakialam sila, concern ba :) " sabi nito matapos ay bumaba na sa kotse hindi niya nako inantay na makasabay nauna siyang pumunta sa klase, mali pinauna ko pala siya.


Seth's POV:


"ok ok hindi naman ako bago ditey sa school nato lilipat lang ako ng section pero bakit parang ang daming mata na nakaaligid saken? hindi naman ako maganda, sakto lang. tama naman ang uniform ko, nagsuklay naman ako kanina bago umalis nakita ko pa nga yung reflection ko sa salamin ng kotse ni sir kanina eh hindi naman magulo, wala naman akong bakas ng laway sa bibig minsan talaga hindi mo maintindihan ang mga tao kasi ayaw nilang maintindihan mo sila haha pero sige ok lang ano nga naman ang silbi ng mata nila kung hindi nila ako makikita? haha char."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro