Kabanata 29
Meisha's Pov.
Kanina pa ako narito sa bahay ni Amy, isang buwan na rin kasi simula ng mamatay ang Mommy niya, yes. Hindi kinaya ni Tita.
Sabi nga nila, kapag oras mo na, oras mo na.
"Siguro kana ba?" Tanong ko. Tumungo siya.
"Kaya mo na ba?" Tanong ko ulit sa kan'ya. Dahil uuwi na kami ng pilipinas, si Amy lang naman talaga ang inantay ko para umuwi roon.
"Oo naman Meisha, hindi naman pwede mag-mukmok ako rito." Sagot niya, kaya tumungo nalang ako, saka kinuha ang maleta niya para madala sa sakyan namin na
Maghahatid sa 'min sa airport.
Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang umalis kami sa pilipinas graduate na kami sa panibagong schopl year, and both of us decided na sa pilipinas mag-take ng college.
"Kaya mo na siya harapin?" Tanong ko pero, hindi agad siya nakasagot.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "I don't know, takot pa rin akong harapin siya pero kailangan kong gawin 'to bago pa mahuli ang lahat." Ngumiti siya.
Hindi nalang ako nagtanong pa dahil kahit ako natatakot din. Dahil halos limang buwan ng walang parandam si Xander walang text, tawag, or chat.
"Ready?" Tanong sa 'min ni kuya Zavier. Dahil siya ang maghahatid sa 'min sa airport tumungo nalang kami. Bahagya ako nagtaka ng mga nakaraan araw na madalas pilit lang ang ngiti ni kuya sa mukha niya. Ano ba kasi talaga nangyari sa kanil— nevermind.
aka-jacket na, black mask, black jeans, at cap na black para ''di ako makit
"Kuya nasaan si Kuya Zayden?" Tanong ko dahil wala siya at ang sabi niya sasama siya sa paghatid pero, wala siya rito.
"I don't know little sis, baka kasama na naman niya ang asawa niya, maybe naroon sila sa bagong island nabinili niya, gusto na niya masolo Ate Ariella mo, busy kasi sa work kuya Zayden mo sa nagdaan na buwan." Sagot ni Kuya, kaya 'di nalang ako nagtanong pa ulit.
Natulog lang sa balikat ko si Amy buong byahe papuntang airport. Nang maibaba na kami ni Kuya sa airport ay hindi na siya bumaba dahil baka may makakita pa sa kan'ya.
Dahil nga sa bigla pag-punta nila kuya sa pilipinas at nalaman na Lim din sila ay mas naging mainit ang pangalan namin sa media, bawat lugar yata mau nakatagong camera.
Sumakay na kami ng private plane namin dahil nga may sarili kaming eroplano ay mas mapapadali ang byahe namin.
Nang makarating kami sa pilipinas ay dali-dali kaming sinundo ni Kuya Carlo, pinagtaka ko bakit hindi niya kasama si Ate Erika pero, hindi na ako nagtanong dahil gusto ko na rin magpahinga pagod pa rin ako, dahil nga pinagbili na ni Amy ang condo niya ay rito na muna siya titira sa bahay ko, sa mismong bahay ko hindi sa bahay nila Lola.
"Amy, sure ka ayos ka lang dito?" Tanong ko, dahil doon ko siya pinapatulog sa kwarto ko dapat eh, ayaw niya roon nalang daw siya sa guest room.
"Oo naman, ayos na ako rito," ngumiti siya at niyakap ako. "Salamat talaga, Meisha. Kung hindi dahil sa pamilya mo at lalo na sa 'yo 'di ko alam kung paano ako babangon, lalo na ang commpany namin napinaghirapan ng mga magulang ko.." Nakangiti niyang pasasalamat.
"Wala 'yun, Amy. Mabait sila Bába, 'wag ka mag-alala hindi papayag si Bába bumagsak ang company niyo." Nakangiti kong sabi. Sana maging masaya na ang babaeng 'to deserve niya maging masaya, malaman lahat ng pinagdaanan niya, parang gusto ko ibigay sa kaniya lahat-lahat maging masaya lang siya.
"Meisha, pupuntahan mo ba si Xander ngayon?" Bigla tanong niya. Napanguso ako.
"Hindi ko alam, hindi pa siya nagpaparandam sa 'kin." Sagot ko, kaya tumungo-tungo naman siya.
"Ganto, Meisha puntahan mo siya, baka naging busy lang siya sa mga nakaraan araw alam mo naman na 3rd years collage na 'yun this year." Wika niya, bumuntong hinga nalang ako.
"Ayos lang ba na rito ka muna?" Tanong ko agad naman siyang tumungo.
"Sige, alis muna ako." Ani ko saka naglakad papuntang garahe.
"Young Lady, saan po kayo pupunta?" Tanong sa 'kin ni Mr. Wang.
Dahil hindi pwede si Mr. Chen ang magbantay sa 'kin ay si Mr. Wang naging bantay ko palagi.
"Diyan lang, Mr. Wang, mabilis lang ako promise." Sabi ko saka sinuot ang black mask, cap, shades, at black jacket.
"Young Lady, samahan ko na po kayo." Aniya. Umiling agad ako.
"'Wag na po, mabilis lang naman po ako." Sagot ko saka sumakay sasakyan at pinaandar agad ito.
Habang nagmamaneho ay tinatawagan ko si Trisha gamit ang bago kong cellphone at sim.
"Hello?" Sagot niya.
"Trisha..."
"Meisha!" Sigaw niyang sabi, shit! Ang sakit sa tainga naka-bluetooth earphones ako.
"Ako nga. Nasaan ka?" Tanong ko habang matuloy pa rin sa pagmamaneho. Nineteenth years old na ako, agad ako pinapasok ni Bàba sa driving school kaya may license ako, kukuha pa lang ako ng license para rito sa pilipinas kasi rito na rin ako mag-stay for good.
Madilim na ang kalsada at kakaunti na rin ang mga sasakyan.
"Nandito ako kala ano... kala ivan?" Mukhang hindi siya sigurado sa sagot niya kaya bahagya ako nagtaka ng makarinig ako ng boses mula sa background niya mukhang alam ko na nasaan ang gaga.
Hay gagang 'to.
"Sino nasa bahay niyo?" Tanong ko habang ang mata ay nasadaan.
"Si Kuya at sila Mommy."
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala lang." Sagot ko dahil ayaw ko pang paalam nandito n akami pati nag-usap na kami ni amy na 'wag muna namin sabihin.
"Musta ka naman?" Biglang tanong niya.
"Ayos naman ako, tawagan nalang kita mamaya, lab you." Sabi ko bago pinatay ang tawag. Mas naging close kami ni Trisha nung nasa united states ako habang siya nasa korea, trip niya raw mag-korea kaya nasa korea ng halos kalahating taon.
Paliko pa lang ako sa village nila Xander. Dahil hindi kilala ang sasakyan ko ay kailanga ko pang bukasan ang bintana ko.
"Ma'am, sino po sila at sino pupuntahan niyo?" Tanong ni Manong Guard hinubad ko ang mask ko at shades ko at kita ko kung paano ng laki ang mata niy.
"Ma'am Meisha, ikaw pala, sige po pumasok na kayo."
"Salamat, Manong." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nang marating ko ang street nila ay kita ko agad ang mailaw na bahay nila ang ganda talaga.
Nag-park ako sa banda malayo at sinuot ulit ang mask at shades ko saka lumabas ng sasakyan ko.
Naglakad-lakad ako nang kaunti papunta sa may gate nila agad naman ako hinarang ni Mang ramon.
"Miss, saan ka?" Tanong niya.
"Mang ramon si Meisha 'to." Bulong kong sabi bahagya pa akong natawa.
"Paano mo naman nasabi na ikaw si Ma'am Meisha?" Tanong ni Mang Ramon kaya hinubad ko ang mask at shades ko.
"Ma'am Meisha, ikaw nga pasok kayo." Sabi ni Mang Ramon pero, bago ako tumuloy ay may binulong muna ako.
"Mang Ramon, 'wag niyo sasabihin kay Xander nandito." Utos ko, tumungo lang si Mang Ramonamon saka pinagbuksan ako ng gate.
Habang naglalakad ako ay nililibot ko ang mata, hanggang sa marating ko ang garden, mabilis ako napahinto sa paglalakad dahil sa nakita ko.
Nakaupo si Xander habang yakap niya ang babaeng naiyak. Hindi niya kapatid ito dahil si Trisha lang ang kapatid niya, mas lalong hindi si Tita ang kayakap niya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kaya ba hindi siya nagpaparandam ng ilang buwan dahil may bago na siya? I thought maghihintay siya? Pero, mukhang nagkamali ako.
'Di ko namalayan tumulo na ang luha sa aking mata at saktong pagtulo no'n ay saktong pagtingin ng dalawang mata ni Xander sa 'kin, kahit malayo nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
Dali-dali akong tumalikod at tumakbo rinig ko pangtinawag niya ako pero, 'di na ako lumingo dali-dali ko start ang sasakyan at minaneho nang mabilis.
Hindi ko drn siya masisi kung maghahanap siya ng iba dahil ako ang umalis at nang iwan ng walang paalam at kasalanan ko 'yun, kung nakahanap siya, habang wala ako.
Ang kasalanan niya lang ay nangako siya habang ako umasa naman may babalikan pa ako.
***
A/N: Last Kabanata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro