Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Trisha's Pov.

Kanina pa ako narito sa room, nagtataka na nga ako dahil kaninang practice nagpaalam lang sa 'kin si Meisha na magpapalit pero, tapos na ang lahat wala pa rin siya, meeting nalang.

Masyado importante ang meeting namin ngayon, kaya impossible na makalimutan niya. Kaya nga hindi ako matigil sa pag-iisip ay dali-dali ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si ivan.

"Hello." Tamad niyang sagot, sa tono pa lang nang boses niya alam ko na tinatamad siya.

"Nasaan ka?" Tanong ko at palihin na umirap.

"Nandito sa court, nakita mo ba Kuya mo?" Tanong niya kumunot agad ang noo ko.

"Kanina pa kasi namin siya hinahanap." Dagdag niya.

"Wala din d'yan si Kuya?" Taka kong tanong.

"Wala nga, kakasabi ko lang."

"Wala rin dito si Meisha, magkaaway ba 'yong dalawa?" Tanong ko, dahil madalas ko napapansin si Meisha tulala, hindi naman gano'n si meisha, unless malalim ang iniisip niya.

"Siguro," sagot niya.  How? I mean paano sila nagkaawag? "Madalas tulala Kuya mo." Patuloy niya, napaisip naman ako. Ano kaya posibleng pinag-awayan nang dalawang 'yon. Like duh! They're so sweet to each other kaya!

"Sige, tawagan mo 'ko kapag nakita mo si Kuya." Sabi ko saka binaba 'yung tawag saktong pag-pasok ni coach.

"Everyone, I need to cancel our meeting, kakatawag lang sa 'kin ng principal at tumawag daw sa kanila ang hospital at nando'n si Ms. Lim." Si Coach, hindi ako umimik at dali-dali kinuha ang sport bag ko saka tatakbo pumunta sa court para magpasama kay Ivan papunta sa hospital.

Nang makarating sa hospital ay agad ako lumapit sa nurse na nasa emergency room.

"Hi, good afternoon nurse, can I ask kung may pasyente kayo na ang name is Meisha Ann Lim?" Tanong ko agad.

"Wait lang po, Ma'am,' sabi nito at nilungon ang computer bago binalik sa akin ang tingin. "Meron po kaano-ano po kayo ng pasyente?"

"Kaibigan niya kami."

"Okay po, Ma'am, kakalipat lang po ni Ms. Lim sa private room niya, Room 205 fifth floor."

"Thank you." Sabi ko saka hinila si ivan sa elevetor. Pagkadating namin sa floor dali-dali ko hinanap ang room at nakita ko naman agad.

God! Ano bang nangyari kay sister-in law?

Pagkapasok ko nakita ko si kuya nakaupo sa sofa at nakatingin sa natutulog na si Meisha.

"Oppa, what happened?" Tanong ko agad, saka naupo sa tabi niya.

"Nawalan nang malay." Tanging sagot niya, pero hindi niya inaalis ang mga mata kay Meisha.

"Ayos na ba siya?" Tanong ko ulit saka tumingin kay Meisha.

Tumungo siya. "Kailangan lang nang pahinga madami raw iniisip at na-stress tapos may dalaw pa kaya nahimatay." Sagot ni kuya sa 'kin

"Dito ka ba matutulog?" Tanong ko.

"Oo."

"Kuya, paano 'yan friday bukas at may meeting kaming importante para sa dance competition?." Kairita naman kasi, pabago-bago pa. Kung ayoko lang matalo ang school namin hindi ko  na inabala ang dance competition na 'yan.

"Bukas pa siya makakauwi, and nasabi na sa akin ni Coach, the meeting will be postponed and will be continue on monday."

Nag-stay kami roon hanggang six na nang gabi gusto ko man mag-stay nang matagal ay pinauwi na ako ni kuya, kaya hinatid ako ni Ivan sa 'min pumunta ako sa kwarto ko saka nagbihis pagkabukas ko ng wifi ng cellphone ko ay sunod-sunod ang tunog ng messenger ko.

Marupok tayo (99+ unread message)

Cyrill: Hoy bakla nasaan kayo.

Aira: bakla nandito kami sa cafeteria nasa ospital daw si meisha kwento skin ni lyroy.

Amy: O.M.G WHERE?!

Lian: Nasabi nga ni Ethan sa akin nandoon naman daw sila Trisha. Capslock talaga, Amy?

Amy: YES, KAPAG CAPSLOCK DAW MAGKAKAPERA KA.

Lian: NAGPA-UTO KA NAMAN.

Cyrill: mga gaga, kaya pala wala sila bakla kanina kamusta na daw si meisha?

Aira: hindi ko alam

Cyrill added Jexiana Molina.


Jexiana: Para saan 'to?

Cyrill: Gc girl, wow gusto mo ganyan typings maayos?

Jexiana: 👍

Amy: LIKE PA.

Lian: Jexiana, sasali ka ba sa singing contest?

Cyrill: aY mG@ b@klA @no yAn?

Amy: Gaga, Cyrill ayosin mo typing mo

Jexiana: 'Di ko alam, busy ako sa swimming contest, tsaka anong tingin ng mga teacher sa 'kin binabayaran nila para panlaban sa lahat. Eh napilitan lang naman din ako sa swimming contest na 'yan.

Cyrill: ay taray ni bakla, $@n@ @ll

Aira: online na si Trisha, at parang tanga Cyrill.

Trisha: Yow.

Cyrill: Oy bakla musta si bakla?

Aira: anong nyare kay meisha?

Jexiana: Ano'ng meron kay Meisha?

Cyrill: Tao pa rin gaga br ka.

Trisha: Ayos lang naman siya , kailangan lang daw nang pahinga

Lian: Sino kasama ni Meisha?

Trisha: Si Kuya.

Amy: sweet naman ni alexander sana all.

Aira: Sana all (2)

Amy: like zoon kanina, seenerist ka naman ngayon, xiana

Jexiana: Gala tayo sa linggo?

Aira: ay bet saan naman?

Lian: Guys may tanong ako?

Cyrill: ay bet ko yan xiana, ano yun bakla?

Amy: Ano yun lian?

Aira:?

Trisha: (2)

Lian: sasagutin ko naba si ethan?

Cyrill: >_<

Amy:♡_♡

Aira: O_o

Trisha: Basta ako single.

Lian: Bakit ganiyan mga reaction n'yo?

Cyrill: ay bakla akala kasi namin wala kang balak sagutin si papa ethan, parang wala ka nga gusto eh

Aira: Oo nga girl dalawa taon nanligaw yung tao ngayon mo lang naiisipan yan Hahaha

Amy: Go girl sagutin mo na

Jexiana: 'Wag, mga manloloko lang mga 'yan.

Lian: sige sagutin ko na siya, 'di ba jexiana nag yaya kang gumala?, bitter ka masyado kulang ka sa dilig.

Jexiana: Dilig?, ano ako halaman.

Cyrill: Basta hindi ako green😓

Amy: saan nga kasi?

Aira: Tara sa play house nalang, tsaka hello trisha ka kaya single dahil hind uso move on sayo girl

Trisha: sige lalabas na naman daw si meisha bukas kelan? Animal ka aira btw

Jexiana: Saan 'yang playhouse?, sa linggo nalang tayo may practice ako ng swimming sa sabado tapos bukas sa singing contest.

Lian: Girl tinangap mo na?

Jexiana: Kakasabi ko lang.

Amy: Omg ganda kaya ng boses mo girl sobra, like a heaven

Aira: Paanong heaven?

Jexiana: Saan nga 'yung play house?

Trisha: tambayan namin yun tara sa linggo

Nagdaldalan lang kami sa GC hanggang sa makatulog kami.

***

Meisha's Pov.

Nagising ako dahil nakaramdam ako nang gutom masaya ako dahil sa pinagusapan namin kagabi ni Xander pagkatapos niyang umamin. Much better talaga inaayos ang mga malalabo at pinapaintindi ang dapat intindihin.

"Meisha, gusto mo na itigil ang deal 'di ba?" Tanong niya sa'kin na kinagulat ko.

"Of course!" Atat kong sagot.

"Okay, pero..." Sabi niya sad'yang binitin.

"Pero?" Tanong ko, ano'ng trip mo?

"Hindi ang pagiging mag girlfriend at boyfriend natin." Nakangiti nitong sabi.

"What did you mean?" Taka kong tanong 'di ko talaga siya ma-gets ayaw pa sabihin nang deretsyo.

"Gawin natin totoo, girlfriend pa rin kita pero totoo na 'yun normal na mag-nobyo, let me have a relationship with you, with love." Nakangiting sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

"Happy 4th monthsary babe."
"M-Monthsary natin?" Nauutal kong tanong. Idiot meisha! T-Teka! Around June naging kami! Baki july— October na nga pala!

"Yeah, Babe October 1 na." Nakangiti nitong sabi.

Bakit niya alam ako nga nakakalimutan ko.

"Sorry nalimutan ko hindi kasi ako sanay na may monthsary tayo." Nakayuko kong sabi pero inangat niya agad ang mukha ko.

"It's okay but, starting right now don't forget that, okay?" Nakangiti nitong sabi habang nakatingin ng deretsyo sa mata ko.

"Happy monthsary."

"You're the only one, okay? 'Wag ka mag-isip nang kung ano-ano okay? Alam ko hindi ka pa rin na niniwala. Dahil sino nga ba ang maniniwala na ang isang tao naka-move on na sa ex niya. Pero maniwala ka sa 'kin ikaw na ang mahal ko wala nang iba... " Sabi niya saka ako niyakap kaya niyakap ko din siya. "Magpahinga kana." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.

"Sige, goodnight."

***

Naglinga-linga ako dahil hindi ko siya makita.

"Nasaan 'yun?" Tanong ko sa sarili ko. Biglang bumakas ang pinto at pumasok ang isang guwapong lalaki ang pumasok.

"Good morning."

"Morning, saan ka galing?" Tanong ko. "Sa labas lang bumili." Sagot nito saka kinuha ang table at pinatong sa gitna ko at nilagay roon ang pagkain binili niya.

"Eat." Utos niya, kaya kumain na ako dahil gutom na talaga ako.

***

Linggo na ngayon at nag-yaya sila Trisha sa playhouse nabalitan ko rin na si Ethan at si Lian na at nililigawan na ni Lyroy si aira kahapon ay nag-meeting kami sa gagawin namin binago nang JIS ang date kung kailan ang contest at sa november nalang at kpop ang pinaka theme ng contest dahil karamihan sa mga kabataan ngayon ay adik sa kpop.

Parang ewan, nawala lang ako ng dalawa araw dami na nangyari.

Masaya ako dahil hindi na pag-papangap ang relasyon namin at totoohanan, 'yung hindi ko na kailangan magmahal nang patago, hindi ko na kailangan na masaktan na patago na kaso mukha kailangan kong mag-sinungaling ngayon dahil tumakas ako sa boyfriend ko.

"La shi!" Sigaw ko dahil bigla tumunog ang phone ko.

"Girl, nasaan kana? Narito na ako sa labas ng bahay mo bilisan mo baka hanapin tayo ng mga jowa natin." May jowa pala siya. Joke.

"Sige pababa na." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Dali-dali akong bumaba at nag paalam kaila Lolo ag Lola pagkalabas ko na kita ko na ang taxi.

"Meisha, bilis sakay!"

"Bakit nag-taxi tayo?" Tanong ko. "Para hindi tayo makita ng mga jowa natin hello single muna tayo." Tumatawang sabi niya, sa pagkakaalam ko single talaga siya.

"Hindi kaya magalit sa atin mga boyfriend namin, tsaka single ka naman sad'ya."

"Wala magagalit, kung walang magsasabi, at bad ka may boyfriend ako 'no."

"Sino?"

"Secret."

Secret pa nga.

"Sa bar, ang punta natin ngayon kaya enjoy!" Sabi niya saka kinuha ang cellphone niya at humalakhak.

"Bar? But wala pa tayo sa legal age paano tayo makaka, turning eig-"

"Connections." Simple niyang sagot.

Napatingin ako sa suot ko naka-suot ako ng mini skirt at golden hot top.

Geez, the party girl is back but I need to be a good girl this time because I have a boyfriend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro