Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Meisha's Pov.

Tahimik kami nakarating sa restaurant, tanging si Kuya at Alexander lang ang nag-uusap habang kami ni Ate Erika nakaupo lang at tahimik na kumakain.

"Love, excuse me." Paalam ni Ate Erika, bago mabilis na tumayo at naglakad na paalis, sinundan ko naman siya nang tingin hanggang sa makapasok siya sa Restroom.

"Restroom lang ako." Bulong na paalam ko kay Xander, tumungo lang ito hindi man lang ako nilingon.

Nang makarating ako ng restroom ay kita ko si Ate Erika nakatulala lang sa salamin.

"Meisha, bakit hindi mo sinabi na ikaw pala ang anak na babae Ni Mr Michael Lim?" Naka kunot ang noo tanong ni Ate Erika, hindi ko natuloy ang paglapit sa kaniya.

"Ate, alam mo?" Gulat kong tanong, sinabi ba sa kan'ya ni Kuya?

Tumungo siya. "Oo, kilala ko ang Kuya mo dahil anak siya ni Mr. Lim pero, bakit kayo narito sa pilipinas? 'Di ba dapat nasa US kayo?" Naguguluhan niyang tanong sa 'kin. Halos lahat ng tao ang alam ay nasa United States kami, pero ano magagawa nila gusto rin namin nang kalayaan, nang hindi nila nalalaman.

"Ate Erika, please 'wag mong ipagsasabi ang mga nalaman mo, it's not the right time for that."

Huminga ako nang malalim saka naglakas loob na naglakad palapit sa kan'ya at agad na hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harap niya. Nakita ko naman unti-unting lumaki ang mata nkya.

Geez! Meisha Ann Lim never beg to someone else!

"Meisha, tumayo ka nga d'yan!" Aligaga niyang sabi saka pilit ako tinayo.

"Bakit Meisha? Bakit ayaw niyo magpakilala ng Kuya mo? Kung ang ibang tao matutuwa at ipagyayabang sa mundo na mayaman sila, na maangat sila at isa sila sa pinaka mayaman, pero... Kayo? Nakatago kayo..."

Gusto ko sabihin sa kanya ang lahat nang dahilan namin pero, hindi ko magawa. Dahil masyado komplikado, lalo't na, nasa business world kami. Ang pamilya namin.

"Dahil... Ayaw namin makilala kami ng mga tao, gusto namin mabuhay nang maayos, ayaw naming magiging mabait sa amin ang bawat tao because of my family status. Alam mo ang buhay ng business world, Ate, lalo't na kapag sikat na tao ang pamilya mo alam na alam mo, Ate, na hindi kami tatantanan ng media."

Tumungo siya. "I understand now, ayaw niyo ng buhay na maraming tao nakakilala sa inyo right?" Tanong niya, tumungo ako.

"Alam ba ni Xander 'to?" Tanong niya ulit, kaya dahan-dahan akong umiling.

"Bakit ayaw mo sabihin?" Taka niyang tanong.

"Boyfriend  mo naman siya." Dagdag niya pa, habang nanatili sa mga mata niya ang pagtataka.

"Natatakot akong magalit siya sa 'kin, natatakot akong baka hindi niya ako tanggapin." Sagot ko. Totoo naman natatakot ako dahil nag-sinungaling ako sa kan'ya baka hindi na siya magtiwala sa 'kin, and also that way, pinakita ko lang sa kaniya na I don't trust him.

"Pero, Meisha. Bilang Ate mo at bilang girlfriend na rin ng Kuya mo, please sabihin mo kay Xander, mabait na bata si Xander at alam ko sa sarili ko na maiintindihan ka niya." Ngumiti siya pagkatapos sabihin 'yun pero, mas nagulat ako nang bigla niya ako yakapin.

Marami pa siyang sinabi sa 'kin pero, baka raw hinahanap na kami, nang bumalik kami ay nagtatawanan na si Kuya at Xander, animo'y daig pa ang matagal na magkaibigan.

Pagkatapos namin doon ay nag-aya na g umuwi si Ate Erika, ma-una na raw akong umuwi sabi ni Kuya kaya hinatid ako ni Xander.

Habang nasa byahe kami tuloy lang siya ng kwento tungkol sa pinag-usapan nila ni Kuya, hindi raw halata na isang simpleng empleyado si Kuya, dahil marami nalalaman si Kuya sa bagay-bagay halos ang nakakaalam ay mga matataas na tao.

Wala ako nagawa kundi makinig nalang, hindi ako interested sa business masyado.

Pero hindi mawala sa mga labi ko ang tuwa na close na agad sila.

Nang makarating sa bahay ay niyaya ko pa siya pumasok pero, 'wag na raw dahil gabi na rin binigyan niya nalang ako ng isang mainit na halik sa aking noo saka siya umalis.

Medyo kinilig ako doon kahit simpleng halik lang 'yun sa noo.

Lumipas ang halos isang buwan ay maayos ang kada araw na tumakbo.

Kada araw ay lagi kong na kadaldalan si Ate Erika naging malapit na rin si Trisha kay ate Erika dahil isa ito sa may alam kung sino talaga ako.

One time kasi nahuli ako ni Trisha na kausap si Mama, dahil wala na akong lusot umamin na ako. Akala ko magagalit siya sa 'kin pero, hindi. Sabi niya pa, matagal na raw niya halata sa 'kin na hindi ako basta-basta na may kaya lang sa buhay halata raw na rich kid ako. Sa paraan daw ng pag-gamit ko nang mga bagay-bagay at lalo't na raw ng mga gamit ko.

Sino ba naman daw kasi ang maniniwala poor ako pero 'yung mga damit ko even my perfume ay nasa 10k plus ang presyo, hindi ko naman kasi alam na alam niya ang mga brand na ginagamit ko.

Lumipas ang ilang linggo ay Sport Fest na ang pinagkaabahalahan ng karamihan sa school. Isang linggo ang Sport Fest at gaganapin. The first day ay sa Jackson International School, The second day naman sa Delemento University, The third day and, fourth day ay sa Wiltson International School, habang ang last day ay sa Lee international school.

Busy lahat dahil sa gaganapin Sport Fest pero, kaming mga dancer ay pahinga na dahil maaga pa kami bukas dahil Dance Competion muna bago magsimula ang sport fest.

Dahil busy ang lahat para sa gaganapin Sport Fest, halata sa mukha ng mga players na gustong-gusto nila manalo, and balita ko sa Sport History sa mga school na naglalaban kada taon ay Lee international School ang nangunguna kaya gano'n nalang kung maging seryoso ang bawat player.

Kami lang nila Trisha, Lian, Aira, and Xiana ang magkakasama the others are really busy because of there own life.

And my cousin is also the player of soccer team. Hindi ko nga alam paano siya nakapasok doon. Siguro gumamit siya ng money like he's older than me, three to four years like that!

"Boring ng life ko ngayon." Nakatihaya sambit ni Aira, actually lahat kami bored na at kanina pa kami tahimik na nakasalampak sa damuhan.

Mag-ce-cellphone nalang sana ako para hindi ako ma-bored nang bigla-bigla mag-ring ang Phone ko, at mas kinalaki ng mata ko ng si Mama ang makita kong tumatawag.

Mabilis ako lumingon sa mga kasama ko saka nagpaalam at dali-dali nagpunta sa likod ng building ng secondary.

"Hello."

"My cookie, uuwi kami ni Bába mo riyan sa pilipinas!" Excited pang sabi ni Mama, kaya mabilis ako napakunot ng noo.

Uuwi sila? Bakit?

"Huh? Mama, bakit kayo uuwi?" Kinakabahan kong tanong.

"Ayaw mo ba, cookie? Magiging sad si Mama." Nang lalambing ang boses ni Mama sabi.

"No, Mama hindi sa gano'n,  ang ibig sabihin ko bakit kayo uuwi? 'Di ba busy kayo r'yan ni Bába?" Tanong ko. Kapag kami ni mama ang nag-uusap ay tagalog ang ginagamit ko dahil nasa pilipinas daw ako.

"Cookie, basta gusto ka namin makita, gusto ko na rin bisitahin ang Lola at Lolo mo, sa school fair niyo ang uwi namin." Masayang sabi ni Mama.

"Shénme?"

"No chinese anak, please, Bába niyo lang marunong hindi ako." Saad ni mama kaya mabilis ako napailing, Oo nga pala.

"Ibig sabihin ko, Ma. How did you know about the school fair?" Tanong ko.

"Cookie, did you forget, Your Bába will sponsored for the program, and please alisin mo 'yung accent mo sa pag-imik ng Mama." Wika ni Mama, shit ngayon ko lang naalala na malaki ang binigay ng pamilya namin sa school na 'to.

"Mama, so pupunta kayo rito sa school?" Tanong ko.

"Of course, cookie, see you next month cookie, bye." Sabi ni Mama bago putulin ang linya.

Madalas niya ako tawagin cookie, and until now, I don't why.

Shit 'di pa ako handa kahit ang Dean hindi alam na anak ako nila Mama dahil sinabi ko ay sad'yang lim lang ang apelido ko at iniwan na ako nila Mama at Papa ko.

"No way.
." Mahina kong sabi.

"Meisha..." Tawag sa likod nakina gulat ko.

Mabilis akong lumingon.  "Zack... kanina kapa r'yan?" Tanong ko, tumungo lang siya.

"Meisha, tama ba ang narinig ko? Mama mo ang kausap mo? Pero, ang kwento mo may bagong family ang Mama mo at hindi mo na siya nakakausap pa...." Nagtataka niyang sabi. Hirap talaga kapag naging bobo ka minsan.

Bakit ba mali-mali ang kwento ko sa tao, kay Xander iniwan ako kay Zack may bagong family na si Mama.

Ano kaya reaction ng magulang ko kapag nalaman nila ang mga sinabi ko...

"Zack... Let me explain please..." Huminga ako na g malalim. "Yes si Mama ang kausap ko kanina at hindi talaga sila may sariling family, I'm sorry..."

"Then, sino ka ba talaga? Bakit takot na takot kang pumunta ang Maam and Papa mo rito?" Naguguluhan pa rin niyang tanong, kailangan ko ba sabihin ang totoo? Ito na ba kataposan ng kasinungalingan ko?

"Meisha, narinig ko ang lahat, sponsors ang Papa mo rito, ibig sabihin. Mayaman kayo pero ang kwento mo sa 'min ay mahirap lang kayo na scholar ka lang." Saad niya. "Sino kaba talaga?"

"Please, Zack 'wag mo ipagsasabi ito secret lang natin 'to." Sabi ko, may secret nga kayo, 'di ko naman pinagsabi.

"I know I lied, but my real name is Meisha Ann Lim." Deretsyo kong sabi.

"Then?" Taka niya sambit.

"My name is beautiful, is it? And is just nothing kung wala akong tinatagong sekreto sa buhay ko. Yes I'm rich, I'm not a scholar. Actually I can buy this school. I'm a bitch, I'm not a bait because I'm a bad girl not really bad naman, a spoiled brat like that. So you really want to know who I am?" Nakataas ang kilay ko tanong, he wants to know who real I am then, let me introduce to you the bitch meisha you didn't know.

"Yes...." Simple niya sagot, ngumiti naman ako.

"Then..."

"Hi let me introduce myself, I'm Meisha Ann Cortez. Lim, the only daughter of Michael Lim also know as, one of the crazy rich asian in histroy, so nice to meet you, Zack..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro