Trisha's Pov.
Kakapasok ko pa lang sa loob ng bahay nila, Cyrill. Agad naman bumungad sa akin ang boses ni Amy. Jusme.
"Baby Cyrill kasi tabi tayo matulog." Rinig kong sabi ni Amy.
"Amy, ano ba?! Ayaw ko nga ang kulit mo! Tsaka bata pa tayo that time na pinayagan tayo ng parents natin magtabi eh dalaga na tayo parehas now!" Inis na sigaw ni Cyrill. Halatang nagtitimpi nalang siya, I already know Cyrill since grade seven kami, makulit and madaldal but, kapag napupuno na siya nanakit siya sa sobrang inis and galit.
Napailing-iling nalang ako nang marinig ko ang bangayan nila. Mukha silang mag-jowa na ewan.
"Hi." Bati ko sa kanila, para naman maituon nila ang pansin sa 'kin, ang ganda ko tapos hindi nila ako bibigyan pansin, no way.
"Nasaan sila Xander?" Tanong agad sa 'kin ni ivan.
"Nasa labas may pag-uusapan lang daw sila." Sagot ko sa kan'ya, malaki siyang ngumiti sa 'kin pero inirapan ko lang siya.
Nagkwekwentuhan kami ay saka lang pumasok sila Kuya and Meisha, nakisali rin sila sa pag-uusap namin. Para silang tuko ni meisha hindi ma-paglayo.
Nang dumating na ang gabi ay napagpasyahan namin na mag-camping nalang sa pool area nila, Cyrill. Tutal naman hapon pa ang pasok namin.
Well lagi naman nagiging hapon ang pasok namin kapag nagkakagulo ang tatlong school, Delemento University ang nagsisimula nang gulo lagi kaya walang nagagawa ang tatlong school kapag nagkakagulo.
***
Meisha's Pov.
"Xiana, bakit nakasimangot ka?" Tanong ko saka kumagat sa hotdog na nasa stick na hawak ko.
"'Yun si Mj kasi bwisit." Inis na sabi niya, saka gigil na gigil na sinipa ang bottle na nakakalat sa lupa.
"Eh, bakit?" Taka kong tanong sa kan'ya saka binaba ang hotdog na hawak ko at uminom ng tubig.
"Basta, ayaw ko ng maalala." Inis niya pa rin sabi, tumungo nalang ako.
Seven na ng gabi at kanina pa kami dito nag-swi-swimming.
Sila Aira at Trisha kasama sila Lyroy, Ivan, at Xander, si Lian naman ay nasa may tabi lang ng mga tent kasama si Ethan mag-aaral na lang daw siya.
Ako naman ay nakaupo rito sa may upuan kasama si Xiana at Mj, si Cyrill nasa kusina ihahanda lang daw niya ang mga iba pa namin pagkain namin syempre nakabuntot sa kan'ya si Amy.
"Meisha sali ka sa amin." Yaya sa 'kin ni trisha, agad naman ako umiling.
"'Wag na trisha bawal ako ngayon..." Nahihiya ko sabi saka palihim na tumawa.
"Bakit naman?" Nakakunot noo niyang tanong, hindi ako sumagot, tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka lumapit sa kan'ya at bulong.
"Gusto mo ba maging kulay dugo ang tubig diyan sa pool?" Natatawa kong bulong, mukha naman siyang natauhan at na-gets agad ang sinabi ko.
"Ah, sige 'wag na Meisha baka maging red 'yung pool hehe."
Umiling-iling nalang ako, saka muli bumalik sa upuan ko. Maya-maya ay dumating na si Cyrill dala ang iba't ibang uri ng pagkain kaya nagsi-unahan na sila at nagsimula na kami kumain.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain pansin ko ang paglalambing ni Ethan kay Lian at pansin ko rin na galit talaga si Xiana kay Mj. Natawa nalang ako habang si Cyrill at Amy naman ay wala naman silang ginawa kundi ang magbangayan nang magbangayan. Natatawa nalang ako dahil all of them are flirting each other.
How about me?
Mas masarap pala maraming friends kaysa mag-isa, before kasi ng mga time na nasa United States pa ako, no friends allowed. Meron naman pero internet friends.
Ako ito nakaupo katabi si Xander, tapos si Trisha pumasok sa loob magbibihis lang daw. sinamahan pa si Ivan.
"Babe, sumama ka sa'kin sa linggo ipapakilala kita kila Mommy." Basag ni xander sa katahimkan na namamagitan
sa 'min.
"Bakit?" Tanong ko agad.
"Kailangan mo pa ako ipakilala. eh temporary girlfriend mo lang ako Temporary." Sabi ko na hindi siya tinitignan.
"'Di ba sinabi ko sa 'yo girlfriend kita. For real kaya ipakilala kita." Inis ang boses na tugon niya.
Lola mo for real.
For real ang engot anong for real pero bawal ma-fall pero sino may sabing ma-fa-fall ako.
"Oo na manahimik kana, gaga!" Inis na sigaw ko, feeling ko tatagal pa pag-uusap namin. Sure ako mapapatay ako ni Mama kapag nalaman niyang nagmumura na ako!
"Aba minumura mo 'ko?" Inis na tanong niya. Bahala siya.
"Ay hindi, ang gaga sa english ay handsome." Pilosopo kong sagot. Kailangan pa ipakilala sa Mommy niya eh nakilala ko na nga kanina tapos ipapakilala ulit?
"Hindi ako stupid." Mariin niyang sabi, 'yun naman pala.
"'Yun naman pala eh." Sabi ko nalang saka naglakad papuntang tent. Aba girlfriend niya ako for real pero 'di niya ako mahal for real? Wala naman akong pakialam sa love niya pero duh gagamitin niya ako pwes, mas maganda kung totoo.
Ten na ng gabi ng magyayang sila na aminan daw kung sino raw ang first kiss nila, like the hell? First kiss?
Na-una umamin si Trisha sabi niya wala raw pero hindi ako naniwala ewan ko iba pakiramdam ko feeling ko meron na at hindi si Ivan 'yun. Habang si Lian naman wala , si Aira naman ay yung ramdom guy daw sa bar. As in what?! Nakapagbar sila sa edad na 'yan? Ang dami nga naman nagagawa ng pera. Kapag ma-pera ka, may connection ka.
Habang si Xiana naman ay inamin sa 'min na si Mj daw first kiss niya. Kaya pala siya inis na inis, sa sobrang inis niya raw ay hindi niya napigilan ang sarili niya at muntik niya na mapatay si Mj.
"Ikaw naman, Meisha." Saad ni Amy Sabay turo sa 'kin.
"Ako?" Tanong ko tumungo naman sila napalunok ako ng paulit-ulit.
"Si— 'di ko tanda." Nahihiya kong sabi pero tumawa lang sila. Ayoko sabihin.
Maya-maya ay nagsitayuan na kami saka isa-isa naglakad sa kan'ya kaniyang tent.
"Good night."
"Night." Sabi ko saka sinarahan ang ziper ng tent.
Paano kaya pagnalaman ni kuya na may nakukuha na ng first kiss ko?, alam kong magagalit 'yun manliligaw nga ay hindi niya pinapayagan
kapag may nagkakagusto sa 'kin sa amerika hindi niya ako pinapayagan magka-boyfriend.
At dito pa sa pilipinas at sa isang lalaking hindi naman ako mahal ay binigay ko ang first kiss ko. Kuya 'wag mo 'ko papagalitan kapag nalaman mo please.
'Yun lang ang nasa isip.ko hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay nagsi-uwi na kami sa aming bahay at pumasok na nang kan'ya-kan'ya nalaman ko rin ang balitang kay Kuya na uuwi raw sila Mama rito sa pilipinas para bisitahin ako. Kinakabahan ako pero wala naman ako magagawa kahit ilan beses ko pa-itago.
Si trisha naman busy sa
pag-aayos ng cheerdance. Next week ay magsisimula ulit kami mag-practice.
Si Amy naman ay sumali sa volleyball at sila Xander ay puro practice naman ang inatupag, parang sila Cyrill din kaya madalas ako si Xiana,lian at Aira ang magkakasama.
Madalas nagiging sweet sa 'kin si xander, pero 'di ko pinapansin masyado. dahil ayaw ko ma-fall sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro