Kabanata 4
Meisha's Pov.
Pagkatapos ko pumerma sa papel na ibinigay niya ay mabilis akong umalis sa secret room at iniwan nalang siya roon.
My plan is tataguan ko siya hanggang sa makakaya ko kailangan ko siyang taguan.
Temporary girlfriend niya ako pero, hindi ako magpapakita sa kan'ya.
Ano siya gold? Kung gold siya. Diamond ako.
Mabilis ang lakad ko kanina ko pa napapansin na bawat tao makasalubong ko tinititigan ako. Like? What's the problem?
Napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko.
"Hello kuya?"
Tumuloy ako sa paglalakad going to library.
"Hi, spoiled brat, kamusta?" Tanong niya, Napabuntong-hininga ako. Spoiled brat na naman.
"I'm okay lang naman kuya, where are you? Hindi ka ba tinatanong nila báb kung alam mo kung nasaan ako?"
"Brat, sinabi ko kala bába at mama syempre, sabi nila papayagan ka nila dahil 'yan ang gusto mo, sinabi ko naman din sa kanila na babalik ka rin doon para roon ka mag-aral ng senior high." Paliwanag ni kuya, mariin akong napapikit.
"Pero, kuya baka pakuha ako nila mama, rito." Nag-alala kong tanong, masyado kasi akong baby ni mama dahil iisa akong babae sa amin.
The truth is gustong-gusto talaga ng mga chinese ang anak na lalaki karamihan sa mga chinese but, sa lahi namin mas marami kasi ang lalaki kaya mas iniingatan kaming mga babae.
"Hindi 'yun mangyayari Meisha," bumuntong-hininga siya. "Nangako si Mama at bába na papayagan ka muna sa gusto mo at sinabi ko naman na kala lolo at lola ka tumira, puntahan kita mamaya sa bahay nila lolo may ibibigay ako, sige na ingat ka, alam mo naman ang buhay natin."
"Sige kuya." Sabi ko saka binaba ang tawag.
"Alam nila Mama, sana hindi nila ako kunin, isang taon lang naman eh." Bulong na sabi ko sa sarili saka nakanguso nagtutuloy sa paglalakad.
"Meisha!" Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako nang sigaw mula sa likod ko.
"Bakit gan'yan mukha mo?" Tanong niya sa 'kin lalong sumama ang mukha ko. Kung hindi kaya ako naging kaibigan ni trisha siguro nakatago pa ako nang maayos.
"Kasi kilala ko si bába, ayaw niyang may boyfriend ako." 'Yun nalang sinabi ko.
"Strict parents mo?" Tanong niya, tumungo naman ako.
"Nasaan pala family mo?" Bigla niyang tanong, bigla ako kinabahan.
"Uhm... Parehas sila nasa malayong lugar." Pagsisinungaling ko pero, medyo true naman na malayo talaga sa 'kin si māmā and bába.
"Ah, gusto ko mag-shopping, gusto mo ba sumama? My treat." Yaya niya.
"'Wag na kailangan ko rin umuwi agad." Pagdadahilan ko. Dahil sa totoo lang ay ayoko masyado gumala, gala rin kasi mga pinsan ko sa pilipinas sila kilala sila bilang lim kaya nakakalayas sila kaming magkakapatid kasi mahirap masyado.
"Ay gano'n, sige sa linggo nalang para kasama natin sila Cyrill."
"Sige." Tangi sagot ko saka mahina na pinisil ang mga daliri ko. Baka marami pa siyang itanong eh. I don't know na kung ano pa kasinungalingan na isasagot ko.
Maglalakad na sana ako para unahan siya pero bigla ulit siyang nagsalita.
"Teka nga, Meisha. Boyfriend mo ba talaga ang Kuya ko?" Hindi pa rin niya makapaniwalang tanong.
Boyfriend ko nga ba? Hindi naman niya sinabi na fake girlfriend niya ako, temporary nga lang.
Iimik na sana ako nang bigla tumunog ang cellphone niya, nagpaalam siya na aalis na, kaya tumungo nalang ako, pumunta muna ako sa library at tumambay ng ilang oras nang tumunog na ang bell ay agad din akong lumabas ng library at dali-dali naglakad papunta sa exit ng school.
Malayo pa lang ay tanaw ko na si Alexander sa parking lot na malapit sa exit mariin ako napapikit.
"Paano ako tatakas nito?" Bulong ko sa sarili ko saka mahina napakamot sa ulo.
Kaya umatras ako nang biglang may nabanga ako.
"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin.
"Okay lang miss," saad niya habang pinapag-pagan ang sapatos na natapakan ko kanina.
"Hi!" Bati niya sa 'kin, ngumiti muna ako saka rin bumati.
"Hello, sorry talaga." Pag-hingi ko pa rin ng paumanhin.
"Transfer ka rito?" Agad niyang tanong niya.
"Ah. Oo." Nahihiya kong sagot saka napakamot sa batok.
Transfer na marami na agad nasangkutan na trouble.
"Ako nga pala si Zack." Pakilala niya sabay abot ng kamay.
"Ah ako naman si Meisha Ann." Pakilala ko sa sarili sabay abot sa kamay niya.
I find him cute.
Gosh, Meisha bumabalik ka na naman sa pagiging maarte mo.
"Uuwi kana ba?" Nahihiya niyang tanong sa 'kin sabay kamot sa noo niya. Tungo lang ang naisagot ko saka siya tinignan sa mukha.
Maputi, matangkad, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, at ang gwapo tignan ang makapal niyang kilay.
"Oo." Mahinahon kong sagot.
"Sabay kana sa 'kin?"
"Sige." Sagot ko saka ako nagtago sa tabi niya at sinout ang jacket.
Nang makalabas ay agad akong nagpaalam at nagpasalamat sa kan'ya, since ilan buwan na rin simula nang bumalik ako here sa philippines ay marunong na ako sumakay sa mga jeep at tricycle, it's so easy naman pala.
Pagkadating ko sa bahay nakita ko si lolo nasa garden at dinidiligan ang mga halaman at pinapakain ang kanyang mga alaga doon.
"Magandang hapon po, Lolo." Bati ko saka nagmano, kapag nasa bahay dapat tagalog only lang kasi nasa pilipinas daw ako, kaya aa mga nagdaan buwan sinanay ko ang sarili kong magtagalog kapag nasa bahay.
Nagpaalam ako napapasok na para maligo at magbihis, pagdating ng gabi ay dumating si kuya may dala ng mga mamahalin brand ng damit at make-up itinago ko lang lahat 'yun sa cabinet sa kwarto ko since hindi ko muna ginagamit ang mga mamahalin kong gamit.
Nakaupo ako sa sofa sa kwarto ko habang hawak ang mga card ko, iba't ibang klase card may credit card, atm card, black card, kahit starbucks meron at etc.
"Siguro nagtataka sila bába, since huling gamit ko sa mga card na 'to ay bago pa ako umalis sa united states."
Maaga ako nagising dahil may pasok pa ako, medyo masakit ang pisngi ko pagkagising dahil na rin siguro sa sampal nung Zarina na 'yon.
Alam mo 'yung feeling na, you want to respect her because mas matanda siya sa 'yo pero, bakit ko i-re-respect ang isang katulad niya kung gano'n bitch siya pero, mas bitch ako duh.
"Good morning yaya, si kuya po?" Tanong ko agad ng makababa ako.
"Umalis na kanina iha maaga pa raw siya dahil pupunta pa siya sa Manila."
"Sila Lola po?"
"Umalis kasama Lolo mo may bibilhin lang sila sa bayan."
"Ah sige po yaya, ano pong niluluto niyo?" Tanong ko dahil naamoy ko na rin ang pagkain nagutom tuloy ako.
"Hotdog, bacon, friend rice, at egg may papadagdag ka ba iha?" Tanong niya. Agad naman akong umiling.
Nasanay na ako kumain ng mga frozen food at iba pang pagkain dito sa pilipinas, bata pa ako ng pumunta ako rito at ng umalis rin ako. Actually dito ako lumaki pero, seven years old ako nang isama na kami ni bába sa china bago kami lumipat sa united states.
Madalas ko kainin ay waffle at salad pero nung bumalik ulit ako rito mas nagustohan ko ang pagkain nila, kaya siguro tumaba ako nang kaunti.
Kumain na ako at saka inaayos ang mga gamit ko at nagpaalam na aalis na
Pagkalabas ko sa malaking gate nila lolo may nakita akong sasakyan sa 'di kalayuan at nang laki agad ang mata ko ng maalala ko kung kanino 'yon.
"Ano'ng ginagawa niyang lalaking 'yan dito?" Tanong ko sa sarili ko. Dali-dali akong naglakad papunta ng kalsada para makasakay na ako sa jeep or taxi pero, bago pa ako makatuloy sa paglakad may bumuhat na sa 'kin.
Kairita!
"Hoy halimaw ibaba mo 'ko!" Sigaw ko habang hinahampas siya sa likod.
Gusto ko ng buhay na malaya hindi ko gusto mag ka-boyfriend na hearttrob pa!
"Shut up kid!" Iritado niyang sigaw.
I'm not a kid!
Binaba niya ako sa tapat ng sasakyan niya.
"Bakit ka ba nandito?" Pagtataray kong tanong.
"Sinusundo ko ang girlfriend ko, bilis sakay." Sabi niya at binuksan ang frontseat at tinulak ako papasok.
For your information Mr. Lee, Temporary girlfriend gosh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro