Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Meisha's Pov.

Lunes na naman kaya maaga akong nagising dahil sabi sa 'kin ni Trisha kagabi ay may practice kami sa umaga hanggang hapon.

Because, next month na raw ang competition for dance competition and cheer dancing competition.

Naligo na ako at nag-ayos kumain lang ako nang kaunti at umalis na sa bahay pero paglabas ko ng bahay ay nakita ko sa harap ng gate si Xander nakasandal sa sasakyan niya.

"Good morning." Ngumiti ako pagkatapos siya batiin

"Morning." Balik niyang bati.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko agad, dahil wala sa usapan namin na susunduin niya ako ngayon.

"Sinusundo ka, sabi ng magaling kong kapatid maaga kayo ngayon, kaya maaga rin akong gumising, nasa likod lang ang kapatid ko." Sabi niya saka ako pinagbuksan ng pinto. Agad naman akong pumasok sa loob at naabutan ko si trisha sa likod at natutulog nga.

"Anong oras ba siya gumising?" Tanong ko, mukhang antok na antok pa ang babae.

"4:30 AM." Sagot niya saka pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko inaasahan kukunin niya ang kamay ko. Kahit gusto ko hilahin 'yun ay hindi ko magawa.

"Ano'ng ginagawa mo?" Gulat kong tanong.

"Gusto ko lang hawakan ang kamay mo, ang lambot." Nakangiti niyang sabi saka dinala ang kamay sa manubela kasama ang kamay ko.

'Wag ka kiligin gaga ka! Hindi mo sigurado na parehas kayo ng nararamdaman.

Baka ginagamit ka lang niya. User siya remember?

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa school. Binitawan lang niya ng lumabas na kami at ng ginising niya ang kanyang kapatid.

Akala ko ay hindi na niya ulit hahawakan ang kamay ko, pero nagkamali ako, pagkagising niya sa kapatid niya ay kinuha niya ang kamay ko pati na rin ang bag ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis ko tanong pinagtitinginan na kasi kami ng tao, kung siya hindi na hihiya, ako nahihiya.

"Ang sweet naman ni Xander sa girlfriend niya."

"Hope langis, ilan buwan na nga sila?"

"3 to 4 months na yata since first day sila, May iyon eh September na ngayon hello, pero malay natin kung magtatagal ba sila 'di ba? Nung May 22 yata iyon.lang natin nalaman."

"Sus mas bagay pa rin si are Zarina kay Xander, bakit ba sila nagg-break?, tapos ipagpapalit lang sa cheap na kagaya niyan."

"'Wag mo nalang silang pansinin." Sabi sa 'kin ni Xander saka ako hinapit palapit sa kan'ya at hinawakan ang bewang ko

"Ay Kuya sumobra naman ata ang sweet mo." Pang-aasar ng kapatid sa kan'ya

"Why not? Girlfriend ko naman siya."

"Yie Kuya, kadiri ka pala maging sweet." Pang-assar ni Trisha sa kapatid, umiling-iling nalang ako dahil ako ang nahihiya sa kanila.

Pagkarating namin sa harap ng classroom ay agad niya binigay sa 'kin ang bag ko.

"Kita nalang tayo later?"

"Sige." Sagot ko. Saka pumasok, pero hindi ko inaasahan na kukunin niya ang pulsuhan ko at yakapin ako ng mahigpit.

"Thank you." Bulong niya.

"Ha?"

"Wala, sige na pumasok kana." Saad niya, kahit nagtataka ako tumungo nalang ako.

"Saan ka pala mamaya?"

"Pagkatapos ng first class ko sa Gym na kami, excuse na ako sa ibang klase." Sagot ko.

"May practice kayo?" Tanong niya sa 'kin. Tumango ako.

"Take care, puntahan kita sa Gym pagkatapos ng practice ko." Sabi niya.

"'Wag na, kahit hindi na."

"No. Sige na una na ako." Sabi nya iimik pa sana ako pero agad na niya ako tinalikuran at umalis.

Pagkapasok ko ng room ay na hagip agad ng mata ko si Xiana at Mj na nag-aaway na naman, ano panga ba, hindi na naman bago sa 'kin na makita lagi sila magtalo. Nakita ko si Zack na kumakaway sa 'kin, saka nilipat ang tingin kay Trisha na nasa tabi ko lang habang busy sa kaka-cellphone. Nakita ko pa siya nag-iwas nang tingin kay Trisha ng mag-angat ito nang tingi at nagtama ang mga mata nila saka muli bumaling sa 'kin.

"Good morning." Bati niya, hindi ko nga lang alam kung para sa akin ba iyon o para kay Trisha.

"Morning."

***

Hindi ko namalayan na tapos na ang klase namin. Dahil si Trisha ay hindi umattent ng klase, bigla nalang kasi siya pinatawag kaya agad siya na excuse sa first class pa lang.

Palabas pa lang ako ng room ay kita ko na agad si Xander, na payapang nakasandal sa pinto habang ang matatalas na mata ay deretsyo na katingin sa 'kin, nakinailang ko nang konti, hindi naman kasi niya ugali 'yong gano'n sa akin.

"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya saka ngumit kahit naiilang masyado sa tingin niya pero, hindi siya umimik at lumakad lang palapit sa 'kin saka inabot sa 'kin ang isang paper bag at bigla nalang ako tinalikuran at dali-daling umalis.

Tinignan ko ang laman ng paper bag meron siyang two bottles of water, isang samndwitch, isang slice of strawberry cake, and marami pa.

"Dami naman nito." Bulong kong sabi sa sarili sabay kamot sa batok. Papatabain niya ba ako? I mean lately lumiliit na naman ang bewang ko, like tinatamad me minsan kumain lalo na kapag gabi and, nahihiligan ko na rin masyado mag-exercise kaya napansin ko nababawasan ang timbang ko sa nagdaan na linggo.

Mabilis ako napaharap sa likod ko dahil sa gulat na may pumalakpak nalang bigla.

Nakita ko si Zarina kasama si Amber at 'yung dalawa babae na hindi ko kilala, let's just say mga daga niya.

"Tuwang-tuwa ka naman dahil binilhan ka ng gan'yan?" Tanong niya sa 'kin, wala akong panahon makipag-plastikan sa kan'ya.

"Oo naman, bakit naman ako hindi matutuwa? Sino hindi matutuwa sa food?" Tanong ko, saka ngumiti. 

"Don't worry girl, hindi pa rin ako susuko." Sambit niya saka umirap, so? Did I ask you?.

"Tsaka nagawa na sa 'kin ni Xander lahat ng nagawa niya sa 'yo ngayon." Maarte nitong sabi, lihim naman ako umirap.

"Oh really? Ginagawa niya sa 'yo ito noon?" Natatawa kong tanong, tumungo-tungo naman siya nagmamalaki.

"Eh ano naman, atleast sa 'kin na ginagawa ngayon at hindi na sa 'yo, tandaan mo ang sinabi mo,  oon." Pang-aasar ko sa kan'ya at mukhang na-aasar naman siya.

"Sabihin nalang natin na... Pinaramdam lang niya sa 'yo, pero hindi niya sa 'yo pinagpatuloy parang, ikaw ang pinangakuan sa iba tinupad." Mataray kong dagdag saka sila iniwan doon at pumasok sa Classroom.

"Nakakawala sa mood." Inis kong bulong, saka lumapit kay Mj at binigay ang pagkain at tuwang-tuwa naman ang loko. Ngayon ko lang din napansin na parang wala si Amy.

"Liban ba siya?" Tanong ko sa sarili ko 'di ko nalang pinansin at pumunta sa Gym pagkadating ko ng gym, nakita kong nakabihis na sila. Nagpasama nalang ako kay Trisha sa locker room para magbihis.

"Oy Meisha, sweet ni Kuya sa 'yo." Pang-aasar niya sa 'kin pero 'di ko pinansin 'yun dahil nga nawala ako sa mood.

"Nakita mo ba si Amy?" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo kanina, pero may humila sa kan'yang lalaki at mukhang kilala naman niya kaya siguro hindi tumuloy papuntang room." Kwento niya. Sino naman ang hihila kay Amy? maliban nalang kay Cyrill.

'Di ko nalang inisip 'yun at pumunta nalang sa gym at nag-focus nalang sa pagpa-practice halatang ako ang pinapahirapan ni Zarina ako ang pinapatambiling at split niya, madali lang naman para sa 'kin 'yon, bitch I'm flexible.

***

"Break muna!" Sigaw ni Zarina, mukha siya ang napagod kaysa sa 'kin eh, siya itong nagpapahirap sa'kin.

Maya-maya ay nakita ko agad si Xander nakakapasok lang sa Gym.

"Babe." Tawag niya sa 'kin mabilis naman akong ngumiti.

"Hi."

"Here." Abot niya sa 'kin ng towel, kaya dali-dali ako nagpunas dahil pawis na pawis na ako.

"Thanks." Sabi ko saka sinabit ang towel sa leeg ko. "Bakit hindi mo kinain 'yung binigay ko?" Tanong niya nakinalaki ng mata ko,
"How did you know that?"

"Sinabi ni Mj." Hindi nalang ako sumagot, baka magtalo pa kami kapag sumagot ako. Wala naman akong laban sa kan'ya dahil mas parang shotgun ang bunganga niya kaysa sa 'kin. Daig pa bibig ni Mama.

"Here." Abot niya sa 'kin ng tubig kaya kinuha ko na 'yun at uminom.

"Akin na, ako na." Saad niya saka kinuha ang towel sa 'kin at nilagay sa likod ko.

"Why are you always acting like that?" Hindi ko mapigilan ma-inis. Dahil lagi siya umaakto na sweet at inaalalagaan ako.

"Acting what?"

"You are always acting like, super caring sa 'kin, bakit ka gan'yan?, bakit kung umakto ka mahalaga ako para sa 'yo?" Habol ang kaba kong tanong, hindi naman agad siya sumagot at pinagpatuloy ang pag-aayos ng towel sa likod ko.

"Dahil may care ako sa 'yo."

"Per— Okay." 'Yun nalang ang nasabi ko saka nanguna maglakad sa kan'ya. Gusto ko itanong kung gusto mo ba ako? or 'di kaya mahal mo rin ba ako?

Pero ayoko umasa, nakakatakot ma-reject.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro