Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

Meisha's Pov.

"Mga boyfriend niyo." Agad nanlaki ang mata ko nang bumulong sa 'kin si Xiana, stress pa ako sa mga pinsan ko. Pati ba naman mga boyfriend namin.

"Where!?" Tanong ko, nginuso niya lang ang pinto ng bar at kaya dali-dali akong lumingon doon and, she's not joking. Oh no...

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Inis kong singhal sa kan'ya.

"Aba'y ewan ko, pagkatingin ko nando'n na sila, lagot tayo nito."

"Lagot talaga tayo..." Kinakabahan kong sabi, saka lihim na napalunok.

Tumayo agad ako at pinuntahan si Trisha.

"Trisha."

"Yes?" Tanong niya at halatang lasing na dahil hindi na siya makatingin nang deretsyo sa 'kin.

"Mga boyfriend natin nandito."

"Huh? Si Zack?" Tanong niya, kumunot naman ng noo ko.

"Anong Zack?"

"Trisha, ano'ng gagawin natin?"

Dahil kinakabahan talaga ako, siya ang una kong boyfriend at ayaw kong magalit agad siya sa akin. lalo't na napinagbawalan niya na ako. He's not possessive, he's just protecting me lalo na I'm not totally in legal age.

"Babe." Boses ni Alexander iyon.

"Hi Oppa." Bati ni Trisha habang pasuray-suray na tumayo.

"Sumunod kayo sa 'min." Malamig na utos ni Ethan, kaya nakayuko nalang kami naglakad lahat pumunta kami sa parking lot.

"Sakay."

Sumakay nalang ako at hindi umimik.

Habang nasa byahe kami walang ingay, hanggang sa makarating kami sa isang lugar pero, alam kong wala na kami sa batangas pero hindi ko alam kung kaninong bahay 'to. Nilibot ko agad ang paningin ko .

Two story at puti ang pintura ng bahay malaki rin, nakita kong kinuha ni Ivan ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto.

Pagkapasok namin ay nagdikit-dikit kami nila Lian sa isang sofa.

"Sino nag-plano sa inyo na uminom at umalis?" Si Lyroy, hindi halatang boyfriend namin sila para silang kuyang pinapagalitan ang kapatid.

Walang umimik sa'min dahil hindi namin alam, kung sasabihin namin si trisha. Last time sinabi namin na si trisha ang nag-yaya kahit pumayag kami.

"Who?" Si Alexander.

"Opaa, ako..." Sagot ni Trisha, lahat naman kami ay napalingon sa kan'ya, bakit siya umamin?

"Ikaw na naman trisha?!" Galit na sigaw ni Xander.

"Bakit ba ang pasaway niyo?!" Si Ivan.

"Kuya!" Sigaw naman ni Xiana, habang kami naman nila Amy at Lian ay tahimik lang nakayuko.

"Manahimik ka, Jexiana. Umakyat nakayo sa taas at bukas na tayo mag-usap." Utos ni Ivan saka sila sabay-sabay lumabas.

Umakyat nalang kaming lahat at nag-punta sa isang kwartong malaki may three king size bed.

"Trisha, mukhang galit na galit sila sa atin." Halata ang inis sa tono ni Lian,para bang sinisisi niya si Trisha. Kahit ako naman pero, wala naman kami magagawa dahil pumayag din naman kami so, in short kasalanan nang lahat.

Nakaligo na kaming lahat, may nagdala ng damit dito at pantulog 'yon binigay sa 'min nung katulong tinanong namin kung saan galing pinabili nila, Xander.

Nakahiga na kami sa kama at tulog na silang lahat ako ito at gising pa, dahil may iniisip ako kung paano ko lalambingin ang isang 'yun.

Nakatulugan ko ang pag-iisip dahil din sa pagod nagising ako pasado eight am na ng umaga.

"Patay, lunes ngayon!" Inis kong sigaw.

"Trisha, gising."

"Why?" Tanong niya sabay upo sa kama.

"May pasok pa tayo ngayon." Inis kong singhal.

"Mamayang hapon pa practice natin tapos excuse na tayo sa umaga." Walang gana nitong sabi.

Ginising ko nalang silang lahat at bumaba na kami pagkababa namin nakita namin ang mga lalaking na sa dinning area na.

"Good morning." Mahina namin bati saka naupo sa tabi nila,

Nag-almusal lang kami at nag-usap, si Trisha ang pinagalitan nila dahil ito raw ang nagpasimuno pero hindi pa rin ako pinapansin ni Xander hanggang sa mahatid niya ako sa bahay saka lang siya umimik at sinabing susunduin nalang niya ako mamayang 12:30 PM dahil may practice pa kami.

Pagkapasok ko sa bahay laking gulat ko nando'n si Kuya

"Gēgē..." Mahina kong sabi. Pero nakatingin lang siya sasakyan ni Xander na umalis na.

"Sino 'yon?! Tanong niya at halata sa tono ang inis.

"Si A-Alexander..." Nauutal kong sabi at nakagat ko ang pang-iiba kong labi dahil sa kaba.

"And?"

"Gēgē, Boyfriend ko si Xander."

"Shénme?!"

"Gēgē naman..." Parang bata kong sabi, saka ngumuso.

"Meisha! Bàba will mad at you!" Sigaw sa 'kin ni Kuya, napayuko naman ako.

"Sasabihin ko naman din kela Mama, pero saka na."

"At kailan 'yun?" Tanong ni Kuya saka ako tinignan.

"Kapag, nakauwi na ako roon." Sabi ko saka naglakad sa sofa.

"Meisha iiwan mo siya rito sa pinas, makakapaghintay ba 'yan sa 'yo?" Tanong sa 'kin ni kuya saka naupo sa tabi ko.

"Ewan ko, Kuya pero, sigurado akong mahal ako ni Xander at maiintindihan niya ako." Sagot ko.

"Sige, Meisha papayagan kita sa gusto mo, basta ipakilala mo siya sa 'kin." Sabi ni kuya nakinagulat ko.

"Kagad-agad?"

"Bakit hindi?" Nagtaas soha nang kilay. "Tsaka, para makilala mo rin ang girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi.

"Gēgē, may girlfriend ka?"

I'm so shocked! I thought my brother don't like women. I mean something fishy kasi about him.

"Ano'ng tingin mo sa 'kin?, pogi ang kuya mo bakit ako hindi magkaka-girlfriend." Umirap siya. "Sa miyerkoles yayain mo siya ng dinner, sige na aalis muna ako." Sabi ni kuya saka ako hinalikan sa noo at naglakad palabas.

Agad? Ipapakilala ko si Xander kay Kuya at paano ko yayain 'yun eh mukhang galit pa sa 'kin...

Naligo ako at saka naghanda nang susuotin pero pasado twelve ay nasa labas na agad si Xander kaya dali-dali akong bumaba.

Pinagbuksan inya lang ako nang pinto at saka sinara 'yun at umikot para sumakay na rin.

"Xander, galit ka pa ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Uy sorry na nga. Si Trisha naman nag-yaya no'n eh." Para bata kong sabi saka ko kinagat ang labi ko. 'Di talaga niya ako kakausapin?! Naiinis na ako.

"Wo hèn ni!" Sigaw ko, at hindi na siya kinulit.

Dahil inis na inis na ako pasalampak nalang akong sumandal.

Bahala siya kung ayaw niya ako kausapin sasabihin ko nalang kay Kuya may ginagawa si Xander.

Pagkadating sa school ay hindi ko nahinantay na pagbuksan niya ako ng pinto dahil ako na kusang lumabas at padabog na sinara 'yun tinawag niya ako pero 'di ko siya nilingon tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang room.

"Meisha!" Sigaw natawag sa 'kin ni trisha pero 'di ko 'to pinansin dahil naiinis talaga ako

Bahala siya kung ayaw niya ako kausapin.

Ginala ko 'yung paningin ko kita ko ang mukha ni Mj naka simangot at nakatingin sa kan'yang harapan kaya sinundan ko nang tingin 'yun at laking gulat ko sino nakita ko alam ko na kung bakit nakasimangot 'to.

Kita ko sa unahan niya ay nando'n si xiana nakaupo at nasa tabi niya si Teddy, nangunot ang noo ko.

"Ano'ng ginagawa ni Ted dito?"

"Meisha, nandito siya lumipat siya dahil kay Jexiana, nabalitan ko Lim siya, as in mayamang like like duh, hindi mahirap sa kanila ang mapalipat agad ng school." Bulong nitong katabi ko.

"Huh?" Gulat kong tanong. Mas matanda sa 'min si teddy ng ilang taon, paano siya nakapasok sa grade level namin, isusumbong ko siya kay Tita!

Gumastos ng pera para lumandi, I can't.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro