Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Meisha's Pov.

Kanina pa ako rito sa kwarto ko, I'm still thinking about it, I don't really. Naging habit ko na siguro talagang mag-isip muna bago matulog.

Gusto ko man matulog na kaso, nahihirapan ako lalo na sa huling pag-uusap namin ni Kuya.

"Hello Kuya."

"Hello little spoiled brat, bakit ka napatawag?" Mahinahon niyang tanong.

"Kuya pwede bang dito nalang ako sa pilipinas?" Tanong ko sa kan'ya.

Dahil sa mga pinaparamdam sa 'kin ni xander parang ayaw ko nang umalis dito gusto ko kasama ko lang siya.

"No, Meisha. Nangako ka kala Mama nauuwi ka rin doon, 'di ba? Sinabi ko naman sa 'yo na rito ka naman sa pilipinas mag-college, dahil mahal sa US kahit afford natin ang pag-co-college roon kaso, ikaw na mismo nag-offer, you're going to finish your senior high school years sa US, and you're going to take college sa philippines."
Mariin niyang sabi.

"Pero, Kuya kung mag-aaral lang din ako ng senior high doon eh... Dito na sa pilipinas." Pilit ko pa rin.

"No, Meisha. Listen to me, kapag hindi mo tinupad ang pangako mo kala Mama, maniwala ka sa 'kin. At kilala mo si Bába at Mama. Sila mismo ang kukuha sa 'yo rito sa pilipinas at baka 'di kana nila pabalikin pa." Paalala niya.

"Pero Kuy—"

"Please Meisha, dalawang taon lang 'yun. Dalawa taon. Babalik ka rin dito. Sige na matulog kana gabi na may pasok ka pa bukas." Sabi niya saka pinatay ang tawag.

***

"Mahal ko na eh... Ang tanga." Nakatingin sa bintana kong sabi. Kanina pa ako gising at naka-ayos na ako, baba nalang talaga ako pero, kanina pa ako nakatulala sa bintana at pinagmamasdan si Xander nasa labas ng bahay namin.

"Ikaw ba, mahalin mo rin kaya ako?" Tanong ko sa sarili saka mahina tumawa. Baliw kana, Meisha. Totoo nga ang sabi ni Mama nakakabaliw ang pag-ibig. Pero bakit 'yung akin, parang nakakatanga na?

Nang mapansin ko naiinip na siya ay saka lang ako nagpasya bumaba.

"Good morning." Agaran niyang bati sa 'kin ng makalapit ako sa kan'ya ngumiti naman ako saka niya ako pinagbuksan ng pinto, tinignan ko naman ang likod kung nando'n si Trisha pero, wala.

"Sinundo siya ni Ivan.." Sabi niya, saka binuksan ang makina. Sinundo siya ni Ivan? Team Zack ako eh, bakit si Ivan?

Nang simulan niya paandarin ang sasakyan ay saka ako tumingin sa bintana.

"Hey."

"Hmm..."

"May sakit ka ba?" Tanong niya at akmang hahawakan ang noo ko, dali-dali naman ako umiwas.

Mamumula ako paghinawakan niya ako.

"Wala."

Tanga na ako, Xander. Kaya please lang 'wag muna ako lalong gawin tanga. Nang dahil sa pinapakita mo.

"May problema ba tayo?" Tanong niya sa 'kin, May tayo ba talaga?

"Wala." Sagot ko.

"O-Okay..." Alangin niyang sagot, saka bumuntong hininga.

Kailan ba matatapos ang deal namin para malayuan ko na na siya, kahit alam ko ako lang ang nagmamahal sa 'min dalawa, ay hindi ko pa rin siya kayang iwan. Tsaka kung iiwan ko naman, it's easy to move-on.

Kailangan habang may oras pa ako pigilan ang pagmamahal ko sa kan'ya ay tuluyan ko na siyang malayuan.

Nang makarating kami ng school kakaunti pa lang ang mga tao kaya dali-dali akong lumabas at saka nagmadali maglakad pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya na ako bigla.

"Meisha, may problema ba?" Naiinis niyang tanong, dahil halata sa tono ng boses niya. Kapag ba sinabi ko ba oo may problem, at ikaw ang problema!

Ano ang sasabihin mo ha?!

"Wala nga." Inis kong sabi. Dahil baka 'di ko mapigilan ang sarili ko.

"Please, Babe. Sabihin mo sa 'kin kung may problema tayo?" Pilit niyang pakiusap sa 'kin hinila ko naman ang kamay ko saka bumuntong hininga.

May tayo nga, pero hindi naman katotoohanan.

Meisha. Rebound ka lang.

"Xander, please I need a fucking space..." Nahihirapan kong sabi.

"Space for what?" Taka niyang tanong.

"Please... Gusto ko makapag-isip, okay?, hayaan mo na muna ako." Sabi ko na hindi siya tinitigan sa kan'yang mga mata.

"May ginawa ba akong mali? May nasabi ba akong nakakasakit? Please Meisha sabihin mo sa 'kin ang dahilan mo, ayoko ng ganito tapos galit ka sa 'kin?"

"Wala, kailangan ko lang talaga makapag-isip." Mahinahon kong sagot.

"Hanggang kailan?" Tanong niya sa 'kin, medyo nagulat ako sa tanong niya. Pero sino nga ba ako para alalahanin niya.

"Hindi ko alam, okay? May tanong ako." Sabi ko, saka siya tinignan pero hindi ko hinahayaan ilapat ang mata ko sa mata niya.

"Ano 'yun?"

"Kailan matatapos ang deal natin?"

"'Yun ba ang problema, Meisha?" Tanong niya sa 'kin, saka mahina natawa.

"You want to finish this fucking deal?" 

"Sagutin mo nalang ang tanong ko." Inis kong sabi, dahil kita ko na may nakakakita sa 'min.

"Kapag naging kami na ng taong gusto ko." Mabilis niya sagot.

Mama sorry... Pero tangina ang sakit sa puso para akong sinasak nang paulit-ulit, na-isip ko tuloy kung hindi ko ba inuna ang kagustohan ko makuha ang kalayan ay mararamdaman ko kaya ang ganito pakiramdam? Makikilala ko ba ang lalaking 'to?

Ang magkagusto, magmahal, at ang masaktan ng lubos, kaya pala sobra protective sa 'min mga babae sa pamilya namin. Dahil ang sakit pala magmahal. Sabi nung ibang tao, once na chinese ang lahi mo laging lalaki ang favorite or kailangan sa pamilya pero, sa 'min super protective sa mga babae kasi kakaunti lang kaming babae. Tapos kami pa masasaktan, the hell...

Damn it! Ang gusto ko naman kask talaga ay freedom! Ba't kasi ako binigyan ng boyfriend?! Tapos binigyan pa ako ng pain!

Masarap magmahal pero kailangan mo muna masaktan? Ang galing naman ng love. Nakakabobo

"Okay, please kailangan ko makapag-isip ngayon pabayan mo muna ako okay." Pumipiyok kong sabi dahil feeling ko ay may babagsak galing sa mga mata ko. Bullshit!

"Meisha..." Mahina niyang tawag sa 'kin. "Sorry." Sabi ko saka tumakbo ng mabilis at dali-dali nagpunta sa restroom.

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko, ang sakit dahil doon sa sinabi ni Xander na saka matatapos ang deal namin kapag- sila na ng gusto niya hindi ko na mapigilan ang umiyak.

So magiging masaya siya, meanwhile ako nasasaktan?

Ang tanga mo naman Meisha kaya nga deal, 'di ba? kasi nga deal. Pero wala naman sinabi sa usapan namin na hindi pwedeng mahulog 'di ba? Sorry naman nagmahal lang naman ako.

Pero ako lang 'yung nahulog eh... Ako lang din 'yung masasaktan.

Gusto ko makapag-isip sa ngayon, gusto ko mag-isip, gusto kong isipin na taposin ko na ang deal namin para 'di ako mahirapan nang ganito, at para 'di ako umasa nagusto niya rin ako sad'yang pa-fall lang ang mga lalaki kami naman mga babae marurupok.

Madali lang naman mag-move-on.

Matapos ang ilang minuto na pagpasyahan kong lumabas na kinuha ko ang make-up ko at naglagay ng kaunti para hindi halatang umiyak ako ng makita kong ayos na ako saka ako lumabas.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko.

"Hello." Mahina kong sagot, dahil sinisinok pa ako.

"Meisha, nasaan kaba magsisimula na ang practice!" Pasigaw niyang sabi. Shit 'yung practice pala.

"Ay sorry Trisha, papunta na ako magbihis lang ako." Sabi ko saka pinatay.

Pumunta ako ng locker room saka dali-dali nagpalit.

Pagkatapos ko magbihis ay dali-dali akong pumunta sa gym at sinalubong naman ako ni Trisha.

"Meisha, lalagyan na raw ng music 'yung step kaya dapat handa na raw tayo."

Nag-start na kami magsayaw may ginawa na daw na remix song si Zarina kaya 'yun ang ginamit namin.

***

"Coach." Tawag namin, dahil pinatigil niya kami sa pagpa-practice

"Guys... I'm very sorry but, hindi na raw natin kailangan ng cheerdancer." Mahinang sabi ni Coach, gago lang?

"What?!" Maarteng sigaw nila ako at si Trisha langa ng 'di nag-react.

"Dahil iniba ng Jackson International ang gagawin dapat daw ay dance competition na." sabi ulit ni Coach. Jackson International? Ha?!

So pagkatapos ko magtatalon at magkabali-bali katawan ko, papaltan lang? Hindi ba unfair 'yon?

"Paano 'yun, Coach nakapag-practice na kami?" Tanong ng isa namin kasama.

"Ganito kukuha tayo ng lalaking magagaling sumayaw at papatulong tayo sa dating leader ng dance group." Sabi ni Coach.

"Sige po Coach ako na po bahala sa mag-audition lalaki." Sabi ni Zarina.

"Coach, ako nalang po mag sasabi sa buong school." Sabi naman ni Trisha.

"Sige, bukas ng hapon ay mag-me-meeting tayo sa dance classroom dapat nando'n na lahat bukas ng umaga ka magpa-audition Zarina, sige na magpalit na kayo at pumunta sa kan'ya kaniyang room." sabi ni Coach saka umalis.

Nagbihis nalang ako at saka nagpunta ng room wala ako sa mood makinig hindi ko na din muna pinansin ang tungkol sa dance competition dahil marami rin akong iniisip. Gusto ko nalang mag-shopping.

Natapos na ang panglimang klase pero wala akong naintindihan dahil maraming laman ang isip ko.

Pumunta nalang akong library at doon nag-isip.

I want to tapos this deal na talaga. Uuwi ako sa United States at doon mag-aaral babalik ako rito. Dahil dito ko rin ipagpapatuloy ang college ko.

Nagpunta ako rito para mag-aral at maging malaya, hindi maging tanga sa pag-ibig.

Our deal is just nothin' for him, I'm just a temporary girlfriend, let me end this shit...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro