Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wakas

Meisha's Pov.

Kanina pa ako iyak nang iyak sa kwarto ko habang yakap ang sarili ko, hindi ko alam pero, ang sakit talaga.

Ang makita siyang malayo sa 'kin sobrang sakit na pero, makitang may kayakap siyang iba parang gusto ko na mamatay.

Dahil ayaw ko naman guluhin si Amy, si Ate Erika ang tinawagan ko, dahil gusto ko magtanong sa kan'ya, close sila ni Xander baka alam niya.

"Hello?" Sagot niya.

"Ate Erika...." humihibik kong sabi.

"Sino 'to?"

"Ate Erika, si M-Meisha 'to." Utal kong sambit para akong lukang naiyak na hindi ko naman talaga alam ang nangyari.

Hindi ko alam kung nakilala ako ni Xander o hindi dahil nung tinatawag niya ako ng gabing iyon ay 'hey.' ang sinigaw niya.

Hindi man lang 'babe.' kaya mas nasaktan ako.

Hindi ko alam bakit sobrang lambot ko sa taong 'yon.

"Meisha, ikaw ba talaga 'yan?" Gulat na tanong ni Ate Erika.

"Oo Ate Erika, pwede ka ba pumunta rito sa bahay ko." Tanong ko habang pinupunasan ang luhang pumapatak sa mata ko.

"Ha? Paano kita pupuntahan eh nasa amerika?" Naguguluhan pa rin niyang tanong.

"Nandito na ako sa pilipinas pero, tanging sila Kuya lang ang nakakaalam." Mahinahon kong sabi.

"Sige puntahan kita." Aniya.

"Sige Ate, rito ako sa bahay ko mismo, wala ako kala Lola." Sabi ko saka binaba ang tawag.


Pagkagising ko wala si Amy kaya wala akong masabihan or ma-isama papunta kala Xander gusto ko malaman kung may bago na ba siya, hindi na ba niya ako mahal or what sadyang OA lang ako nasaan na 'yung deal namin na siya lang mamahalin ko at ako lang ang mamahalin niya.

Pero w-wait, gusto ko na sampalin sarili ko ang OA ko, hindi na talaga ang dating ako.

Pasado 10 AM ng dumating dito si Ate Erika halatang nag-madali siya dahil basa pa ang buhok niya tapos kapag tinatanong ko siya about kay Kuya iniiba niya ang usapan paranh si Kuya rin kapag tinatanong ko si Ate Erika sa kan'ya iniiba niya usapan.

"Meisha, bakit ka nga umiiyak? 'Wag mo na itanong ang ibang bagay."

"Uh... Ate Erika, nagpunta ako nang patago kala Xander tapos, nakita ko siya may kayakapan na babae."

"Ano si alexander may kasamang babae?!" Sigaw na sabi ni Ate Erika sabay tayo.

"Ate eka hindi sa gano'n nakita ko lang naman— saan tayo pupunta?" Tanong ko dahil pagkatayo niya ay hinila niya ako palabas ng bahay.

"Kala Xander para masapak ko ang batang 'yun, aba bakit siya nambabae kung may girlfriend siya? Hindi ba niya kaya ang LDR?!" Inis niyang sigaw saka ako isinakay sa sasakyan, kita ko pang lalapit dapat si Mr. Wang pinigilan ko nalang.

"Alam mo Meisha, 'yan ang hirap sa lalaki. Ayaw ng LDR nakakainis!" Irita niyang sigaw at umiirap pa.

"Ate Erika, bakit naman tayo susugod basta-basta." Kinakabahan kong sambit.

"Meisha, niloloko kana nung tao, aba dapat na natin sugodin, ano siya." Inis pa rin niyang sabi, habang ang mata ay nasa kalsada laking gulat ko dahil liliko na agad kami sa village nila Xander

Ambilis naman yata?

"Manong kala Mr. Lee."

"Ma'am Meisha ikaw pala dadalaw ka ulit kay Sir?" Tanong ni Manong.

"Opo." Tanging sagot saka ako tinungan ni Manong at binuksan ang malaking harang

"Alam mo meisha kapag nalaman ko kung sino babae noon, gaganutan ko talaga." Naiinis pa rin niyang sambit.

Grabe si Ate Erika hindi ko akalain mas magagalit at mainis siya kaysa sa 'kin dinaig pa 'yung totoong girlfriend.

Dali-dali bumaba si Ate Erika na kala mo may kaaway na susugodin pinapasok naman agad kami ni Mang Ramon dahil kilala na rin kami.

"Alam mo, Meisha sabihin mo lang sa 'kin kapag nakita mo 'yung babaeng sinasabi mong kasama niya gaganutan ko talaga." Napabuntong hininga ako, wrong decision yata, oh god.

"Alexander!" Sigaw ni Ate Erika pagkapasok namin, pati ako nagulat ang lakas kaya ang sakit sa tainga.


"Ate Eka, ikaw pala." Bungad agad sa 'min ni Trisha at halatang nagulat siya nakita niya ako na kasama ni Ate Erika.

"Meisha!" Sigaw niya at dali-daling lumapit at niyakap ako ng mahigpit as in sobrang higpit 'di na ako nakahinga.

"Nasaan si Xander, Kei?" Tanong ni Ate Erika kay Trisha.

"Nasa garden, bakit?"

Hindi na sumagot si Ate Erika at naglakad na.

Pagkarating namin sa garden ay nakaupo si Xander pati 'yung babae na kasama niya kagabi, masayang silang nag-uusap para na naman kinurot ang puso ko sa nakita ko. Paano pa kaya kapag may nalaman ako.

"Xander!" Si Ate Erika kaya napatingi bigla si Xander sa gawi namin at nanlaki agad ang mata niha sa sobrang gulat na makita niya ako ngayon.

Laking gulat ko ng bigla ng sampalin ni Ate Erika 'yung babae kayakap ni Xander kagabi pero umawang agad ang bibig ko dahil sa sunod na nangyari.

Halos malaglag ang panga ko nang paulit-ulit humingi ng sorry si Ate Erika roon sa girl.

Duh? Ano nangyayari?

Basta gulong-gulo ako.

Niyaya kami nila Xander na roon na mag-lunch at gusto niya ako makausap dahil hindi ko raw sinabi sa kan'ya na umuwi na ako.

Pinakilala niya sa 'kin si Denise, na pinsan niya. As in duh! Kahiya ka Meisha!

"Babe... Wala ka talagang bago?" Tanong ko dahil gusto ko makasiguro.

"Wala nga babe, kanina kapa." Inis na niyang sabi, tama siya kanina pa ako tanong nang tanong ng ganito, gusto ko lang naman makasiguro eh.

"Sorry na, gusto ko lang naman makasiguro eh." Nakayuko kong sabi sabay nguso.

"Wala ka bang tiwala sa 'kin?" Tanong niya na kinatunghay ko.

"Meron, syempre." Sagot ko.

"'Yun naman pala, kaya 'wag ka mag-isip nang kung ano-ano." Aniya sabay yakap sa'kin.

"Babe."

"Uhm?"

"I'll make a promise, and you too, okay?"

"What kind of promise?" Tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Promise me na kapag dumating ang tamang oras magiging asawa kita, magiging asawa mo rin ako."

"Babe, hindi mo kailangan hilingin or pag-usapan natin 'yan willing ako maging asawa mo, hindi nga lang sa ngayon." Nakangiti ko sabi.

"Okay then, I promise I will be your wife, and you will be my husband, not now but, soon..." Sambit ko saka siya hinalikan sa kan'yang labi.

"Kiss me mor, Babe." Malanding wika nito kaya hinampas ko siya sa kanyang balikat.

"Kaka halik mo lang tama na." Natatawa kong sambit.

"Babe, dito kana ba papasok?" Tanong niya.

"Yeah." Sagot ko.

"Yes! 'Wag kana ulit aalis nang walang paalam pag-umalis ka ulit bahala ka." Sadyang binitin niya ang sasabihin.

"Bahala ako?" Tanong ko.

"Bahala ka papakasalan nakita para 'di kana makatakas sa 'kin." Nakinalaki ng mata ko

"Siraulo!." Inis kong sambit aba kasal agad, eightteenth pa lang ako.

"Joke lang, I love you."

"I love you too." I smiled, kahit pala palayuin kayo sa isa't isa kung may tiwala kayo sa isa't isa magtatagal kayo.


Trust, be faithful, and love your partner, that's the secret for long relationship and good relationship.

Wakas

***

Social Media Account:

Facebook: Ilaria Del Fierro WP (Bcs)
Twitter: @B_C_S_WP
Instagram: @b_c_s_wp
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro