Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7. It's Been A While

Klairey

-

Nagising ako dahil sa kakaibang naaamoy ko. Kadalasan ay hindi ako nagigising sa kahit na anong klase ng ingay pero kapag amoy na lalo at unpleasant, that's a different kind of story.

Bumangon ako agad, at muntik pang matumba nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko, upang i-check ang kusina namin but there's no sign of Klover playing around. I checked his room at mahimbing pa ang tulog ng baboy. I would really kick his ass out kung sakaling siya man iyon! Magkalat na lang siya, ayos lang.

And I get it. Wala talagang puso itong mga kapitbahay ko, eh. Amoy pritong isda na sobrang langsa pa sa malangsa na may kasama pang usok at nanunuot na sa nostrils ko ang amoy niyon!

Sa bwisit ko ay sinara ko lahat ng pwedeng pasukan ng amoy ngunit balewala na iyon dahil na-invade na talaga kami ng kabahuan nila! Nag-spray ako ng air freshener upang kahit pa paano ay mabawasan ang amoy.

Napasabunot ako sa sobrang inis. Masama pa naman ang timpla ko ngayon! Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at ini-straight iyon. Humanda lang talaga sila sa akin. Huh!

Naligo na lang ako upang kahit pa paano na rin ay mawala ang hangover ko. Kaunti lang naman ang ininom ko pero may tama pa rin, eh. Nagbabad muna ako sa loob ng banyo at hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari kagabi.

The engaged couple took their sweetness to the next level. Dala ng espirito ng alak ay napasigaw ako ng 'get a room' sa kanilang dalawa. Nagsitawanan naman silang lahat samantalang seryoso na seryoso ako no'ng time na iyon. Yes, I remember it clearly. Hindi ako 'yong tipo na nakakalimot kapag nalalasing. And I think, it's a curse.

Though I can still pretend that I couldn't remember a thing. They wouldn't know.

Never ko talagang na-imagine na magkakaroon ng relationship sina Ate Melo at Sir Jim and now they're going to be married! I wonder how they feel ngayong malapit na silang ikasal? Kung gaano ba kasaya ang pakiramdam? Kung masaya nga ba talaga.

Kasi kung iisipin ko ngayon: una, gastos lang 'yan, pangalawa, wala ka nang freedom at pangatlo, sa part ni Ate Melo, syempre, magbubuntis iyan. Ang sakit kaya no'n! Isa pa, ayoko sa mga bata! Ang lilikot at ang iingay nila! Good luck na lang talaga sa kanilang dalawa basta ako, chill lang muna.

Noong nagtatrabaho pa si Ate Melo sa office ay minsan lang sila kung mag-usap ni Sir Jim. Walang sign na may something sa kanila noon. Napaka-civil lang nila sa isa't isa.

Magaling lang siguro silang magtago ng feelings. Sa pagkakaalam ko kasi ay bawal ang relationships sa office. It's either one of you will be transferred to other department or magre-resign ang isa.

OMG! Could it be the reason why Ate left? Dahil baka malaman na may relasyon sila ni Sir Jim? Hindi naman siguro. Ang alam ko talaga ay magtatrabaho si Ate sa ibang bansa, which is really true. Malaman ko lang na dahil talaga iyon kay Sir Jim, hindi ko siya mapapatawad. Dahil sa kanya, naiwan ako nang mag-isa!

Hindi naman kasi nagkukwento si Ate Melo tungkol sa lovelife niya at hindi rin naman ako nagtatanong. Kahit close kami ni Ate, awkward pa rin na magtanong tungkol doon. I personally don't want to ask questions na alam ko na pwedeng bumalik ang tanong sa akin. That's why I prefer being silent the whole time.

Tiningnan ko silang dalawa ng saglit and I almost see them kissing! Napa-tss na lang ako bago umiwas ng tingin. Palibhasa, iniwan na kami ng iba. The others went down to dance sa harap mismo ng live na tugtog. Humindi na ako kasi medyo nahihilo na ako no'ng mga time na iyon. Though Renzo stayed with me plus the love birds.

"Parehong kaliwa ang mga paa ko, eh," he said, half smiling habang nakatingin sa ibaba.

"So 'yong binibili mong sapatos, puro kaliwa lang?" I don't know where that stupid question came from but Renzo considered it as a joke. Namula na ito sa katatawa. "Now you lost your eyes. Paano ka na makakakita niyan?" I added.

Hindi ko napapansin na nawawala pala ang mga mata nito kapag tumatawa dahil sa eyeglasses niya, na hindi niya suot ngayon. He also brushed his hair by his fingers upwards dahilan upang mas makita ko ang mga mata nito. I find it attractive when somebody smiles like that.

"You're drunk and funny, Klairey. Nakakapanibago." Nilingon naman ako nito at nagtama ang paningin naming dalawa. Iniwas ko ang tingin ko rito at tinungga ang laman ng inumin ko. Remember? I don't like eye contact! Teka nga... Bakit parang bago sa pandinig ko ang pagbigkas ni Renzo sa pangalan ko?

"Hindi pa ako lasing at lalong hindi ako funny. You know," sabi ko. The atmosphere became awkward kaya inayos ko na lang ang upo ko bago kumuha ulit ng bagong bote.

Natawa ito bago tumingin ulit sa mga nagkakasiyahan sa baba. I took my phone to divert my attention and the rest of the night ay naglaro lang ako ng word games.

I can't believe Hazel and Crish is so close that night. 'Yong first impression ko na mahinhin na Hazel ay nawala na lang bigla. Though hindi naman masama na medyo mahawaan siya ng kaunti ni Crish. It's her life to live, wala naman akong pakialam doon. Kahit magsama pa sila buong magdamag. Tss!

Hindi ako naka-feel ng boredom kahit na cellphone ko lang ang kaharap ko. To be honest, I enjoyed the night. Unlike how I expected it to be boring, it was actually fun. Nae-enjoy ko pa rin naman kasi 'yong tugtugan sa baba. I really love the vocalist's voice. If only Klover has a voice just like that. No! Hindi pwede. Baka lalong magdagsaan ang mga stalkers no'n at madamay pa ako. Mabuti na lang at baboy lang talaga siya.

Sinubukan kong tumayo para tingnan ang mga nagpe-perform sa baba pero kahit na hindi pa naman mataas ang grado ng mata ko ay blurry na ang paningin ko. Idagdag mo pa na medyo nalula ako kahit hindi naman kataasan ang second floor. Dapat kasi, hindi muna ako nagpasobra sa tatlong bote.

Nang may malamig na kamay ang humawak sa siko ko. Kamuntikan ko nang masapak ng bote itong si Renzo na bigla-biglang sumisingit sa eksena. Inalalayan ako nito pabalik sa upuan namin. KJ! Magmo-moment na sana ako, eh.

"Stop drinking and just stay here. Mamaya niyan, hindi ka makauwi nang buo sa bahay ninyo," he said with concern written on his face. I rolled my eyes in him. Why does he sound so sincere?

"Hoy, Renzo. A-are you..." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil bigla akong nag-second thought. Mukha naman itong naghihintay sa sasabihin ko. "Forget it!"

What's on my mind that time? I want to ask him if he's hitting on me! Can you just believe it? This brain is really something. Concern lang naman yata 'yong tao dahil magkakasama kami rito. Alam ko naman na ayaw rin nilang maabala at masisi kung may mangyari ngang masama sa akin.

I am just thankful na hindi ko iyon sinabi nang malakas. Baka pagsisihan ko talaga iyon ng buong buhay ko! Nag-o-overthink ako kaagad sa mga simpleng bagay lang. You silly brat, Klairey!

Tatlong katok at sigaw ng baboy ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Unggoy! Anong klase ba ng ligo ang ginagawa mo, ha? Alam mo bang hindi mo naman ikagaganda 'yan? Natatae na 'ko!"

"Sigaw mo pa. Lakas mo pa! 'Di pa rinig ng mga kapitbahay. Bwisit ka," sigaw ko rito.

Binilisan ko na lang ng kaunti ang galaw ko at paglabas ko ay nakaupo na ito sa harap ng lamesa. "Oh? Pumasok ka na. Kaysa rito ka magkalat sa loob ng bahay," sabi ko rito habang inaayos ang tuwalya sa buhok ko.

"Nawala na. Tagal mo, eh!"

Aba naman! Binilisan ko na't lahat-lahat ang galaw ko ta's hindi naman pala siya papasok?! Nakakabanas talaga 'tong isang 'to!

"Kaya pala ang init-init, nakasara lahat ng bintana. Anong trip mo? Magko-concert na naman?"

"Hindi mo ba naaamoy? Ang baho na sa loob ng bahay dahil binuksan mo ng bonggang bongga iyang bintana sa kwarto mo pati rito sa sala gawa ng mabubuti nating kapitbahay!" nanggagalaiti kong sabi.

"Ah, sa kapitbahay pala 'yong amoy na 'yon. Akala ko kasi, ikaw lang," he said at uminom ng kape.

"Baka ikaw ang mabaho! Sino ba sa atin ang walang ligo?"

"Sus, para nakaligo ka lang ng isang beses, mayabang ka na," sagot naman nito. Aba't ang aga talagang dagdag sa sakit ng ulo ang isang 'to!

"Baboy ka!" Padabog na pumasok ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto. Kung aatupagin ko lang si Klover ng isang araw ay baka kinagabihan lang ay maputi na lahat ng mga buhok ko.

Mabuti na lamang at may pasok ang kapatid kong baboy kaya solo ko ang bahay ngayon. As planned, naglinis ako ng buong bahay at naglaba na rin. Kapag talaga nakainom ako ay hyper ako kinabukasan. Naunahan lang talaga ako ng init ng ulo kanina, eh.

Naisipan kong magpa-deliver na lang ng pagkain. Haggard much na rin dahil napagod na ako sa mga ginawa ko. Magluluto sana ako pero sabi ni Klover ay hindi siya kakain dito mamayang gabi kaya nawalan na rin ako ng gana na magluto, masasayang lang kasi.

After less than an hour, dumating na rin ang pagkain ko. Hindi ko na napansin ang oras at mag-a-alas tres na pala ng hapon! Kaya pala nanginginig na ako sa gutom.

"Good afternoon, Ma'am Ganda!"

Bigla akong napatigil nang makita ko ang deliveryman na nasa harap ng gate namin.

It's Yulian!

Bigla akong kinabahan at na-conscious sa mukha ko. Gosh! Hindi pa ako nagsusuklay. Ang laki-laki pa ng T-shirt na suot ko! Pakiramdam ko, ang baho ko pa. Bakit ba hindi ako tumingin muna sa salamin bago lumabas?

Teka nga. Eh, ano naman kung mabaho ako at walang suklay? Si Yulian lang naman iyan? Eh, sa gutom na 'yong tao, maiisipan niya pa bang mag-ayos kapag gutom na at nasa bahay lang naman?

Inayos ko na lang ang tindig ko bago ko binuksan ang gate. Pinapasok ko ito hanggang sa table sa labas ng bahay namin. Pinatong naman niya ang mga pagkain at inabot ko rito ang bayad.

Hindi ko maiwasan na maamoy ito at nahiya talaga ako sa bango niya. How can a deliveryman be so fresh looking at the same time fresh din sa pang-amoy, eh, nasa labas ito most of the time?

"Thank you," sabi ko na lang. Please umalis ka na, sa isip ko.

"Ma'am," tawag nito.

Nilingon ko naman ito. Halos pilit na ngiti na ang lumabas sa mukha ko. "Yes?"

"Maganda pa rin po pala kayo kahit na walang make-up," sabi nito.

Halos magtayuan lahat ng pwedeng tumayo sa akin. Inuuto niya ba ako?

"Wala akong pera, Yulian," I told him.

"Ah, gano'n po ba? Sayang, manghihiram sana ako!" kinamot nito ang likod ng ulo. Sa itsura nito ay mukha talaga siyang manghihiram ng pera sa akin. 'Yong totoo? "Joke lang po. Ang seryoso n'yo naman. Enjoy your meal, Ma'am!" at mabilis na umalis ito ng may nakakalokong ngiti.

Bigla naman akong nahimasmasan. Gutom na gutom na ako pero curious ako kung saan doon ang joke? 'Yong nauna niyang sinabi o 'yong pangalawa? Ugh! Bahala siya sa buhay niya!


[B/N: sana makaabot ako ng 30 or more chapters for this story. *fingers crossed*]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro