Kabanata 11
Ethan's Pov.
Nandito kaming apat ngayon sa secret house, kung sa school may secret room kami may secret house kami kung saan kami naglalabas nang sama ng loob.
Nagtataka nga ako, dahil kompleto kami rito, at si Lyroy at Xander naman ay may mga hawak na beer habang halatang may iniisip. Si Lyroy Eighteen na habang si Alexander mag-eighteen pa lang, ewan ko rin ba karamihan sa mga anak mayaman na kilala ko minor umiinom agad pero bahala sila sa buhay nila wala naman silang ambag sa buhay ko ganoon din ako sa kanila.
Si Ivan naman ewan ko at nakangiti sa cellphone niya. May kausap yata siguro si Trisha lang 'yun.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo at magpapaalam na sa kanila, dahil uuwi na ako. Iisip pa ako ng paraan paano ako makipag-ayos kay Lian. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello Papa Ethan." Sambit ni Cyrill, gusto ko mainis dahil lagi niya ako tinatawag na 'papa.' pero sanay na rin ako.
"Oh Cyrill na patawag ka.
May kailangan ka ba?" Tanong ko. Narinig ko naman siya bumuntong hininga
"Oo, punta ka rito sa play house, 'yung mga girlfriend niyo mga lasing na." Sambit niya na kina kunot ng noo ko. Lasing? sino na naman pasimuno?
Si Trisha na naman? grabe talaga ang babae 'yun.
"Ha? Sino mga lasing?" Naguguluhan kong tanong
"Sila Trisha, Lian, Aira, at Meisha. Parang baliw na. baka ano pa gawin ng mga 'to alam niyo naman dati 'di ba? pa sabi na rin kala Xander at Lyroy sige bye." Paalala niya bago patayin ang tawag, aba binaabaan agad ako.
"Sino 'yun, Pre?" Tanong ni Lyroy sa 'kin.
"Hoy tumigil na kayo uminom 'yung mga girlfriend natin naglalasing sa play house bilis baka ano pa gawin ng mga 'yun lalo na si Trisha bilis!" Sabi ko saka nanguna tumakbo papalabas ng bahay saka kan'ya sumakay sa sasakyan.
***
Pagkarating namin agad kami kumatok agad naman kami pinagbuksan ni Cyrill.
"Nako! Mga papa mabuti dumating na kayo si Trisha nando'n sa pool area naglalangoy baka malunod si Lian naman nando'n sa banyo suka nang suka, si Meisha ayun na sa may sala na inom si Aira nando'n sa may gaming room sisirain ata mga laro doon, bilisan niyo kayo na bahala sa kanila puntahan ko lang si Amy." Mabilis niyang sabi saka tumakbo paakyat
***
Xander's Pov.
Sa pinto pa lang kita ko na agad si Meisha na may hawak na alak na parang baliw na kinakausap ang bote kaya pinuntahan ko siya agad. Geez what's happening here.
"Uy babae ano'ng nangyari sa 'yo bakit kaba naglasing?" Inis na tanong ko, lalasing-lasing pa.
"Uy babe, ano'ng ginagawa mo rito?" Lasing na tanong niya saka sinubukan tumayo agad naman siya natumba, inis ko siyang hinawakan sa braso saka inupo nang maayos sa sofa.
"Lakas din ng loob mong maglasing 'no?" Inis ko pa rin sabi saka kumuha ng wipes sa table at pinunasan ang mukha niya. Wala pa siya sa legal age, tska. Siya ang pinaka bata sa kanila magkakaibigan.
"Babe... Alam mo kakapagod din pala magtago." Bulong nito sa 'kin habang sinisiksik ang ulo sa leeg ko.
"Magtago?" Tumaas ang isang kilay ko. "Saan?" Taka ko tanong bago siya binuhat at nagsimula maglakad paakyat sa hagdan.
"Sa mga tao... Dahil sa loob ng ilan taon nakatago lang ako, ang totoong ako, tapos akala ko kapag tumakas ako mararanasan ko 'yung kalayaan na gusto ko alam mo ba gusto ko maranasan, 'yung lalabas akong kilala ako ng tao 'yung wala ako kailangan taguan kung sino talaga ako." Kwento niya, lasing na talaga 'to kung ano na pinagsasabi.
"Bakit ka nagtatago?" Tanong ko sa kan'ya saka siya inupo sa kama, at hinaplos ang pisngi niya.
Ang pula-pula ng pisngi niya kaka-inom niya kasi.
Well... I don't think Meisha is good in tagalog speaking. The way she pronounce the words, I already know.
Hindi siya lumaki rito.
Ako lumaki ako rito, marunong ako mag-korean, english, and also tagalog. Sanay na sanay ako sa tagalog kaysa sa english and korean, unless ang kausap ko is ibang tao at parents ko. Nakakaintindi rin ako ng ibang language pero hindi ko kaya magsalita.
"D-Dahil... Lim ako." Simple niyang sagot habang nakapikit ang mata. Isusumbong ko talaga si Trisha kala mommy, para maputulan siya ng one week allowance. Wala pa sa legal age umiinom na naman, palibhasa alam niya mag-eightteen na siya.
"Lim? Ano naman kung lim ka?" Tanong ko pa rin saka patuloy sa paghaplos ng mukha niya.
"Hmm... Kilala mo ba si Michael Lim? Papa ko 'yun." Sabi niya. Hindi na ako nagtataka halatang anak mayaman naman siya nung una ko siyang makita, tsaka hinihintay ko lang naman na sabihin niya sa 'kin ang totoo. Dahil alam ko komplicado masyado ang buhay ng mga Lim. My parents and Mr. And Mrs. Lim are have a connection.
"Tapos?"
"Masyado silang protective sa 'kin, alam ko na inaalala lang ako ni bába, pero nasasakal na ako." Nakapikit niya sabi saka niyakap ang braso ko.
"T-Tapos... Dalawa lang kami pinakilala niya."
"Ano'ng ibig mo sabihin?" Tanong ko, ano'ng dalawa?
"Apat kami, pero dalawa lang kami pinakilala anak sa mga tao dahil pinoprotektahan ni bába 'yung dalawa ko kuya." Lasing niya kwento, ibig sabihin may iba pa siyang Kuya? Wow... Kabado.
"'Wag ka maingay ha! Secret lang natin 'yun, baka malanman ng mga tao lalo na ni Alexander." Para ewan niyang sabi saka humiga nang maayos.
"Sige, secret lang." Natatawa kong sagot saka Inayos ang pagkakahiga niya. Tatayo na sana ako ng bigla siya magsalita.
"Wo xihuan ni, Xander..." Nakapikit nito sabi. Hindi ako magaling masyado sa chinese dahil korean ako pero... Alam ko ang sinabi niya.
"Ano?" Hindi ko maka-paniwala sabi.
"Bingi kaba?!" Sigaw niya saka tumayo mula sa pagkakahiga.
"Sabi ko I like you, Alexander! Gigil ako ni Xander ang lakas ng loob makipaghalikan sa babae na 'yun, sa Zarina na 'yun!, kung mahal niya pa ex niya bumalik siya do'n sa malandi niyang ex!" Sigaw niya saka muli bumalik sa pagkakahiga.
Hindi ko alam kung ano i-re-react ko, matatawa ba ako ng dahil gusto niya ako or matatawa ako dahil para siya bata nagtatampo habang sinasabi ang mga 'yun.
"Meisha... Can you repeat what you said?" Mahina ko sabi sa kan'ya. Mabilis siya bumango sa pagkakahiga saka masama tumingin sa'kin.
"Kamukha mo... 'yung boyfriend ko, 'yung boyfriend kong gwapo, 'yung boyfriend kona umimik sa ex-girlfriend niya na, 'no, I'm taken, I have a girlfriend and my girlfriend is waiting for me so, leave me alone.' Ang cute talaga ng boyfriend ko." Wala sa sarili niyng sabi sabay hawak sa magkabila pisngi at mabilis na hinalikan amo sa labi. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya, ang hirap niya malasing.
"Meisha, lasing kana." Sabi ko saka inalis ang kamay niya sa pisngi ko.
"Sabi ko kanina, gusto ko si Xander. Ewan ko ba doon sa lalaki 'yun tanga yata at hindi nakikita may gusto ako sa kan'ya, kahit temporary girlfriend lang ako girlfriend niya pa rin ako 'no." Nakayuko nitong sabi saka umiling-iling.
"Pasensya kana manong at nagkwekwento ako sa 'yo ha." Dagdag pa nito saka muli nahiga.
What the hell?! Ako manong? Sa gwapo kong 'to at bata pa ako para maging manong.
"Matulog kana, at mag-uusap pa tayo bukas." Sabi ko saka tumayo sa pagkakaupo sa kama.
"I love you." Rinig ko sabi niya na kinatigil ko sa paglalakad.
"Mahal din kita, matulog
kana."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro