
Kabanata 26
Meisha's Pov.
Linggo na ngayon at nandito lang ako sa bahay at hinihintay ang pagdating nila Mama.
Natapos ang isang linggo at maganda naman ang nangyari, champion kami sa dance completion, champion din ang basketball, Soccer, tennis at badmenton. 2nd place naman ang volleyball, 3rd place table tennis, at swimming.
This week school fair ang ganap monday to wednesday ay pag-aayos ng mga booth at program ng mga SSG officer. Thursday to saturday ay doon na magaganap ang school fair.
Ganito pala sad'ya rito sa kanila, kung baga ang school fair nagiging free day nila after lumaban.
Kausap ko si Alexander kanina lang, nagulat nga ako bigla nalang siya tumawag at sabihin namiss na niya ako. Hindi ako sanay.
Parang ewan. Gano'n ba talaga kapag miss mo ang girlfriend mo? Need pa sabihin? I mean, hindi ba pwedeng sarilihin nalang?
Sinabi niya rin sa 'kin na prison booth, photo booth, food booth, math club and wedding booth lang mayroon.
Gabi ng dumating dito sila Mama, at tuwang-tuwa si Mama dahil sobrang namiss niya ako nang sobra, kahit naman ako namiss ko sila ng sobra pero, isa sa ayaw ko kay Mama ginagawa niya akong baby, kaunting kagat lang langgam bibili agad ng gamot kauting kagat ng lamot papa-check up agad.
Big girl na ako pero baby pa rin ako para sa kanila. Palibhasa kami nga mag-pipinsan princess lahat ng babae sa angkan namin.
***
Monday na ngayon at maaga ako gumising dahil na nangako ako kay Alexander na tutulong ako sa pag-aayos ng mga booths. Pero hindi agad ako naka-alis nang harangin ako ni Mama at sabihin magdala ako ng bodyguard. Sinabi ko sa kanila na walang nakakakilala sa 'kin.
Paglabas ko ng bahay kita ko agad-agad ang mga bodyguard ni Bàba mga nakasuot nang itim na uniform nila, lahat sila ay
30 plus. Pero mabilis ako napabaling ng makita ko ang mga camera nakatutpk sa bahay namin. Mabilis ko kinuha ang jacket ko sa bag pati na rin ang face mask at cap.
"Good morning, Young Lady." Sabay-sabay na bati sa 'kin ng mga guard saka nag-siyuko pa talaga.
Masyado ako nailang, dahil hindi na ako sanay na ginagalang ako. Mabilis ko inutos sa kanila na bantayan na mabuti ang mga media para hindi ako makita.
Para makalabas ako ng bahay nang hindi nakikita ng media ay tinawag ko si Mr.Chen saka ko pinabuksan sa kan'ya ang secret gate kung saan ang labas ay halos tapat na ng school ko.
Pag-pasok ko ng school ay kita ko na agad ang mga matang na katingin sa 'kin.
May nagawa ba ako?
"Good morning, Meisha. Mukhang ito na ang last na pasok mo dito sa LIS." Mataray na salubong sa 'kin ni amber na nakatayo malapit sa entrance ng gate.
"Ano na naman ang sinasabi mo?" Tanong ko, dahil ayaw ko nang away ngayon, maybe bukas.
"Well... Meisha, baka nakalimutan mo na ngayon araw na ito ay pinapapunta na ni Dean ang Mommy at Daddy mo, 'wag mong sabihin na nakalimutan mo?" Aniya, mabilis nanlaki ang mata ko. Shit, nakalimutan ko nga.
"Ms. Quizon, and Ms. Lim go to Dean office." Sabi sa 'min nung isang guro dahil pinapatawag na kami.
Never pa ako kinabahan sa buong buhay ko ngayon lang.
Mas kinakabahan pa yata ako ngayon kaysa nung tumakas ako.
Pag-pasok namin sa D.O ay kita ko agad 'yung mataray na Mommy ni Amber kasama na 'yung asawa yata.
"Good morning, Dean." Bati ko habang.
"Ms. Lim, sit down please." Utos ni Dean habang na katuro sa upuan na nasa harap ng Mommy ni Amber.
Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko nasa bag ko lang ang mga mata ko dahil bigla ako nakaramdam ng takot.
Hindi ako takot sa mga magulang ni Amber dahil alam kong mas mataray ako sa kan'ya, kundi takot para sa mga taong hindi alam ang tunay na ako.
Lalo na ang boyfriend ko.
"Ms. Lim nasaan na ang magulang mo?" Tanong sa'kin ni dean, iling lang ang naibigay ko.
"Call your parents now." Utos sa 'kin ni Dean kaya dali-dali kong kinuha ang phone at tinawagan si Kuya.
"Natatakot yatang humarap ang mga magulang mo Ms. Lim takot yata silang matagtag ang anak nila sa mamahalin na school." May pagmamalaking sabi ni Ms. Quizon pero hindi ko na pinansin 'yon.
"Hello Mei, bakit?" Tanong ni Kuya, bumungtong hininga muna ako bago magsalita.
"Gēgē, nasaan ka?" Tanong ko. Napalingon ako sa magulang ni Amber, mukhang napansin nila ang pagtawag ko sa kausap ko.
"Well, nandito lang naman kami sa sariling bahay mo. Inaayos ni Bàba ang house mo because it's madumi na raw then, hindi ko alam na kasama pala nila sila, Kuya." Sabi niya napangunot naman ang noo ko saka lumingon sa gawi nila Dean at nagpaalam na kakausapin ko lang ang kapatid ko saka ako lumabas.
"Ano ang ginagawa nila, Kuya rito?" Tanong ko dahil hindi ugali ng dalawang Kuya ko na umuwi rito, dahil nasa united states ang buhay ng mga ito. Pero marunong sila mag-tagalog kasi kung hindi lagot sila kay Mama.
"I don't know Mei, namiss yata ikaw nang iba mong pang Kuya." Pang-aasar pa ni kuya.
"Kuya... need ko ng help."
"Ano 'yun?" Tanong niya.
"Pinapatawag sila Mama at Bàba dito sa dean office."
"What?, ano'ng ginawa mo?" Agad niyang tanong.
"Kuya pumanta ka nalang ikaw rito."
"Okay, be ready, okay." Sabi nito bago binaba ang tawag.
"Ano'ng be ready sinasabi nito?" Taka kong tanong sa sarili.
Mabilis ko tinago ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko saka nag-
lakad ulit pabalik ng D.O
"Dean, papunta na po ."
"Okay Ms. Lim, you can go back to your room I'll call you again when your parents is here." Tumungo ako.
Apat kaming magkakapatid halos lahat kami ay hindi kilala, ang alam ng mga tao dalawa lang sadya kami magkapatid. Dahil si Kuya Zayden at Zavier ay iniba nila ang surname, parang pen name lang nila sa mga taong nakakasama nila para makagala sila at makalabas ng walang bodyguard, kaya ang alam ng media ay dalawa lang ang anak nila Bába dahil laging kami lang ni Kuya Carlo ang nasa bahay dahil gusto rin protektahan sila Kuya ay hindi sinabi ni Bába na may iba pa siyang anak pero kilala ang Kuya Zavier sa mundo ng business dahil may sarili ito business.
Si Kuya Zayden ay one of the most paid model. Kasamahan niya Si Maverick Francia, one of the most model sa buong mundo.
Pagkarating ko ng classroom ay agad akong yumakap kay Trisha. Busy pa rin sila Xander sa pag-aayos ng mga booth.
"Trisha..." Naiiyak kong sabi dahil hindi ko maindindihan ang mararandaman ko.
"Bakit?" Nag aalala niyang tanong. "Ngayon na yata ang tamang oras." Sabi ko saka yumakap nang mas mahigpit.
"Ano'ng tamang oras ang sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.
"Pupunta yata si Mama ngayon sa school." Mahina kong sabi. Nanlaki ng mata niya.
"Paano na 'yan?" Nag-aalala niyang tanong.
"Hindi ko rin alam pero, ang sabi sa 'kin ni Kuya be ready, hindi ko siya maintindihan." Sabi ko saka bumuntong hininga.
"Walangya pati ako kinakabahan para sa 'yo." Bulong din niya.
Dahil nga kinabahan na ako ay tumayo na ako at nagsimula maglakad nakahawak lang ang kamay ko kay Trisha habang palabas ng classroom nang lumabas na kami ng classroom doon ko lang nakita ang sobrang dami ng mga sasakyan. Umawang ang bibig ko dahil sa sobrang dami. Ano'ng meron?
Five na itim na van, three na ferrari red, blue, and orange at isang Bugatti La Voiture Noire.
Malakas akong bumuntong hininga ng makita ko agad ang bugatti la voiture noire. Alam na.
Naglakad na ako papuntang D.O kasama ko pa rin si Trisha dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Halos mapuno ng estudyante ang buong paligid ng school at dinig ko pa rin ang bulungan nila.
Nang nasa harap na kami ng D.O saka sabay-sabay nagbukas ang sasakyan unang bumukas ang mga itim na van at sunod-sunod lumabas ang mga bodyguard at pumaligid sa mga sasakyan.
"Mr. Chen..." Bulong kong sabi dahil siya ang unang lumabas sa sasakyan, at sigurado akong sila Mama at Bàba na ang laman no'n.
Sunod naman na bumukas ang sasakyan nila at lumabas sila si Bàba at Mama na mga pormal ang suot.
"Trisha...." Bulong ko sabi pero inutusan niya lang akong lumapit kila Mama.
Dahan-dahan ako naglakad
palapit kaila Mama, kita ko ang mga mata ng mga ka-schoolmate kong masunod sa paglalakad ko.
Dahan-dahan nag-siyuko ang mga bodyguard sa'kin.
"Young lady." Sabay-sabay nilang sabi ng makadaan ako saka lang lumakas ulit ang bulungan.
"Meisha...." Rinig kong tawag sa 'kin na mas kinatakot ko.
Tinignan ko lang ito saka nagpatuloy na lumapit kala Mama.
"Mama." Mahina kong sambit.
"Mei, bakit kami pinapatawag?" Tanong sa 'kin ni Bàba sabay haplos sa pisngi ko.
"Lil sis!" Sabay-sabay na sigaw nila Kuya.
"Lil sis?"
"What mga Kuya niya 'yan?!"
"Sino siya sa mga Lim?"
"Anak siya nila Mr. Lim?"
"Wala muna akong pakialam sa issue ni Meisha! Doon ako sa mga gwapong papa!" Sigaw nung isa.
Ilan lang 'yan sa mga bulong ng mga ka-schoolmate ko.
"Let's go." Yaya sa 'min ni Kuya Carlo kaya naglakad na kami papasok ng Dean office ng makapasok kami ay kita ko kung paano lumaki ang mga mata nila Mr. Quizon at Dean.
"Good morning, Dean." Nakangiti bati ni mama saka umupo sa harap nila Amber kita kita ko ang gulat sa mata ni Mr. Quizon at Amber.
Sunod na pusok sa D.O ay si Kuya ZAyden, Zavier, Carlo, at... Xander.
Si— Xander?!
"Good morning, Dean." Sabay+saby nilang bati.
Kitang-kita ko ang mga mata ni Xander na masamang nakatingin sa 'kin. Sorry.
"Dean, ano pong problema sa anak ko?" Tanong ni Bàba, marunong mag-tagalog si Bába dahil ilang taon din siya namalagi rito, all around naman siya.
"Kayo po ang parents ni Ms.Meisha?" Naguguluhan na tanong ni Dean.
"Yes, hindi ba obvious?" Mataray na patol ni Mama, actually sa kan'ya talaga ako nag-mana.
"Sorry... Mrs. Lim." Aligagang sagot ni Dean.
"So? What is the problem about my daughter?" Tanong ni Bàba.
"Mr. Lim, uhm... si Meisha po kasi ay nireklamo sa 'min," mahinahon na sabi ni dean
"Meisha, Zhè si shénme yisi?" Tanong sa 'kin ni Bába.
"Duibuyi, Bába."
"Then, what do you want Mrs. Quizon?" Nakataas na kilay na sabi ni Mama
"I want to expelled your daughter..." Mataray na sabi ni Mrs. Quizon.
"Expell? What th—?!" Inis na singhal ni Mama.
"Baby, 'wag ka magmumura." Pigil ni Bába kay mama.
"Honey, stop na please." Rinig ko pang aawat ni Mr.Quizon sa asawa.
"Mei, bakit mo sinaktan ang anak nila?" Tanong ni mama sa'kin gusto ko umirap pero naalala ko Nanay ko pala siya.
"Ma-" Iimik na dapat ulet ako ng bigla bumukas ang pinto.
"Ms. Lee." Ani Dean.
"Sorry, Dean but, I know the truth." Wika ni Trisha tumingin pa ito sa gawi ko at kumindat, napailing nalang ako.
"Ms. Lee?" Tanong ni dean.
"Check the CCTV, Dean." Tanging sagot ni Trisha.
"Jusko may cctv nga sabi tapos ayaw tignan lagi pa umaabot sa malaking gulo." Rinig kong bulong ni Trisha sa sarili.
Dali-dali naman check ni Dean ang CCTV. Pinanood nila Mama 'yun at kita ko ang mata ng Mama ni Amber na gulat at si Amber naman ay natatakot.
"Oh 'yang anak mo ang nanguna at ano pa ang pinagsasabi mo na anak ko ang dapat ma-expell?" Mataray na tanong ni Mama. Tumayo ang Daddy ni amber at laging gulat ko na lumuhod 'to sa harap ni Bába.
"Mr. Lim please, I'm really sorry what my daughter did, please don't take your shares to my company..." wika ng Daddy ni Amber.
Huh?
"Hon, tumayo ka diyan!" Sigaw ng Mommy ni Amber.
"Dean, I want to clean this mess, I'm so disappointed. Gusto ko man tagtagin ang mga shares ko sa school na 'to but, kaibigan ko ang may-ari nito kaya, papalagpasin ko 'to." Sabi ni Bàba saka lumabas ng office kaya sumunod na kami nila Mama at nila Kuya pero bago, ako lumabas ay kita ko ang mata ni Xander nakatingin sa 'kin, agad ako nag-iwas nang tingin.
Not now, please...
"Are you okay?" Sabay-sabay na tanong sa 'kin nila Kuya.
"Yes."
"Mei, we need to go na, be safe okay? Don't be scared to tell you are a Lim, because I will not keep this secret again, my family deserved a freedom."
"Ayos lang po, Bàba, kamusta mo si Nainai?"
"Okay lang siya." Sagot ni Bába tumungo naman ako.
Umalis na sila agad nang lingunin ko ang mga taong nasa paligid ko ay isang tao agad ang nakita ko.
Mapait akong ngumiti nang mabilis itong tumalikod mula sa gawi ko.
Alexander hintayin mo ako, magpapaliwanag ako sa'yo.
Pangako pero, hindi sa ngayon. I'm sorry, If I failed as a girlfriend...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro