Kabanata 22
Meisha's Pov.
Napaaga ang pagpasok ko dahil gusto ko nga makausap si Xander. Gusto ko na makipagbati sa kan'ya kung hindi ko siya uunahan makipagbati. Baka abutin kami ng new year.
Pataas ng pride ang nangyayari eh.
I'm wearing my black gucci belt, meanwhile my top is also from gucci oversize shirt, mini double G sandals, and mini skirt, I'm also holding my Ophidia GG small bag. Since always excuse ako and I have a dahilan kaya! Nasira kasi 'yung washer sa bahay so wala akong choice kundi mag-ordinary nalang.
Pagdaan ko sa parking lot wala pa ang sasakyan niya kaya pumunta muna ako sa locker room at nilagay roon ang gamit ko.
Pasado seven na ng umaga ay wala pa rin ang sasakyan ang niya. Maya-maya ay sasakyan ni Ivan ang dumating at niluwa no'n si Trisha.
"Hi, Meisha."
"Hi." Bati ko.
"Meisha, bakit ka nandito?" Tanong niya.
"Nasaan, Kuya mo?" Tanong ko agad, dahil gusto ko na talaga makipagbati. Hindi na naman kami bata para patagalin pa ang away and hello, we're in relationships.
"Hindi pa ba kayo bati?" Tanong niya, kaya umiling lang ako.
"Kaya pala hindi niya sinabi sa 'yo, hindi papasok si Kuya nasa bahay, may lagnat." Pagpapaliwang ni trisha mabilis nanlaki ang mata ko at hindi na nag-paalam sa kan'ya at dali-dali akong pumunta sa locker at kinuha ang gamit ko at umalis ng school. Buti nalang sinabi ko kay guard na may emergency red ako kaya need ko umuwi.
Pagkadating ko sa bahay nila dahil kilala naman ako ng mga tao roon ay pinapasok agad nila ako.
"Manang, si altexander po?" Tanong ko kay Manang nang magpunta ako sa kusina.
"Nako iha, ayon nasa taas ayaw uminom ng gamot." Sagot ni manang.
"Uhm...anang akin na po ang gamot, kumain na po ba siya?"
"Kumain na iha ayaw lang sad'ya uminom ng gamot." Tumungo ako.
Kinuha ko ang gamot at tubig at saka pumunta sa kwarto niya, kumatok muna ako.
"What?! I told you, ayoko!" Sigaw niya. Hindi ko siya pinaringan at umirap nalang saka binuksan ang pinto, mukhang gulat siya dahil ako ang pumasok.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot at pinatong sa side table ang gamit at tubig saka ko siya hinawakan sa noo.
Sobrang init. Sa sobrang init pwede na magluto ng itlog.
"Bakit ayaw mo uminom ng gamot?" Tanong ko.
"Ayaw ko ng gamot." Tanging sagot niya, umirap naman ako.
Kinuha ko ang gamot at tubig at inabot sa kan'ya pero tinitigan niya lang iyon.
"Galit ka pa ba?" Tanong ko.
"Hindi na."
"Inom."
"No."
"Uminom ka ng gamot paano ka gagaling?" Wika ko, umiling lang siya.
"Xander, kailangan mo uminom ng gamot." Pamimilit ko, pero umiling lang ulit siya.
"Kapag hindi ka uminom ng gamot hindi ka makakapunta sa dinner natin bukas." Aniya ko, dali-dali naman siya umayos ng upo at tumitig sa 'kin.
"Dinner?"
"Yeah... Dinner. gusto ni Kuya makilala ka paano ka niya makikila kung may sakit ka." Nang-aasar kong sabi.
Pero hindi ko inaasahan ang gagawin niya dali-dali niyang kinuha ang gamot at ininom ito.
"Done."
"Very good." Nakangiti kong sabi.
"Gusto ko matulog." Malambing niyang sabi.
"Sige matulog kana." Sabi ko akmang aalis na ako ng hilahin niya ako pahiga sa kama.
"Xander, ano ba!" Inis kong singhal baka may makakita sa 'min isipin pa kung ano ginagawa namin.
"Tulog na tayo, inantok ako." Parang bata niyang sabi sabay yakap sa 'kin.
"Ikaw nalang matulog!" Sigaw ko, sabay tulak sa kan'ya pero mahigpit ang pagkakayakap niya kaya pinabayan ko nalang siya mukhang malaki naman ang respeto niya sa 'kin at wala siyang gagawin, maya-maya lang ay nakaramdam na rin ako ng antok at tuluyan nakatulog .
Naalimpongatan ako namg maramdaman kong wala na akong tabi. Napahaba yata tulog ko tinignan ko ang orasan sa tabi ng kama three pm na, gano'n na ako katagal na tulog?.
Mabilis ako lumingon sa pinto nang bumukas 'yun.
"Gising kana pala." Sabi niya at ngumiti saka na upo sa tabi ko. Ay
"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Medyo inis kong tanong.
"Masarap tulog mo, ayaw kita gisingin." Nakangiti nitong sagot.
"Magaling kana?" Tanong ko.
"Yeah, magaling nag-alaga sa 'kin." Pang-bobola niya.
Inalagan ko ba siya?, pinainom ko lang naman siya ng gamot.
Niyaya niya akong kumain sa baba dahil hindi pa ako kumain.
Pasado na nang gabi ng makauwi ako sa bahay pag dating ko roon ay si Lolo at Lola lang ang nakita ko mukhang hindi umuwi si Kuya.
"Magandang gabi po Lolo't Lola." Pagbati ko sabay mano parehas sa kanila.
"Magandang gabi rin apo, kumain kana ba?" Tanong sa 'kin ni Lola kaya agad akong tumungo. Ten na ng gabi nang matapos ko lahat ng homework ko at saka ako naglinis ng katawan at nahiga sa kama. Akmang matutulog na ako ng bigla tumunog ang cellphone ko.
Halos lunukin ko ang sariling laway ng makita ko kung sino ang tumatawag. Minsan lang tumawag si mama sa 'kin simula nang hindi ko sagutin lagi ang tawag niya.
"Mama..." Kinakabahan ko sagot.
"My god, Meisha mabuti sinagot mo rin ang tawag ko." Kung nasa harap ko siya, nakikita kong umiirap siya.
"Sorry, Mama natatakot kasi akong pauwi niyo ko." Mahinahon kong sabi.
"My cookie, hindi mo naman kailangan tumakas..."
Wika ni Mama bumuntong hininga lang ako.
"My cookie, umuwi ka rito ha? Kapag katapos mo highschool, okay?"
"Ma..." Alanganin kong sabi, parang ayoko na umuwi. Ayoko na umuwi sa kung saan talaga ako nakatira, ayoko na balikan 'yung buhay na meron ako noon. Mas gusto ko 'yung buhay ko ngayon.
Dahil ibang-iba ako ngayon kaysa sa buhay ko noon sa United States.
"Yes cookie, may problema ba?" Tanong ni Mama.
"Pwede po bang saka na ako umuwi diyan?"
"Cookie, hindi pwede nangako ka sa Bába mo na uuwi ka rito, babalik ka naman diyan sa pilipinas dahil diyan mo gusto mag-college kaya pinayagan ka ng Bába mo, pati ikaw ang nangako sa Bába mo kaya 'wag mo sana sirain ang tiwala ng Bába mo," Paliwanag ni Mama.
"Sige na anak matulog kana love you, miss na kita my cookie." Malambing na sabi ni Mama.
"Sige Mama, I love you too, miss ko na rin po kayo." Sabi ko saka binaba ang linya.
****
A/N:
Hindi natulog si Alexander sa tabi ni Meisha, pagkatulog ni Meisha lumipat siya sa kwarto ni Trisha at doon natulog, alam kasi ni Alexander ang limits niya kahit boyfriend na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro