Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5. Starry Night

Klairey

-

Mabilis na dumaan ang dalawang araw at Friday na nga. Lumipas lang iyon nang hindi ko namamalayan. Bakit kaya ganoon? Gano'n na ba ako ka-busy para hindi mapansin iyon? O ganoon na ba ako kamanhid para hindi ko iyon maramdaman? Nah! Not the latter. Busy lang talaga akong tao.

Parang ayoko pa kasi sanang gumala mamaya. Mabuti na lang ay paalis na ang bisita ko. Kung hindi ay baka bawiin ko ang pag-oo ko sa mga officemates ko na excited na excited nang umalis mamaya kahit medyo masama ang panahon.

Normal people would be so happy when Friday comes. Marami ang magpo-post ng TGIF sa mga social media accounts nila. Dahil ayun nga, may lakad kasi kinagabihan, whatsoever na parties na a-attend-an or for those who's so lazy to wake up early ay pwede na raw silang gumising ng tanghali and be a pig for two days!

Of course, gusto ko rin naman ang weekends but I'd still find something to do para naman hindi sayang ang oras ko like wash my clothes, clean our rooms, yeah, including the pig's room and make food for the two of us, and the list follows. Oh, I have so many plans this weekend at sana ay Saturday na nga.

It contradicts my previous thoughts, yes. May mga oras kasi talaga na gusto mong pigilan na huwag lumipas at mayroon naman na gusto mong hatakin upang mapabilis. It's the norm.

Kung iisipin ay ngayon lang ako sasama sa kanilang lumabas. Halos oras-oras akong nire-remind ni Hazel na pagpatak ng alas singko ng hapon sa Friday ay dapat, maghahanda na kami. Para na rin daw maaga kaming mag-umpisa at siyempre, maaga kaming matatapos. Dapat lang! I don't want to waste my time sa mga hindi naman sobrang importanteng bagay.

Bet I'd be so bored in there kahit hindi ko pa alam kung saan talaga kami pupunta. Basta raw ay sumama lang ako at sila na ang bahala sa akin. Meh? Hindi naman ako bata para maging kargo nila ng isang gabi lang.

"Ate Klai, 31 minutes!" Hazel reminded me again. Hindi halata na excited ito. Parang may iba pa talagang cause 'yong excitement niya. If I know, siya talaga ang may pakana nito. Welcome party raw namin ito sa kanya. Halos magdadalawang buwan na siyang narito at ngayon lang nila ito naisip.

Pero hindi ba dapat ay kami ang magpaplano ng welcome party para sa kanya since kami ang magwe-welcome? Ugh. I don't really get this girl. Anyway, wala rin naman akong plano na mag-prepare ng event para sa kanya. I guess, naisip niya rin iyon so nagkusa na lang siya.

The time clicked 5PM, the bell rang and napa-yes naman itong katabi ko.

"I really love that sound," she exclaimed. "Ate, magpalit na tayo sa restroom."

Sumama naman ako rito dala ang bag ko. Simpleng shirt and a skirt lang ang dala ko. Pwede na siguro ito since indoors naman daw kami.

"Ate, ang fab mo talaga!" pamamlastik ni Hazel habang nag-aayos kami sa harap ng salamin. Pareho na kaming nakabihis.

"He-he, akala mo maniniwala na ko riyan sa mga bola mo? No need. Sasama ako," I told her habang inaayos ang buhok kong naka-bun.

"Hindi kita binobola. Duh? Totoo kaya. Ay wait! Ate, that's a no-no! Ilugay mo 'yong hair mo." Bago pa man ako makareklamo ay tinanggal na nito ang tali ko at inayos ng kaunti ang buhok ko. "Perfect! Let's go?"

I glanced at the mirror for the last time and this time, I agree with Hazel na ilugay ang buhok ko. At least, pwede kong matago ang mukha ko. I grabbed my bag and we immediately went outside dahil feeling ko ay kami na lang ni Hazel ang hinihintay nila.

"Ah, kaya naman pala ang tagal ninyong dalawa. Nagpaganda pa ng bongga," puna sa amin ni Ate Celine. See? Sabi na, eh. Excited sila.

"Hindi nga po kami nag-effort, Ate, eh!" sabi ni Hazel. Nakakahiya tuloy sa outfit niya. Hindi pa siya nag-prepare ng lagay na iyan, eh, halos hindi ko na nga siya makilala sa ayos niya. Naka-dress kasi ito na fitted sa katawan niya at may itim na mahabang coat naman itong pinatong. Medyo mataas ang pagkakatali ng buhok nito at inipit niya ang bangs niya paitaas. Mas nasanay lang ako sa ayos ng buhok niya na naka-clip lang sa isang side at nakaayos ang bangs nito na nagtatago ng hindi naman kalaparan na noo niya.

"Hoy, Renzo. 'Yong tulo mo lumalaway, oh," pang-aasar naman ni Kuya Dong kay Renzo na ngayon ay pulang pula na naman sa hiya. Inayos nito ang salamin at iniwas ang tingin sa amin ni Hazel.

"Guys, pansinin n'yo naman itong OOTD ko. Pinaghandaan ko kaya itong araw na 'to." Of course hindi magpapatalo itong si Crisha. Naka-miniskirt naman ito at cropped top. Even though she's a little curvy, she can still pull off that cropped top. I'm just worried na baka lamigin lang ito but good thing, she has a jacket sticking out inside her bag.

"Lika na. Alis na tayo, baka abutan pa tayo ng bagyo rito." Mabilis na gumalaw kaming lahat papunta sa SUV ni Ate Celine at hindi na pinansin ng tuluyan si Crish. Nag-tantrums pa ito at napailing na lang ako.

Mabuti na lang at may sasakyan kami ngayon kagaya naman talaga ng napag-usapan namin, este, nila noong nakaraang araw. Si Kuya Dong naman ang magmamaneho. Sa shotgun si Ate Cel, and then ako, si Hazel at Crish at mag-isa sa likod si Renz.

"So, saan tayo?" I boredly asked. Nagkatinginan lang sila Kuya Dong at Hazel sa rear view mirror bago nito in-start ang makina at lumarga na nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

-

Almost 30 minutes din ang naging byahe namin kaya wala pang alas sais ay huminto na kami sa tapat ng isang restobar. Nang makababa kami ay sinipat ko ang paligid at in fairness ay maganda naman ang lugar. Iba ang dating nito mula sa labas kahit na medyo dominante ang kulay itim. Starry Night ang nakalagay sa signage nito, kaya nga siguro itim at parang mga lights lang ang design nito sa labas.

Agad naman kaming binati ng bouncer na nasa entrance. He's a typical type of bouncer na malaki ang katawan, matangkad at naka-army cut ang buhok. Medyo napaisip din ako dahil kung hindi uso ang security guard dito, ibig sabihin, nagkakagulo rito. Oh, no. I think I made a wrong decision!

"Good evening po, Ma'am and Sir. Maari ko po bang makita ang ID ng mga kasama ninyo?" Napatingin ito sa aming apat nina Hazel, Crish at Renz. Napakunot naman ang noo ko. Ganunpaman ay kinuha namin ang dala naming IDs at ipinakita iyon sa kanya. "'Yong sa inyo, Sir, okay na po," sabi nito kina Kuya Dong.

Inisa-isa naman kami ni Kuya Bouncer bago ibinalik sa amin ang IDs at pinapasok na rin kami.

"Oh my gosh. I think, nag-doubt si Kuya sa atin kung nasa legal age na tayo. I am so right. I really looked like a teenager still. Oh, well. Hindi naman nakakapagtaka," mahabang sabi ng hangin, este ni Crish.

"Agree ako sa 'yo, Ate! Apir tayo!" sabi naman ni Hazel sa tabi ko na nakapulupot pa ang braso sa braso ko. Tinanggal ko nga iyon nang mag-apir nga sila ni Crish. Hindi ko sila kilalang dalawa!

"Welcome to Starry Night, Ma'am and Sir! Table for six po?" magiliw na bati nito sa amin.

"Ah, actually we have a reservation under Mr. Jim Inocencio," sagot ni Ate Cel na ikinagulat ko.

Napatingin naman ako kay Hazel at napangiti lang ito ng malawak. Okay. So kasama namin tonight si Sir Jim at hindi ko alam dahil hindi nila pinaalam sa akin so ang point ko lang, ano naman kung kasama si Sir Jim? Bakit kailangan ay hindi nila sabihin sa akin?

"Ah, this way po." The waiter lead the way and umakyat kami sa second floor. Namangha naman ako sa interior ng bar na ito. Maliit lang siya pero ang spacious tingnan. May dance floor at maliit na stage din sa harap nito at naisip ko kung may sumasayaw ba rito pagkagat ng dilim? Pero mukha namang disente ang lugar so I shrugged the idea. Marami lang talaga akong naiisip kapag hindi pa ako at ease sa isang lugar.

May tatlong division ang second floor na para sa VIP or big groups: right wing, center and left wing. Open lahat iyon dahil may live yata na nagpe-perform especially tuwing Friday night, sabi nung waiter.

Dumiretso naman kami sa right wing at naroon na nga at prenteng nakaupo si Sir Jim. Tumayo ito nang makita kami at sinalubong kami.

"Good evening po, Sir Jim," bati namin sa kanya.

"Good evening, guys!" ngiting ngiti na bati rin nito. "Oh, wala na tayo sa office, Dong. Jim na lang!" baling nito kay Kuya Dong. Mas bata kasi ng isang taon si Sir Jim kay Kuya Dong. Naalala ko na, 31 si Sir Jim so 32 na si Kuya Dong. Ang galing ko talaga sa Math.

Naupo na kami roon at ganito ang naging seat namin sa dalawang pahaba na sofa na nakapaikot sa round table, from left to right: Renz, Crish, Ate Cel, Kuya Dong, Sir Jim, ako and si Hazel.

Nagbigay na ng menu 'yong waiter at pumili na kami. To my surprise ay sagot din pala ni Sir Jim ang lahat ng gagastusin namin ngayon. I wonder if it's his birthday kaya niya kami nilibre ngayon pero sa pagkakaalala ko ay October pa ang birthday niya. One thing is for sure, hindi ito welcome bash for Hazel.

Medyo awkward lang ang posisyon namin ngayon. Of all people, si Sir Jim pa talaga ang nakatabi ko. Parang okay lang ako na makatabi ko 'yong maingay na si Crish. Mas okay rin lalo kung si Renz, at least, hindi na ako maba-bother dahil hindi naman talaga ako iimikin nito. May times kasi na kinakausap ako ni Sir Jim at oo o hindi lang ang naisasagot ko.

Nang dumating na ang pagkain ay nagsitahimik na kami. Galit-galit talaga kapag pagkain ang usapan. Idagdag mo pa na libre!

"Sir, este, Jim! Ang sarap nitong manok. Saktong sakto 'yong timpla," sabi ni Kuya Dong habang ngumunguya pa.

"Oo nga, Sir Jim. Ang sarap po talaga ng pagkain nila rito," si Crish naman this time.

Natawa naman si Sir Jim. 'Yong klase ng tawa na parang ang sarap sa tainga kaya matatawa ka na lang din.

"Eh, bakit itong sa akin, matabang?" biro din nito sabay tawanan nila.

Kapag kasi talaga ikaw ang nanlilibre, wala talagang lasa ang pagkain. Kapag nililibre ko si Klover, laging siya lang ang umuubos ng pagkain ko, eh. Baboy kasi! Kapag siya naman ang nanlilibre tuwing sahod niya sa part time niya, inuuwian lang ako ng one-pice chicken and spaghetti. Ala-carte pa kasi baka raw matapon 'yong drinks sa daan. Itulak na lang daw niya ako kapag nabulunan ako. Bastos talaga. Buti na lang, favorite ko ang fried chicken at spaghetti.

"Klai, ang tahimik mo talaga. Makipag-ingay ka rin sa iba," sabi ni Sir Jim sa akin habang busy ang iba sa pagkukwentuhan.

"Normal na po ito, Sir. Wala naman po akong sasabihin, eh. At saka, nakikinig naman po ako," sabi ko sa kanya.

"Nakikinig, eh, kanina mo pa nilalaro iyang phone mo."

Ngumiti lang ako ng alanganin. Normally, kapag ganito talaga ay nagmamasid lang ako. Nakikinig ako kahit may iba pa akong pinagkakaabalahan.

Mayamaya lang narinig kong may nagsa-sound check na sa baba. Sinilip ko iyon at may nakita akong dalawang lalaki sa mini stage at may nag-a-assist sa kanila.

"Omo!" halos mapatili na si Hazel sa gilid ko. Mistulang naiihi na ito sa kilig ag nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig. "Ate Crish," tawag nito kay Crish sabay lipat ng upuan. Na-awkward-an yata at na-feeling out of place si Renz kaya lumipat na lang ito sa tabi ko.

"Dito muna ako, Klai, ha?" mahinang sabi nito sabay ayos ng salamin.

"Sige lang," sabi ko naman. Pinagmasdan ko 'yong dalawang ihing ihi sa harap ko at kilig na kilig talaga sila habang pasulyap sulyap sa baba. Ano ba kasi talagang meron? Kung sabagay, may mga lalaki. Kapag may lalaki, masaya si Crish. Eh, bakit pati si Hazel? Don't tell me, nahawaan na agad ni Crish si Hazel? Oh, no. BI!

Dumating naman ang drinks namin afterwards. At ngayon palang yata magsisimula ang gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro