Kabanata 19
Meisha's Pov.
Nakaupo ako ngayon sa sofa at tahimik na umiinom ng iced tea... Yeah iced tea, naisip ko kanina na hindi ko pa rin pwede ipakita kung ano ba talaga ang ako, and also I am still young for wild party.
Halos lahat sila nasa dance floor maliban sa 'min nila Lian at Xiana.
"Meisha, baka malasing ang mga 'yan." Bulong sa 'kin ni xianaa, napailing naman ako.
"Ano'ng gagawin ko?" Tanong ko. "Wala akong magagawa dahil gusto talaga nila uminom. Ayoko naman pigilan ang kasiyahan nila."
Ano nga gagawin ko? Gusto ko tawagan si Xander kaso hindi ko magawa. Kinuha sa 'min ni Trisha ang mga cellphone namin saka iniwan ang nga 'yon sa sasakyan. Medyo kinakabahan ako dahil baka may makita ako kakilala ko or 'di kaya magalit sa 'kin si Xander.
Sino ba naman kasi luka ang mag-iisip na single kayo ngayon gabi. Kakaiba talaga si Trisha.
Mga nine na ng gabi nang bumalik sa upuan namin sila Trisha at uminom nang uminom ang tatlo. Kami naman nila Lian ay juice at nakain lang ng chips.
Good girl kami, parang gano'n na nga.
"Ayaw niyo ba talaga sumayaw?" Tanong ni trisha sabay kain ng lemon.
Umiling nalang kami saka ulit ako kumuha ng drink ayaw ko magalit sa 'kin si Xanderander lalo na 'yung napagusapan namin nung nakaraan.
Tumigil ako sa pag-inom ng iced ng may lumapit sa 'min mga lalaki. Agad nang laki ang mata ko ng makilala ko kung sino 'yung isang ka sa kanila.
Shit! What he's doing here?!
"Hi girls!" Bati nung lalaking naka polo shirt na itim.
"Hi!"
"Hi, I'm Jasper." Pakilala niya saka naglahad ng kamay nakipagkamay naman sila trisha.
"This is Blake, Cloud, and Teddy." Pakilala niya roon sa tatlong lalaking kasama niya. Mabilis ako nagpaalam kay Xiana saka tumayo at dali-dali naglakad papunta restroom pero hindi pa ako tuluyan na kakalayo ng may humablot ng braso ko.
"Wèishéme?"
"Bakit ka narito? Ano'ng ginagawa mo rito? Alam ba nila Tito nandito ka sa Pilipinas?" Sunod-sunod niyang tanong, hindi naman agad ako nakasagot. Tumingin ako sa paligid saka walang ano-ano hinila siya sa smoking area.
"Alam nila Bàba nandito ako, pero hindi nila alam ang ginagawa ko rito." Mahinahon ko sagot.
"Really? Why did Uncle allowed you?"
Napabuntong hininga ako, sino nga ba makakapaniwala na pinayagan ako ni Bàba na umalis sa tabi nila.
"Hindi nila ako pinayagan pero, tumakas ako hanggang sa malaman nila nandito ako." Sagot ko saka siya inirapan.
"Mei, wala talaga nagbabago sa 'yo mataray ka pa rin. Well hindi na ako magtataka nasa lahi na natin mga Lim na ang mga prinsesa namin ay matataray." Tumatawa niya sabi saka ako inakbayan.
"'Wag ka maingay!" Singhal ko saka inalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin.
"Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Mga pinsan natin." Simple niya sagot na kinaawang ng bibig ko.
"Shénme?!"
"Yes, nandito kaming lahat. Well maliban sa mga Kuya mo masyado silang busy tsaka si Kuya Rai." Sabi nito saka humalakhak.
"'Wag mo sasabihin nandito ako." Pag-uutos ko sa kan'ya tumungo naman siya.
"Sure, but..." Nakangisi niyang saad.
"But? What?!" Inis kong singhal. "Sino 'yung katabi mo kanina?, 'yung boyish?" Humahanga ang mga mata niya sabi, umirap naman ako.
"Teddy, please 'wag ang kaibigan ko." Mataray ko sabi saka siya iniwan doon.
***
Ivan's Pov.
Kanina pa ako nakahiga sa kama dahil tamad na tamad akong gumalaw. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
"Hello." sagot ko.
"Nasaan ka?" Tanong niya.
"Bahay, bakit?" Taka kong tanong.
"Ano'ng ginagawa mo sa bahay?!" Sigaw niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tainga ko.
"Bakit ka ba na sigaw!" Inis kong singhal.
"Hindi mo kasama ang kapatid ko?" Tanong niya.
"Hindi."
"Nalintikan na!" Sigaw niya ulit.
"Why?"
"Nagpaalam ang kapatid ko na mag-da-date raw kayo kaya pinayagan ko umalis hindi sinasagot ni Meisha ang mga tawag ko tapos sabi sa 'kin Cyrill hindi rin daw sinasagot ni Amy ang tawag niya." Sabi niya halata sa boses nito ang galit.
"Eh nasaan ang mga babaeng 'yun wala rin ang kapatid ko sabi niya mag-ma-mall lang daw siya kaya nagtaka ako bakit? Mag-ma-mall 'yun eh hindi naman maalam mag-mall 'yun."
"Baka magkakasama ang mga babaeng 'yun, tawagan mo si Ethan and at Lyroy papuntahin mo sila rito sa bahay ngayon na!" Sigaw niya saka pinatay ang tawag.
Dali-dali kong tinawagan si ethan
"Hellow."
"Nasaan ka?"
"Nasa bahay, bakit?"
"Nakausap mo ba girlfriend mo ngayon?" Tanong ko agad.
"Hindi sabi niya aalis daw sila, bakit ba?"
"Mukhang naisahan tayo ng mga babaeng 'yun." sabi ko.
"Ha?"
"Wala raw sa bahay si Trisha wala rin ang kapatid ko hindi sinasagot ni Meisha ang tawag ni Xander at sabi mo ay umalis si Lian." Inis kong sabi.
"Try ko tawagan teka." sabi niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Walang nasagot" Sabi nito at halatang naiinis.
"Pumunta ka sa bahay ni Xander ngayon na, at tatawagan ko lang si Lyroy." Sabi ko saka pinatay ang tawag.
"Hello." Sabi ko.
"Bakit p're?"
Mukhang masaya pa ang luko.
"Nasaan ang nililigawan mo?" Tanong ko.
"Nasa bahay nila bakit?" Tanong niya. "Tawagan mo." Utos ko.
"Bakit? Teka kunin ko isang cellphone ko." Sabi niya.
"Ano may sumagot?"Tanong ko "Wala bakit ba?" Tanong niya.
"Pumunta ka sa bahay ni Xander ngayon namismo alam ko na kung paano mahahanap ang mga babaeng 'yun." Sabi ko saka binaba ang cellphone.
Nagbihis ako saka ko kinuha ang ipad ko at tinignan ko kung nasaan ang location nila trisha.
"What? Sa batangas at sa bar pa ano'ng ginagawa ng mga 'yun doon?! Lagot ako nito kay Mommyn" Inis kong sigaw saka dali-daling lumabas ng kwarto.
"Mom, aalis muna ako." Sabi ko hindi ko na hinitay ang sagot dahil nagmamadali ako.
Dahil alam kong makulit ang babaeng 'yun, nilagyan ko ng chip para malaman ko kung nasaan ang location niya. Nilagay ko 'yun sa bracelate nabinigay ko sa kan'ya.
Pagkadating ko sa bahay ni Xander ay nando'n na sila Lyroy at laking gulat kong nando'n din si Cyrill.
"Bilisan niyo, alam ko kung nasaan sila." Sabi ko dahil kitang kita kong sasabog na si Xander sa inis.
"Saan?" Tanong ni Xander.
"Nasa batangas sila bilisan niyo gabi na." Sabi ko saka nagmadali sumakay sasakyan.
Humanda ka talaga sa'kin babae ka. Na pakapasaway mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro