Kabanata 21
Meisha's Pov.
Para kami mga lantang gulay na nakaupo sa cafeteria ngayon at iniisip kung paano kami kakausapin ng mga lalaking 'yon.
Bahala sila, basta ako kung ayaw ako kausapin ni Xander. Eh 'di 'wag! Duh mas mahal pa rin ang Gucci na bag ko kaysa sa pride niya.
Geez. I wanna go to the mall right now, I'm so stressed, I need new shoes and a bags.
"Ano'ng balak natin?" Tanong ni Lian, dahil sa totoo lang talaga siya ang pinaka nakakaawa.
"Hindi ko rin alam, napaka pabebe naman kasi nila." Singhal naman ni Trisha totoo naman napaka pabebe nila nakakainis. Daig pa kaming mga babae.
"Buti pa 'to si Amy at Jexiana walang problema."
"Hoy napagalita ako ni Kuya, grounded ako kay Mommy." Si Xiana saka ngumuso. Sa totoo nga naman mas nakakatakot ang Kuya kaysa sa jowa.
"Hey, hindi ako kinakausap ni Cyrill." Ani naman ni Amy. Umiling naman ako, kailan pa ba kayo nag-usap eh, sad'ya na naman hindi siya kinakausap ni Cyrill.
Kumain nalang kami saka nagkaniya-kaniya kami ni Trisha ay sa Dance room, si Lian ay sa Music room kasama si Xiana, at si Amy sa volleyball court si Aira sa room siya dahil wala pa naman silang meeting abouf journalism.
"Hi, Coach." Bati ko.
"Hi, Ms. Lim be ready dadating na ang trainer niyo." Sabi ni Coach kaya tumungo-tungo lang kami. Makalipas ang fifth-teen minutes ay may pumasok na Dalawang tao isang babae at isang lalaki pero mukhang bakla 'yung lalaki.
"Hi, Coach." Bati nung babae kay Coach maganda at siya matangkad.
"Students, this is Ms. Erika Villanueva." Turo ni Coach doon sa babaeng maganda, siguro mga ka-edad din ni Kuya.
"Hello." Bati niya sa 'min ang cute niya rin.
"Hi Ms. Erika, Good afternoon." Sabay-sabay naming bati.
"This is Mr. Ben." Turo naman ni Coach doon sa lalaki.
"Bendice nalang."
"Good afternoon, Sir Benedice."
"So let's start?" Tanong ni Ms. Erika.
"Sige na Ms. Erika, ikaw na bahala sa kanila." Sabi ni Coach.
"Coach naman, 'wag na Ms. kala mo naman 'di mo nahawakan ako rati bilang isa sa mga dancer niyo." Natawang sabi ni Ate Erika.
"Sige na, Erika kaya ikaw kinuha ko dahil alam kong matutulungan mo kami at magaling ka." Ani Coach saka tinapik-tapik ang balikat ni Ate Erika.
"Sige, Coach. Bakla halika rito." Tawag niya kay Benedice.
"Yes, Sister."
"Ituro mo sa kanila ang position at kung ano ang iba pa pero, before that warm-up muna." Utos ni Ate Erika kaya tumungo lang si Ben.
KPOP ang sasayawin namin kaya tinuro sa 'min kung saan kami poposition mahigit isa't kalahating oras kami nag-practice saka nag-break.
"Kapagod..." Hinihingal na sabi ni Trisha saka kumuha ng tubig at inabot sa 'kin.
"Oo nga." Sabi ko saka nilagok ang tubig.
Pagkatapos ng Fifthteen minutes break ay bumalik na sa practice, dahil Kpop ang theme namin dapat maayos at mahusay ang bawat gaalaw.
Gabi na nang matapos kami mag-practice kaya sabay na kami umuwi ni Trisha.
Niyaya niya ako na ihahatid na niya ako kaso 'di ako pumayag dahil malapit lapit lang naman dito ang bahay namin.
Habang naglalakad ako ramdam kong may sumusunod sa 'kin at alam ko kung sino 'yun wala ba talaga silang tiwala sa 'kin?
Tumuloy-tuloy ako sa paglalakad, pagtitingin ako sa likod ko ay nawawala bigla 'yung nasunod sa 'kin kaya namg nainis na talaga ako ay umimik na ako.
"Mr. Chen!" Sigaw ko, nakita ko naman kung paano siya nataranta.
"Madam." Bati niya sa akin sabay yuko pero pinigilan ko agad siya.
"Bakit mo 'ko sinusundan? Sino nag-utos sa 'yo?" Tanong ko.
"Madam, si Mrs. Lim po, dahil hindi niyo raw po sila kino-contact kaya pinadala nila ako rito para sundan kayo, pasensya na kayo, Madam." Paghingi niya nang paumanhin.
"Mr. Chen, bumalik ka na roon at pasabi nalang kanila Mama na babalik din ako roon pero, hindi sa ngayon saka 'wag mo sabihin ang mga nakita mo." Pag-uutos ko kaya tumongo lang ito.
"Madam, ihatid ko na kayo." Sabi niya sa 'kin pero umiling ako.
"'Wag na," putol ko sa kan'ya.
"Sige na Mr. Chen hindi alam ng tao rito kung sino ba talaga ako kaya, sige na umalia kana." Sabi ko kaya yumuko na siya para paghingi nang paumanhin.
Nang marating ko ang bahay at nakita kong may sasakyan na ka-park sa labas kaya pumasok na ako pagkakita ko ay nando'n sila Kuya Carlo at Tita bea kasama ang kanyang asawa at ang anak nila.
"Good evening, Tito at Tita." Pagbati ko saka humalik sa pisngi ni Kuya, Lolo, at Lola.
"Ginabi ka yata, iha." Ani Lola.
"Ginabi po kasi ng practice." Sagot ko bago ako naupo sa tabi ni Kuya.
"Meisha iha, kamusta ka?" Tanong agad sa 'kin ni tita.
"Ayos lang po tita, kayo po? Tsaka bakit po pala napa dalaw kayo?" Tanong ko dahil ang alam ko ay nasa amerika sila.
"Wala lang iha, kinakamusta ka lang. Oo nga pala may mga regalo ako sa 'yo nasa kwarto mo na babalik din kami bukas sa amerika dinalaw ko lang sad'ya kayo." Paliwanag ni tita kaya tumungo nalang ako.
Nakipagkwentuhan lang si Tita at Tito kay Kuya tungkol sa business dahil hindi ako interesado ay nakipaglaro nalang ako sa Dalawa kong pinsan. Kambal sila si Jenny at Erold.
Nang matapos makipagkwentuhan at makakain ng hapunan ay nagpaalam na rin silang aalis na sila.
Pagkatapos namin magligpit sa kusina ay nagpaalam na sila Lolo at Lola na matutulog na kaya kami nalang ni Kuya ang natira.
"Meisha." Pagtawag niya sa 'kin kaya umupo ako sa tabi niya.
"Bakit, Kuya?" Tanong ko dahil dapat ay gagawa na ako ng assignment ko.
"May problema ka ba?" Tanong niya siguro nahalata niya kanina wala ako sa mood dahil madaldal ako kapag si Tita ang kausap ko.
"Si Mama kasi, pinadala rito si Mr. Chen." Hindi ko mapigilan ang hindi mainis.
"Dahil nga gusto malaman nila Mama na ayos ka lang pati 'di mo kasi sila tinatawagan."
"Oo na,"
"Kuya, tuloy ba tayo sa Wednesday?" Tanong ko.
"Oo, sunduin ko nalang ikaw sa school. Dinner tayo sa labas." Sabi ni Kuya kaya tumungo lang nalang.
Nag-usap lang kami nang kaunti saka ako nagpaalam na pupunta na sa kwarto ko pagdating ko sa kwarto ay nakita ko ang mahigit sa ten paper bags na puro mamahalin ang laman dahil nga ayaw kong makahalata ang tao ay hindi ko ginagamit ang mamahalin gamit ko bumili lang ako ng mura sa mall.
Hindi ko nga maintindihan ang mga classmates ko one time, kasi nakita nila ang pen na gamit ko, and all of them look so shocked, they are keep asking me if poor ba talaga ako, I always answer yes, duh.
Ano ba kasing mali sa Parker Duofold Centennial Prestige Blue Chevron Fountain Pen? Hindi ko naman ginagamit basta 'yun, sabi ni Bába rare and mahal ang pen na 'yun, but I don't care still cheap for me, I think nasa 30k something lang din siya. I don't know hindi ko naman kasi chine-check price nila. And also minsan ko lang ginagamit if no choice na.
But my daily using pen is Montblanc Meisterstuck, so cheap din kasi.
Binuksan ko ang laptop ko para gawin 'yung Power point na ipapasa ko bukas kay Ma'am. Dahil excuse naman ako gumawa nalang ako ng Power point.
Pagkatapos ko mag-ayos saka ako nahiga sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ko maiwasan magtanong.
Bakit ba ang hirap mabuhay, kung gano'n ang gusto ko lang naman ay kalayaan.
Mayaman kami pero hindi ako malaya, kung iyong iba gusto maging mayaman dahil nabibili nila gust nila, meanwhile ako. Hindi pala masaya maging mayaman na walang freedom.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro