Kabanata 10
Trisha's Pov.
Papunta na kami ng cafeteria ni Amy kaming dalawa lang dahil sabi ni Meisha sa library muna raw siya. Ewan ko ba roon kanina pa siya gan'yan parang may tinataguan na hindi mo maintindihan.
At naiinis ako dahil kay Zack! Hindi masyado maganda mood ko dahil sa kan'ya. Really? Lalandiin niya ba talaga ang bestfriend ko, in front of me? Crazy...
"Mga bakla 'di ba sasabay ang mga papa sa 'tin?" Tanong ni Cyrill, napairap naman ako. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan sa matagal na panahon, inisip ko na ginagamit niya lang ako para lumandi.
"Hindi ko alam." Sagot ko, wala naman akong pakialam sa mga 'yun lalo na roon sa Ivan na 'yun bwisit siya, may hindi sinasabi sa 'kin. Alam kong he's hiding something from me...
"Trisha." Tawag 'yun mula sa likuran ko.
"Oy Kuya!" Pasigaw kong tawag, Kuya ang tawag ko sa kan'ya kapag nasa public place kami, Oppa naman kapag nasa bahay.
"Nasaan si Meisha?" Tanong agad niya, 'di muna ako tinanong kung bakit ang ganda ko.
"Nasa library Kuya, bakit?" Taka kong Tanong, nag-away ba sila?
"Wala, sige puntahan ko muna siya." Sabi niya saka umalis sa harapan ko, hanapan ba ako ng mga nawawala. Naloloka ako ngayon araw.
"Hi, Papa Ethan." Maarteng ang pagkakasabi ni Cyrill ng lumapit sa 'min si Ethan, ngumiti siya sa 'min. habang ako ngumuya nalang.
Eh gutom ako.
"Hi."
"Hmm... Nasaan si Lian?" Tanong niya sa 'kin tumingin ako sa kan'ya saka sumagot.
"Nasa music room." Sagot ko, agad naman siya tumungo at mukha napansin niya wala ako sa mood. Nagpaalam na siya sa 'min saka naglakad palabas ng cafeteria.
"Uy Cyrill nasaan si Aira bakit? 'Di mo kasama?" Tanong ni Amy na kumakain din ngayon.
"Pumunta sa locker room." Mahinahon na sagot ni Cyrill, tumungo naman si Amy saka pinagpatuloy ang pagkain. Nagsimula na kami magkwentuhan tatlo nang bigla sumulpot si Lyroy.
"Hi guys, nakita niyo ba si Aira?." Tanong ni Lyroy.
"Ay nasa locker room si bakla." Sagot naman ni Cyrill, tumungo naman si Lyroy.
"Ay sige puntahan ko muna." Sabi niya saka umalis.
Hanapan kami nang mga nawawala ngayon, nice!
***
Meisha's Pov.
"Alexander, bakit mo ba ako hinila?" Kinakabahan kong tanong nginisian niya ako saka binitawan ang pagkakahawak sa 'kin.
What's wrong with this man?!
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya agad habang diretsyong nakatingin sa 'kin, agad naman ako umiwas nang tingin
"Tumingin ka sa 'kin." Pag-uutos niya para naman ako bata sumunod sa sinabi niya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Kalmado niyang tanong ulit. Hindi agad ako sumagot gusto ko ngumuso pero, pinipigilan ko ang sarili ko.
"O-Of course not!"
"Kanina ka pa," halatang nauubusan na siya ng pasensya. "Noong susunduin kita dapat bigla kang nag-text, tapos nung nakita mo ako sa may cafeteria hinila mo 'yang lalaki mo para 'di dumaan sa harap ko, tapos ngayon hindi ka kakain para lang makasama 'yang lalaki mo." Walang emosyon niyang sabi. Lalaki? The hell! Si Zack ba tinutukoy niya?
"Si Zack?" Gulo kong tanong. "Hindi ko lalaki 'yun," pagtatangol ko sa sarili. "Kaibigan ko lang siya." Kabado kong dagdag.
Bakit ba ako kinakaban? Eh boyfriend ko naman itong kausap ko.
"Bahala ka sa buhay mo." 'Yun lang ang sinabi niya bago ako tinalikuran, natulala naman ako at sinundan siya nang tingin nakita ko pa siya bumubulong sa hangin.
Ano bang ginawa ko?
Naglakad nalang ako papuntang classroom ng makasalubong ko si Lian naka basungot ang mukha.
"Lian, ano'ng nangyari sa mukha mo?"
"Wala, bwisit kasing Ethan 'yan tara na kala Cyrill." 'Yun lang ang sinabi niya, saka ako hinila papuntang room kung saan nag-pra-practice si Cyrill ng table tennis.
Pagdating ko roon laking gulat ko nakabasungot ang mukha ni Trisha, Aira, at pati si Cyrill, nasaan si Amy?
"Bakit gan'yan mga mukha niyo?" Takang tanong ko agad at umupo sa tabi nila.
"Wala nabwisit lang ako." Sagot ni Trisha habang parang gigil na hawak ang cellphone niya.
"Bwisit kasi si Lyroy." Inis na sabi ni aira.
"Nakakainis kasi si Amy." Inis din na sabi ni cyrill.
Halata nga sa mga tono at itsura ng mukha nila.
"Bakit ikaw, Lian, naka basungot ka rin?" Takang tanong ni Aira .
"Bwisit din si Ethan eh." Inis na sabi ni Lian pasalampak na umupo.
Bwisit day ba ngayon?
Naloloka ako sa mga kaibigan ko, ako naman bwisit din pero hindi ko pinahalata.
"So, dahil ako pinaka maganda sa 'tin lahat tatanungin ko kayo." Saad ni Cyrill saka naglakad papunta sa harap namin.
"Bakit kayo na bwisit?" Tanong niya.
"Dahil sinabihan nila kami na bahala raw kami sa buhay namin." Sabay-sabay na sabi ni Aira at Lian maliban sa 'min ni trisha.
"LQ. Hayaan niyo na baka may regla ang mga papa..." Natatawang sabi ni cyrill, sabay-sabay naman kami napairap. Parang meron nga dinaig pa kami.
I don't know pa naman kung paano manuyo, tsaka why ko siya susuyuin?
Nanatali kami tahimik lahat. Kahit isa sa 'min ay wala umimik kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at ti-next si Kuya.
Ako:
Hi, good afternoon brother, how are you?
Mabilis ko sent 'yun alam ko busy si kuya pero, nag-re-reply naman 'yun sa 'kin.
"Tara girls, tambay sa play house." Yaya ni trisha, napaharap naman kami lahat sa kan'ya. Play House? Ano 'yun? Playground? like may swing, may slide?
"Sige, bahala sila wala naman ding pasok bukas sabado na naman." Pagsang-ayon ni Aira kay Trisha, tumungo naman si Lian at Cyrill.
"Ano'ng play house, gaming house?" Tanong ko tumawa naman si Trisha.
"Hindi, roon kami tumatambay minsan nila Cyrill, amin 'yun. may kwarto roon may gaming room may mga alak at marami pang-iba." Paliwanag sa 'kin ni trisha.
"Alak? Nainom na kayo ng alak?" Gulat kong tanong, well wine pa lang ang naiinom ko.
"Yes, I'm not proud okay drinking alcohol while you're still minor is not a good one, well I'm turning 18th na pero 17th ako nung nag-start ako uminom ng alak. Halos lahat kami turning 18th na meisha, ikaw lang ang turning 17th sa 'min." Sabi ni Trisha. Tumungo naman ako, well... Sa bahay naman daw so not bad.
Nagplano kami, sabi namin doon kami tatambay haggang linggo ng hapon kaya nung maglabasan pumunta na kami sa kaniya-kaniya bahay sunduin nalang daw ako ni Trisha sa bahay.
***
FIVE PM pa lang naman pero naligo muna kaming lahat saka nagpunta ng playhouse na sinasabi ni Trisha. Sumunod din si Amy sa 'min.
Kinuha ko 'yun cellphone ko ng maramdaman ko tumunog.
Kuya:
I'm fine, ikaw? How are you? I'm sorry ngayon lang nakapag-reply, busy si Kuya.
Mabilis naman ako nagtipa.
Ako:
Ayos lang Kuya, baka hanapin mo 'ko sa bahay wala ako roon, sa linggo pa balik ko.
"Kuha lang kayo ng wine d'yan!" Sigaw ni trisha, na ngayon ay nakaupo sa sofa at umiinom ng alak.
I am not familiar with alcohol because I'm the only girl sa family namin maliban kay Mama, and my bába and my older brother do not allow me to drink any wine other than white wine.
"Cheers!" Sigaw nila Cyrill pero hindi nalang ako umimik saka sumimsim ng white wine.
***
Halos maubos na kami ng three bote ng wine tapos two cases ng beer, hindi ko akalain mapapainom ako ng beer, dahil wine lang naman ang iniinom ko kanina.
"Hindi pa ba kayo lasing?" Tanong ko, dahil ako na hihilo na, ewan ko lang sa kanila kung nahihilo na sila.
"Hindi pa ako lasing kailangan ko, 'to para mawala 'yung sakit na raramdaman ko."
Nakapikit na sabi ni amy saka uminom nang sunod-sunod na shot.
Wala pa kami sa tamang edad pero ang takaw na nila sa alak. Uhm... Bahala na si Lord sa kanila... Basta ako I'm not proud starting drinking at young age.
"Me too, I want to forget him." Madamdamin na sabi ni trisha. Paano ko nasabi madamdamin? Sa tono ng boses niya but wait? Sino ang gusto niya makalimutan? Si Zack?
Kita ko si Cyrill may hawak na cellphone at may tinatawagan yata.
"Hoy Cyril, sino 'yang tinatawagan mo." Tanong ni Lian na nakaupo, okay pa naman siya na medyo oka— hindi ko talaga sure.
Sa totoo lang kami nalang ni Cyrill ang nasa katinuaan
"Hello Papa Ethan..." Rinig kong bulong ni Cyrill sa cellphone niya.
"Oo, punta ka rito sa play house 'yung mga girlfriend niyo... mga lasing na... parang baliw na baka ano pa gawin ng mga 'to, alam niyo naman dati 'di ba... Oo sige pasabi na din kala Xander at Lyroy sige bye." Bulong na sabi niya sa cellphone.
"Pupunta rito si Alexander?" Nakakunot kong tanong.
"Oo." Sagot niya.
"Sakit na nga ulo ko." Bulong ko sa sarili laking gulat ko nang bigla umupo sa tabi ko si trisha saka sinandal ang katawan sa sofa at nagsimula umiyak
"It's my decision but why I am the one hurt right here?" Bulong niyang tanong sa sarili saka pailing-iling na humarap sa 'kin. Lasing na siya pero bakit siya umiiyak.
"I still love him but, I can't have him by my side."
"Who?" Pagtatanong ko pero umiling siya. Zack?
"I don't want to say or hear he's name, nasasaktan ako 'pagnaririnig ko ang pangalan niya." Umiiyak niyang dagdag, mukhang hindi naman 'yun napapansin nila Lian at Aira na nag-uusap banda malayo sa 'min.
Kita ko si Amy naglakad pakyat at sinundan siya ni Cyrill at inaalalayan kaso ayaw magpalalay ni Amy pero 'di ko na 'yun pinansin at binalik kay Trisha 'yung paningin.
"Alam mo 'yung... feeling na mahal na mahal mo siya?" Tanong niya sa akin saka mahina tumawa.
"Alam mo 'yung feeling na mahal na mahal mo siya pero, hindi mo siya pwede makasama." Dagdag niya pa saka humihibik.
"Desisyon ko 'yun... pero ako 'yung nasasaktan sa desisyon ko, nagseselos ako 'pagnakikita ko siya may kasamang iba pero, alam kong hindi ako pwede komontra dahil desisyon kong... Hiwalayan siya." Humihibik niyang kwento saka muli uminom ng wine.
"Mahal na mahal ko siya
eh..." Mas malakas na ang iyak niya ngayon habang sinusundok ang dibdib niya.
"Pero... natakot ako... hindi ko pinaglaban ang pagmamahalan namin..."
"Sana pala lumaban ako... Sana pala hindi ako natakot na ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kan'ya eh... 'di sana masaya kami ngayon." Mapakla siya tumawa saka muli uminom agad ko binawi 'yung baso sa kan'ya.
"Nakita ko... Kung paano siya nagmakaawa sa 'kin, gustong-gusto ko siya balikan pero natatakot talaga ako ng oras na 'yun, ako ang nasasaktan sa kan'ya nung nakita ko siya sa ulanan, basang-basa hinihintay ako sa tagpuan naming dalawa." Mahaba niyang kwento saka nagpatuloy sa pag-iyak.
"If I go back to him? Does he still love me?" Tanong niya sa 'kin saka diretsyong tumingin sa 'kin hindi ko naman alam ang isasagot ko.
Pero alam ko na kung sino talaga ang tinutukoy niya.
Si Zack nga, unless may iba pa siyang ex?
"There is no fear in love, Trisha... Just fight your love for him, until the day comes, both of you are going to fight for love." Seryoso kong sabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
"Just don't give up, kung mahal niyo pa ang isa't isa ipaglaban niyo ang pag-ibig niyo... hanggang sa may pag-asa pa." Seryoso ko pa dagdag.
"Thank you..." Emosyonal niya sabi.
"I will fight for him, not now but, soon I will fight for him, until I die."
Napasandal ako sa sofa saka nag-isip.
Should I also fight my love for someone?
Why do I have to feel it at my young age I know it's normal for someone to love but, at my age why do I feel hurt instead of loving. Yeah, love can hurt sometimes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro