Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Meisha's Pov.

Narito kami ngayon sa court at nagpapalista na kami tatawagin nalang kapag sasayaw na. Weird pala ang pag-audition sa school na 'to, or sad'yang hindi ako sanay? Last time I check almost four years na akong home school, nung bata lang ako nag-school and nakaranas ng cheerleader.

Med'yo weird 'yung tingin sa 'kin ng ibang student kaya weird ko rin silang tinignan.

"Trisha, ikaw ba ang leader ng dance group dito?" Tanong ko kasi pansin ko na madalas siya batiin ng mga nag-audition.

"Oo, ako ang leader ng LIS group pero, pag-dating sa cheerleader si Zarina ang leader kasi ganto 'yan, ang dance group ay sa mga sayawan, halata naman, tapos ang cheerlearder ay para naman sa labanan kapag sa sports or whatever kaya dalawa bali ang sasalihan." Paliwanag niya tumango-tango naman ako.

"Dalawa sad'yang ganto sa school na 'to."

"Oo meisha pero, sabi mo cheerleader ka before, kaya makakaya mo 'yan tara na sa loob baka magsisimula na sila." Sabi niya bago ako hinila papasok sa kwarto.

"Trisha doon ka sa chair sa tabi ni Zarina." Sabi nung babaeng matanda saka itinuro ang upuan doon sa tabi ni Zarina.

"Meisha doon na muna ako, 'yun si Zarina 'yung magiging katabi ko." Itinuro pa niya ito kaya tumungo nalang ako, masama ang tingin sa 'kin nung babae ewan ko kung bakit,

I know na maganda ako duh.

"Sige."

Mabilis lang naman natapos ang audition, marami ang napili marami rin ang hindi, pero isa ako sa napili.

"Meisha, tara na sa gym mag-pa-practice na ngayon," Yaya niya kaya bahagya ako nagtaka. Agad-agad? Why?

"Pero, tungkol muna sa cheering kasi wala pang date kung kailan ang dance competion eh, kung med'yo naguguluhan ka, parehas tayo na cheerleader and also a dancer, basta gano'n." Pagpapaliwanag niya tumungo lang naman ako.

"Next months kasi ang start na mag-practice ang mga player, pati na rin tayo kasi pag-dating ng november simula na ang sports fest kaya, kailangan natin manalo bilang best cheerleader." Mahaba niyang sabi hindi naman ako umimik dahil nakinig nalang ako sa mga sinabi niya.

Ibang-iba ang sistema ng pag-aaral dito at ang pag-aaral sa ibang bansa.

"Uy!" Sigaw niya sabay hampas nang mahina sa'kin kaya na patigil ako sa pag-iisip.

"Bakit?" Taka kong tanong at tumigil sa paglalakad at tumingin sa kan'ya habang naman siya ay mahinang umiling.

"Nakikinig ka ba?" May inis niyang tanong kaya agad akong na alarma.

"Sorry, may iniisip lang." Pag-hingi ko nang paumanhin narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

Magsasalita na dapat siya pero, agad ko na siyang inunahan.

"Trisha, una muna ako may pupuntahan lang ako" Pagpapaalam ko.

"Meisha samahan nalang kita." Aniya pero agad naman akong umiling.

"'Wag na." Tangi ko. Aangal pa dapat siya pero bigla tumunog ang cellphone niya.

"Hello... kuya... yes.... saan? Why?... sige... punta na ako? Oo na pupunta... na... bye..." Pakiki pag-usap niya sa cellphone saka pinatay ang tawag.

"Sige meisha, kita nalang tayo sa gym pinapatawag kasi ako." Inis niyang sabi sabay kamot sa ulo tangi tungo lang ang na i-sagot ko bago siya tumakbo paalis.

Pagkaalis niya ay agad ako nagpunta sa locker Room.

Habang nasa locker ako at nag papalit ng damit bigla tumunog ang cellphone ko.

Unknown number:

I told you to call me right? Do you know who you are fighting against? Even if you hide, you will not be able to escape, remember that.

Huh?

"Bahala siya, baka na wrong sent lang." Sabi ko sa sarili bago lumabas ng locker room at dumeretsyo sa gym.

Pag-dating ko ng gym nando'n na lahat pati si Trisha.

"Buti naman Nakapagpalit ka agad." Salubong agad sa 'kin ni Trisha saka palihim na umiirap kaya nagtaka agad ako.

Sinabi kasi sa 'min kanina magpalit kami ng damit sport bra at shorts dapat ang suot namin, dapat masanay na raw kami sa ganto.

"Guys, let's start na!" Sigaw ni Zarina at maarte na naglakad sa gitna, kita ko naman na lihim na umirap si trisha, kaya alam ko na ang dahilan kung bakit kanina pa siya na irap.

Sabay-sabay kami naglakad papuntang gitna si trisha naman ay naglakad sa tabi ni Zarina na animo'y may sakit si Zarina kung makalayo.

Arte.

"You." Turo sa 'kin ni Zarina. "Po?"

"What's your name?" Tanong niya. 

"Meisha po." Magalang kong sagot ngumisi naman siya, sa ilang buwan ko pag-stay dito natuto na talaga ako mag-tagalog dahil sabi rin sa 'kin ni lolo at lola gumamit ako ng po or opo sa nakakatanda sa 'kin.

"Don't use po to me." Sabi niya at umirap. 

"Okay, meisha puwesto ka sa gitna magaling ka kaya doon ka sa gitna."

"Per-" Aangal pa dapat ako pero pinutol niya na ang sasabihin ko.

"No more buts bilis na mag-start na!" Sigaw niya, gusto ko pa sana magreklamo but, wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa want niya, kita ko naman ang ibang mata na nakatingin sa 'kin habang may ngiti pero mas marami pa rin ang masama ang tingin sa 'kin.

Are they're jealous because I'm more than beautiful? Duh. 

"Meisha hayaan mo na sad'yang mataray 'yan, kaya naiinis din ako d'yan 'di ko lang mapatulan dati dahil girlfriend pa siya ni kuya pero, kapag sumobra na 'yan papatulan ko na talaga 'yan." Bulong sa 'kin ni trisha habang nagkunwari susuntok.

"Ayos lang Trisha." Natatawa kong wika. Dahil para siyang baliw.

***

"Ano ka ba meisha?! Bakit ba pamali-mali ka?! akala ko ba magaling ka ha?!" Pagsesermon sa 'kin ni Zarina na payuko nalang ako sa hiya. Never pa ako sinigawan nang ganto sa 'min madalas ako ang naninigaw.

Nasigawan naman ako but private not public.

"Sorry." 'Yon nalang ang nasabi ko, kasi naman ngayon ko lang naisip kung sino 'yung nag-text sa 'kin kaya ayan nahihirapan ako makasabay sa kanila.

"Okay, let's take a twenty minutes break." Sabi ni Zarina bago naglakad palabas habang hawak ang ulo. Nainis yata, I don't know.

"Meisha, pigilan mo 'ko sumosobra na talaga 'yan." Si trisha.

"Tumigil ka nga." Sita ko para kasing baliw.

"Miss." Napalingon ako sa tagiliran ko nang may tumawag sa akin.

"Yes?"

"Bakit ka pa sumali rito? Mukhang hindi ka naman talaga magaling."

"Oo nga tsaka 'di ka pwede rito, 'di ka maganda." Sabi
naman nung isa. What?!, me? I'm not maganda raw?! You need a mirror girl mas maganda ako sa 'yo.

And so the standard here is, even you're talented kapag hindi ka maganda talo ka? What kind of mindset is that?!

"Ipapahiya mo lang kami."

"All of you, you think makukuha si Meisha if she's not magaling?!" Sigaw ni trisha, napailing agad ako.

Eto na naman tayo.

"Excuse me, malay ba namin na binayaran ka lang niya para makasali siya rito."

Umarko agad ang kilay ko.  

"Aba sumosobra na kayo ha!" Sigaw ni trisha gano'n nalang ang gulat ko ng sinampal niya 'yung isang babae. Agad naman ako humarang para pigilan sila pero, hindi talaga sila nagpapigil.

"Sino ka para sampalin ako?!"

"Hindi porket anak ka ng may-ari ng school hindi na kita papatulan."

Anak ng may-ari? What th- No way!

"Sige, away pala ang gusto mo ha." Hamon ni trisha at muling sinampal at ginanutan 'yung babae.

Hindi naman agad ako nakakilos. What should I do? Pipigilan ko ba sila or makikisali?

"Isa ka pa!" Sigaw naman nung isang babae sa 'kin aatras pa lang sana ako palayo sa kan'ya ng sampalin niya na agad ako.

Sinampal ko rin siya, duh tingin niya sa 'kin papatalo.

"How dare you?!" Sigaw niya, aatras na sana ulit ako ng hablutin naman niya ang buhok ko.

Oh god, not my hair!

"Guys stop!" Boses 'yun ni Zarina, mabilis ko hinablot ang buhok ko sa gumaganot.

"Sino nag-umpisa nito?" Tanong niya habang nililipat ang tingin sa amin lima. Mataray talaga ang mata niya mas tumataray lalo kapag umiirap siya o nagtataas ng kilay, maganda talaga ang face niya iyong jawline niya kitang-kita.

"Ate Zarina, si Meisha po, sinabi po niya sa 'min na wala kaming kwenta at bakit pa raw kami sumali." Sabi nung babae tapos nagkunwaring umiiyak.

Umawang ang bibig ko gusto kong humalakhak dahil sa ang pangit niya sa acting.

"Oo nga po." Pagsang-ayon ng dalawa. Tumingin sa 'kin si Zarina at naglakad papunta sa 'kin, iimik pa lang sana ako ng sampalin niya na agad ako.

Umawang ang bibig ko habang nakahawak sa pisngi ko.

"Ikaw kebago-bago mo pa lang dito ay nang aaway kana!" Sigaw niya sa 'kin at tinulak ako dahilan I lost my balance, Ini-expect ko na namahuhulog ako but, someone saved me!

"Kuya!" Sigaw ni trisha Habang nakatingin sa lalaking sumalo sa 'kin.

kuya? As in Gēgē?

"Xander!" Sigaw naman ni Zarina habang nasa lalaking nasa likod ko ang mata niya at natulala sa gulat.

What's na kakagulat ba?

"Ano'ng nangyayari rito?, at Zarina, bakit mo sinaktan si meisha?" Mahinahon na tanong nung lalaking nasa likod ko na tinatawag nilang xander.

kilala niya ako? How?! Ay— Wait— I remember na!

"Xander, hindi ako ang nanguna," depensa niya. Ah talaga lang. "Siya ang na una." Dagdag pa niya sabay turo niya sa 'kin.

Kapal ng babaeng 'to kung pwede ko lang talaga tawagan sila Bàba para isang tawag ko lang tapos na ang lahat.

"You're the senior, Zarina. You think tama ang ginawa mo? Kung si Meisha naman ang nauna, bakit nakipag-sampalan ka?" Tanong niya, wala naman agad umimik. Senior ko pala sila.

"Kuya hindi 'yan totoo, sila ang nanguna sila 'yung tatlong babae tapos sinampal ni Zarina si Meisha." Si Trisha.

"Zarina." Rinig kong tawag ng isang lalaki.

"Ezekiel..." Sabi naman ni zarina na parang na iiyak na.

Eh... What the hell?

"Ano'ng nangyayari dito?" Tanong nung ezekiel saka tumingin sa'kin.

"Kuya ezekiel sinaktan po ni meisha si ate zarina."

"What?!" Sigaw ko. Kanina pa ako diniin nang mga ito isa nalang talaga isa nalang! Asan na ang freedom na gusto ko at puro ganito ang nangyayari?

"Ikaw!" Sigaw nung lalaki saka masamang tumingin sa 'kin.

Ako?!

"What?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umalma.

"Ikaw." Turo niya sa 'kin.

"Mga sinungaling!" Sigaw ni trisha at halata na sa mukha ang galit.

"Anong karapatan mong saktan ang girlfriend ko?"

"You! Anong karapatan mong sigawan ako? As if kilala mo 'ko, hindi naman kita ka-ano-ano!" Ganti ko.

Gosh I need back-up!

"Ezekiel..." Tawag sa kan'ya ni Zarina pero ang paningin niya ay na kay Alexander or Xander, whatever.

Tinignan ko si Alexander pero nakatingin lang siya kay Zarina at Ezekiel.

Siya ba 'yung pinalit ni zarina kay alexander?, ang pangit nung ugali.

Oh... Ex-lovers.

"You!" Sigaw ulit ni ezekiel akmang sasampalin ako nang bigla saluhin ni xander ang kamay niya.

"Don't you dare slap my girlfriend..." May diin niyang sabi.

What?! Girlfriend?— no way I am single kaya!

"Girlfriend?!" Sabay na sabi ni Zarina, trisha, at 'yung tatlong babae, gulat kayo? Ako rin.

"Let's go." Hila niya sa 'kin at hinila na rin si trisha pero bigla siyang tumigil at humarap kala zarina. Gulat pa rin ako.

"Kayong tatlo at ikaw, Zarina pumunta kayo sa Dean office now." Utos niya.

Ano ba siya rito boss? Duh! If I'm not mistaken senior lang namin siya.

"Kuya, ano'ng sinasabi mong girlfriend mo?!" Sigaw ni trisha sa kuya niya.

"Pwede ba, isha tumigil ka sino ba talaga ang nag-umpisa nagsisimula ka na naman makipag-away!" Sigaw niya sa kapatid.

"Kuya, sinabi nang hindi kami ang nagsimula sila nga at tsaka 'di naman ako nakipag-away ah ikaw rin nakipag-away ka rin." Pagtatangol ni trisha sa sarili.

"Shut up!" Sigaw ng kuya niya saka humarap sa 'kin

"Pero oppa-"

"Don't oppa me, trisha."

"Teka nga, kuya punta muna kaming locker." Sabi namn ni trisha. "Sumunod kayo sa dean office." Sabi ng kuya niya saka ulit bumaling sa 'kin at may bulong.

"May pag-uusapan tayo." Bulong niya saka tuluyang umalis sa harap ko nahigit ko naman ang hininga ko.

Fèihuà.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro