Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4. Just A Girl Thing

Klairey

-

It's Wednesday, it's wash day and here we go again with the so-called "what-should-I-wear" type of dilemma.

Kagabi palang ay naisip ko na na susuotin ko 'yong dress na nabili ko last week. Inayos ko na iyon ng plantsa pero nang masuot ko ito but I felt like it isn't the right time to wear it so I took it off.

Binuksan ko ang drawer ko para makita ang mga nakatupi kong tees, pati ang cabinet na may mga dress at iilang ternos, samantalang sa may gilid ay mga pants naman. Inisa-isa ko na ang mga iyon only to disappoint myself.

I have nothing to wear! What shall I do?!

Napaupo na lang ako sa gilid ng kama ko, frustrated. The situation is very upsetting. If only I could wear our uniform on weekdays. Kaso ay ayoko namang pagdiskitahan ako nina Kuya Dong. At isa pa, hello? Nakakahiya! Agaw-atensyon kapag ganoon. Sa dami ng naghihintay sa araw na ito para umawra, ikaw, magyu-uniform lang?

In the end, I considered the weather to choose my OOTD. Hinatak ko ang white sweatshirt ko at jogger pants. It's misty outside at alam kong lamigin ako so eto na, final na ito!

Sa kakapili ko pala ng masusuot ay halos mag-iisang oras akong nakatunganga sa loob ng kwarto ko. Tuloy ay wala na akong oras para mag-ayos dahil baka ma-late naman ako. Ni hindi man lang ako nakapagpatuyo ng buhok.

I was on my way to the school nang makasalubong ko si Minmin, 'yong aso ng kapitbahay namin. Switso raw ang lahi no'n (imbes na shih tzu), sabi ni Aling Ningning, 'yong kasambahay ng may-ari. Kaya kapag nakikita ko ang asong iyon ay natatawa ako. Pinipigil ko lang kapag may ibang tao sa paligid dahil baka isipin nila na baliw ako.

"Minmiiin~" tawag ko sa aso. Napaangat ito ng tingin at mabilis na tumakbo palapit sa akin. I patted his head at nilaro muna ito saglit bago tumayo. Hindi ko na binuhat dahil baka madumihan ang damit ko. Tinawag na rin ito kaya pumasok na rin ito sa bahay nila.

Somehow, playing with that dog and other dogs in the neighborhood makes my day. Parang nakakatanggal kasi ng stress. You're free to express yourself dahil alam mong hindi ka ija-judge ng aso in this world full of negative people. Hindi lang ako nag-aalaga dahil wala namang tao lagi sa apartment. Kawawa naman kung iiwan mo lang tapos siya, maghihintay sa 'yo.

"Oh, Klai? May sakit ka ba?" sabi ni Kuya Dong nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Wala naman po, Kuya," I wanted to add 'thanks sa concern, Kuya Dong' in sarcastic tone. Hindi lang nakapag-lipstick, may sakit na agad? Hindi mo tuloy alam kung concern ba talaga sila o sadyang nanti-trip lang.

"Ate Klaiii~ good mo— Ate? Anyare? You look pale. You okay?" Dinampi ni Hazel ang likod ng palad nito sa noo ko. Tinapik ko naman iyon.

"Oo na! Oo na! Eto na nga, oh, mali-lipstick na!" Sabi ko na lang bago kinuha ang make up kit ko sa bag and put my lipstick on. "Okay na?"

Hours have passed at feeling ko ay may gusto akong kainin pero hindi ko ma-point out kung ano. Lumabas ako at nakakita ng cake na dala ng isang estudyante kaya nag-crave ako ng cake. Gusto kong bumili ng isang roll ng yema cake at uubusin ko nang ako lang mag-isa. Nakakita rin ako ng shirt na ang tatak ay pizza at fries kaya naisip ko rin na magpa-deliver na lang no'n pero tinatamad naman akong tumawag. Nakakatamad din magtanong sa kanila kung gusto ba nilang magpa-deliver. Hay!

I disregarded all the thoughts running inside my head. Katakawan na ba ang tawag dito kung nasa isip ko pa lang naman?

Kailangan kong idisiplina ang sarili ko. Ayokong lumobo dahil sa katakawan ko. Bahala na na ma-deprive ang sarili basta hindi lang ako ma-overweight.

Nag-stay na lang ako sa cubicle ko ng lunch break. Sinuot ko ang headset ko at in-open ang website ng YouTube. Good thing, pwede kaming mag-browse tuwing breaktime. Nag-search na lang ako ng mga dog videos para matuwa naman ako at makalimutan 'yong mga pagkain sa isip ko.

Karamihan sa mga videos na ito ay napanood ko na pero natatawa pa rin talaga ako kapag napapanood ko ulit.

And then napadpad na naman ako sa clip ni Hachiko. All of those emotions a while ago were covered with sadness. I'm on the verge of crying when I closed the video. Ang sakit sa puso! Kahit gaano kang katatag na klase ng tao ay mapapaluha ka pa rin talaga basta namamatay na aso na ang usapan at alam mo ang kwento niya. Kapag naman tao ang namamatay sa drama, poker face lang naman ako. Expected naman na, eh. Pero bakit kahit expected na rin sa mga hayop, nakakaiyak pa rin?

Tuluyan ko na lang na sinara ang tab at napahinga ako ng malalim. Hindi ako mapalagay. Parang ang uncomfortable ng feeling ko. I felt something at nang pumunta ako sa CR ay confirmed! May bisita nga ako.

Kaya naman pala medyo masama na ang pakiramdam ko. I almost forgot to count those days. Mabuti na lang at kaunti pa lang, kung hindi ay mapapauwi ako nang wala sa oras.

Ang hirap talagang maging babae!

Every month, ie-expect mo ito. Minsan, sa mga hindi pa expected na pagkakataon ito dadating. Magaling pa tumayming. Minsan ay kung kailan ka talaga may lakad, doon siya darating. Kung hinihintay mo naman, ayaw dumating. Parang pagbabantay lang ng jeep, maraming dadaan kung kailan hindi ka nag-aabang.

The whole afternoon, wala na talaga ako sa mood. Mas lalo akong tinatamad makipag-usap sa iba kaya hindi ko masyadong pinapansin si Hazel. Mabuti at naintindihan naman niya ako kaya hindi niya na rin ako kinikibo. Kapag feeling niya ay napapanisan na siya ng laway, pupunta siya kina Ate Celine para makipagkwentuhan.

Sanay naman na sila na ganito ako araw-araw. Mas malala lang talaga kapag may dalaw.

Come to think of it? Mukha ba akong laging may dalaw?

"Ate Klai." Ugh. Haze, please say something better.

"Oh."

"Labas daw po tayo after work on Friday. Uhmm, ikaw na lang hinihintay namin. Malapit lang po 'yong pupuntahan natin, Ate. Bonding lang po talaga. Hehe." I looked at her and looked around at nakita kong nasa akin sila lahat nakatingin.

So kapag ba humindi ako, masama na akong tao? Kapag humindi ako, ang kill joy ko? Kapag humindi ako, pag-uusapan nila ako? Kapag umoo naman ako ay baka dahil dito sa bisita ko, masira pa ang mood ko at madadamay pa ang ibang tao. Kapag umoo ako, mamomroblema na naman ako ng susuotin ko. Kapag umoo ako, at least, makakapag-enjoy rin naman siguro kahit pa paano. At saka, minsan lang din nila akong yayain dahil alam nila na hihindi ako, hindi na rin nila ako ini-invite.

Ngayon, mukhang excited na ang lahat at gusto nila na kumpleto kami. Pagbigyan ko na ba?

"Sige."

-

It's been such a looong day!

Sa isang araw ay napakaraming emosyon ang nararamdaman ko. Ako lang kaya ang ganito? Masaya, na biglang maiinis pagkatapos ay malulungkot. Nature na ba talaga ng isang babae ang maging ganito? Oh, ako lang talaga?

Though it's really a girl thing they say. You won't understand, but you can relate.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro