Chapter 6. Engagement
Klairey
-
We started the "session" by a toast for the team at dinagdagan iyon ni Kuya Dong na ipinagtaka ko naman.
"Para din sa success ni Jim!"
Natawa na lamang si Sir Jim sa kanya. Hindi rin ako nag-bother na magtanong dahil malaman ko man ay wala pa rin akong mapapala. If I know, they'll spill it later on kapag lasing na sila.
For the girls ay flavored beer lamang ang iniinom namin while hard drinks naman sa mga lalaki. Umiinom din naman ako minsan because I really am not that good girl type para hindi tumikim ng alak. There were times na dalawa kami ni Klover sa bahay habang nanunood ng movie kapag trip namin. We also have stocks sa ref namin if we want to have a sip before we sleep.
Everyone is having fun dahil sa dami ng kwento ni Kuya Dong. Akala mo ay ilang taon kaming hindi nagkita. Our topic is more on gossips about different departments though hindi ko naman kilala ang iba sa kanila dahil hindi ko naman sila nakakasalamuha.
Nakamasid lang ako at nakikinig sa kanila. Napapansin ko na unti-unti nang nagkakatama ang mga kasama ko. Renzo removed his eyeglasses and started talking. Gusto ko nga sanang makipagpalit ng pwesto sa kanya dahil feeling ko ay sagabal lang ako rito pero pinigilan ako ni Sir Jim. Nilamig na si Crish kaya sinuot na nito ang jacket. They are still talking about the guys below, I guess, dahil lagi silang tumitingin sa baba. Hindi ko naman gaanong makita dahil narito sa gilid ko si Renzo. Ate Cel stopped drinking while Kuya Dong and Sir Jim seems to have high tolerance pero maingay na silang dalawa at panay ang apir kapag natatawa sa jokes nilang ang mamais. Still, napapansin ko na panay ang tingin ni Sir Jim sa wristwatch nito. Is he waiting for something? Or someone?
Napalitan ng isang banayad na tugtog ng gitara ang kanina'y masasayang awitin na bumabalot sa loob ng bar na iyon. Napakasarap niyon pakinggan na mistulang tumatagos na iyon sa kaibuturan ng puso ko. I maybe overreacting due to the spirit of alcohol. Yes, I drink occasionally but it doesn't mean na mataas na ang tolerance ko sa alcohol. Kumbaga, matipid lang akong painumin.
I closed my eyes and when that guy downstairs started to sing, mas lalo kong nagustuhan ang tugtog na iyon. It felt like a familiar feeling started to embrace me. Nakalimutan ko na na may mga kasama ako dahil nahulog na yata ako sa boses at kantang ito. It's Jireh Lim's song entitled Pagsubok.
All of a sudden, I felt my chest tighten. That is because I was relly drowned by so much emotions. Bakit ba napakalungkot ng kantang ito? Bakit ba napakalungkot ng pagkakakanta ng taong ito? Parang napakalalim ng pinanghuhugutan nito ng emosyon.
"Klai, why are you crying?" Sir Jim asked me. Inabot nito ang tissue sa akin. Am I?
Dinama ko ang pisngi ko and it's really wet! Mabilis kong tinakpan ang mukha ko sa hiya at kinuha rin ang tissue na binigay ni Sir Jim.
"Hala! S-sorry. Nalungkot lang talaga ako," I told them with my voice cracking.
Natatawa naman sila na nagtataka at nakikita ko na nag-aalala. Lumapit si Hazel sa akin and she started tapping my back. Of course, hindi naman nila alam ang mga issues ko sa buhay kaya magtataka talaga sila. Besides, I rarely express my inner feelings. Lagi ko lang iyong tinatago gamit ang btchy kong aura.
"May pinagdadaanan ka ba, Ate Klai? Andito naman kami para makinig sa iyo," Hazel said in a low voice enough for me to hear.
Honestly, ngayon ay wala naman talaga. It suddenly just felt like "that" happened yesterday. All the emotions came back in an instant just because of a single song! That was so long ago and I know to myself that I already moved on.
I hate it! I hate this feeling. Gusto kong sugurin ang taong nasa ibaba dahil kasalanan niya kung bakit nakita ng mga kasama ko ang vulnerable side ko ngayon! I can't stop sobbing. Na-conscious na rin ako. Sabi pa naman ni Klover, ang pangit ko raw kapag umiiyak!
I also hate myself for ruining the mood of this table. So I excused myself for a bit and went to the restroom.
Mabuti at napansin ko na kanina kung saan located ang restroom kaya mabilis lang ako na nakapunta roon. Bumangga pa ako sa isang babae bago ako nakapasok sa mismong cubicle. Kinalma ko lang doon ang sarili ko bago lumabas at naghilamos.
"OA mo, Klai!"
This is not so me! Hindi ako basta-basta napapaiyak lang ng isang kanta. At lalong hindi ako umiiyak kapag nalalasing. Gosh! Nakakahiya sa mga kasama ko. Paano ko ie-explain sa kanila na wala naman talaga akong problema? Do I have to just act normal and pretend nothing happened? Or idaan ko sa galit at makuha sila sa tingin? The latter will do. I hope so.
Bumalik ako sa table namin and to my surprise, somebody is already sitting on my seat beside Sir Jim. It was a girl... At nakahawak si Sir Jim sa baywang nito habang nakasandal naman ang ulo nito sa balikat ni Sir. They seemed so close. Close enough to be like lovers. Hindi ko makita ang mukha nito since nakatalikod ito sa akin.
"Ate Klai," Hazel stood up when she finally noticed me and the others looked at my direction, too.
"I'm okay," I simply mouthed.
Nagulat na lamang ako nang lumingon din sa akin ang babaeng katabi ni Sir Jim at natutop ko ang bibig ko.
"Ate Melody?!"
"Eklai!"
She rose from her seat and immediately went to hug me. She hugged me so tight that all I can do is to return that same bear hug she's giving me.
"Na-miss kita!"
"Ako rin, Ate!" Gusto ko na namang maiyak! Ate Melody is my only close friend when I started working at the office. She's my mentor at parang tunay na ate na talaga ang turing ko sa kanya.
Una siyang kumalas ng yakap bago ako inakay paupo sa pwesto ko kanina. Hawak pa rin nito ang kamay ko.
"Did you miss me?"
I cling onto her before answering, "of course! Big time!"
That day she submitted her resignation was my saddest day sa office. I felt I was left behind, alone and there's no one left beside me at all. Talo ko pa yata ang iniwan ng boyfriend sa lungkot ko nang araw na iyon. But she promised me na hindi naman siya mawawala ng matagal at lagi naman kaming magkakamustahan.
Nag-resign kasi ito para magtrabaho abroad. Hindi naman talaga kami nawalan ng communication since marami namang means through internet and we have each other's mobile number. But since, medyo busy rin kami pareho, minsan lang kami magkausap. And in addition, her house is not so far from our apartment. She's actually Minmin's mom!
"Aw. You're still the sweetest, Eklai." I saw Kuya Dong's facial expression contradicting the thought nang sabihin iyon ni Ate Melo. I scowled at him before hugging her again.
"Surprise!" Sir Jim said. So this was it! Kaya pala hindi nila sinasabi sa akin kung ano'ng meron, iyon pala ay para i-surprise nila ako sa pagbabalik ni Ate Melo. "Sisihin mo siya. It's not my fault."
Natawa na lamang ako. Habang hawak ko ang kamay ni Ate Melo ay may naramdaman akong parang nakaumbok na bagay. I raised her hand to see a sparkling diamond ring on her ring finger. Lumaki ang mata ko at napasinghap ako."You're engaged?!"
"Yep! Magkakaroon na ng tatay si Minmin!" She sounded so happy and I was equally happy for her. She deserves all the happiness in the world. "I'm so sorry kung hindi ko agad nabanggit sa 'yo. This is actually a part of my surprise for you."
"Congratulations, Ate Melo. So who's the lucky guy?"
Everybody shifted their gazes from the two of us to none other than the guy beside her.
"Shocks!" I exclaimed. Lasing na ba ako at nagha-halucinate na? Napansin ko ay masyado ko nang nai-express ang nararamdaman ko mula sa pagkalungkot, saya at gulat. "For real?"
Sir Jim pulled her closer and kissed her forehead. "I just let you hold her hand because you're precious to her but she'll be mine soon so maybe, we can share? Eklai?"
Napatutop muli ako ng bibig. And I realized, was I overreacting?
"Ganyan din ang reaction ko kanina, girl," sabi ni Crish. "It hurts, you know. Pero keri lang. I'm letting you go na, Sir Jim." Nagtawanan naman ang lahat.
Wait lang. I can't handle this anymore. Masyado nang maraming ganap para sa iisang gabi lang. I won't be so surprised kung meron pang mangyayari mamaya. I need to fasten my seat belt.
I'm being too overly transparent now. But I can't help it. Lalo pa ngayon na narito na ulit si Ate Melo na tinuring kong ate ng ilang taon, masayang masaya ako para matago itong emosyon na ito. Okay, hahayaan ko muna sa ngayon. Tutal, iisipin naman nila na nakainom na kasi ako. Right!
Kumalas si Ate Melo kay Sir Jim bago ulit ako niyakap. Oh, I missed her hug so much!
"You're still my first love, Eklai," she said. Natawa naman ako. Same sweet Ate Melody.
Maybe I really tried to distance myself to others before, too. Ayaw ko nang ma-attach sa kahit na sino sa mga officemates ko dahil inisip ko agad na iiwan lang din naman nila ako. I was being hard to myself. Naalala ko 'yong mga panahon na hindi naman ako ganito kailap sa iba, well, mailap naman na talaga ako sa iba noong bata pa ako but that's so long ago. Natuto rin naman akong makisama kahit pa paano nang lumaki ako but it became different nang nagtatrabaho na ako. Masyado akong civil makitungo at trabaho lang talaga.
"Basta, 'wag ka na ulit aalis, Ate," I said, clinging on her.
"I won't in one condition." Tiningnan ko ito and she seems serious, like she's really going to leave if I'd say no. "Be my made of honor?"
Napayakap ako ulit sa kanya at paulit-ulit na sinabi ang 'yes'.
"Thanks, Eklai! At for good na ang stay ko rito lalo na at ako na ang magma-manage ng restobar na ito. Remember my cousin Noah? He owned this bar pero aalis na ito ng bansa for good since na-petition na sila ni Tita."
"That's good to hear, Ate." Nginitian ko ito nang matamis.
"Oh, para sa engagement ni Jim at Melody, cheers!"
Itinaas namin ang mga baso at bote namin. "Cheers!"
[ B/N or Bhem's Note: Thank you po sa votes and comments! I read and appreciate it a lot! xx ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro